Chapter 23 "Rain"

44 5 0
                                    

Clench Gabriel Belmonte's POV

Naglalakad ako sa hallway ng Laurente nang may mahagip ang mga mata ko.

"Nurse Rozel!?" Tinawag ko ang isang babaeng naka-uniform na puti. Lumingon siya sa gawi ko at awtomatikong gumuhit ang ngiti niya.

"Clench? Kumusta na ang pakiramdam mo?" Nakangiti niyang pangungumusta sa akin.

"Magaling na ko, Nurse Rozel" nakangiti ko ding bati sa kaniya. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"

"Dito ako nagaaral, third year student. Nursing"

"Woah! Akala ko nurse ka na talaga hihi"

Lumapit siya sa akin at sinilip ang ulo kong may sugat pa ng kaunti.

"Tingnan ko, huh?" Sinipat-sipat niya ang ulo ko. "Okay ka na nga"

"Syempre, magaling ka mag-alaga e"

"Salamat, Clench. Paano ba 'yan mauna na ko? May klase pa ko" ngumiti siya nang malapad.

"Sige, Salamat ulit!" Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Nagpaalam na siya at nagmadaling umalis. Pinanood ko nalang ang paglakad niya papalayo.

Ganda ng ngiti niya.

Javen Flair's POV

Tinatahak ko ang daan pauwi ng bahay. Dumaan muna ako sa restaurant at kakain dahil malamang walang pagkain sa bahay.

Mag-isa nga lang ako diba?

"Good evening, Sir" bati ni Cris sa akin nang makapasok ako sa Rosa Restaurant.

"Good evening, Cris. Dito ako kakain, ihanda mo 'ko ng paborito ko pero kaunti lang dahil baka 'di ko maubos"

"Opo, sir!" Masiglang sabi ni Cris habang nakangiti.

Umupo na ako sa table kung saan parati naming pwesto noon ng pamilya ko. Si dad ay nasa trabaho pa din ilang araw ng 'di umuuwi.

Maya maya pa ay dumating na si Cris at inihanda ang pagkain. Kumain na ako at matapos ay nagpaalam na sa kanila. Papunta ako sa kotse ko may kalayuan ang pinagparadahan ko no'n nang biglang bumuhos ang ulan.

Nagmadali akong tumakbo at hinanap ang kotse ko. 'Di ko makita sa dilim at sa malabong paningin dahil sa ulan. Nababasa na ako.

Laking gulat ko nang sa kalilingon ko ay wala ng tumulong patak ng ulan sa katawan ko. Nang tumingala ako ay may payong na nakasaklob sa akin. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng mga kamay na may hawak ng payong.

Isang babaeng matangkad, maganda, matangos ang ilong, bagay ang kulot na buhok at mestisa.

"Salamat" mahina kong sabi.

"Saan ba ang punta mo at ihahatid na kita?" ngumiti ang babae.

"I'm finding my car" lilinga-linga kong sabi.

"Okay, sumukob ka lang dito sa akin hanapin natin"

Hinanap namin ang kotse ko naiilang ako dahil bihira naman ako makipag-usap sa babaeng hindi ko naman talaga kilala. Nang mahanap namin ang kotse ko ay binuksan ko na agad 'yon. Pumasok ako ng kotse ko at ibinaba ang windshield.

"Salamat, ano nga palang pangalan mo?" Sabi ko habang nakasilip sa bintana ng kotse.

"Diamond, Diamond Baider" at saka siya ngumiti nang pagkalawak-lawak.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now