Chapter 85 "Dangerous Fighter"

30 3 2
                                    

Javen Flair's POV

"Ta..xon?" nagugulat na tanong ni Nem at nanlaki ang mga mata.

Kilala nila? Paano? Saan? Kailan pa?

Gustong magtanong pero mahina na ako para magsalita pa. Hinahanap ng mata ko si Zeal pero wala naman ata siya. Mabuti na 'yon para 'di siya mapahamak.

"What are you doing here?" tanong ni Nel sa kabila ng pagkagulat niya.

Ngumisi si Taxon at biglang sumama ang tingin kay Nel.

"You mess with Shine Clear Baider" sa tono niya ay normal lang naman pero parang ang dating sa akin ay napakataas na tao ng binanggit niya.

"Shine--what? Sino 'yon?" kunot-noong tanong ni Nel.

"Ako"

Nagulo ang buong sistema ko nang bumagsak nalang bigla ang limang lalaki at nagpakita doon si Zeal.

Baby..

Gusto kong samaan siya ng tingin dahil sa suot niya. Sleeveless ang damit niya na hapit sa kaniya at 'di na umabot sa pusod niya. Nakashort lang siya. Naiinis ako! Bakit ganiyan ang suot niya!?

"Bai..der ka?" halos 'di masabi ang tanong na iyon ni Nem.

Bakit? Anong meron sa pagiging Baider?

Alam kong mayaman sila at may kakaibang tradisyon pero bukod do'n ano pa ang hindi ko alam? Bakit gano'n nalang ang takot na ipinapakita ng magkapatid na iyon?

"I'm Elleina Zeal Suarez, the only girl protecting Suarez family. I'm z4 the highest rank in HTH organization and lastly, I'm Shine Clear Baider the most dangerous fighter!" pakilala niya na ikinagulat ng lahat ng miyembro ng Dreadful Gang. Madiin, mayabang, at mapagmalaki ang dating no'n sa kahit sinong nakakarinig pero nakakakilabot. "Nakalimutan niyong kilalanin ako kaya ako na ang nagpakilala" maangas na sabi ni Zeal.

Biglang naging madilim ang paningin niya nang makita ang mga kaibigan namin. Si Kean, Rev, Lance, Clench, Arah at Carme na iba na ang mga hitsura. Mas dumilim ang mukha niya nang magtama ang paningin naming dal'wa. Kumuyom ang palad niya at tinitigang mabuti kaming lahat.

Lumapit si Elle kay Nel at gano'n nalang kabilis gumapang ang kirot sa puso ko nang ngitian niya ito ng malapad at saka hinaplos ang pisngi ni Nel.

Nakuyom ko ang palad ko. Ano nanaman bang ginagawa niya?

"Close your eyes" malambing na sabi nito kay Nel na lalong nagpainit ng ulo ko. Pinipilit kong tumayo pero bumabagsak lang din ako.

Pumikit si Nel biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Zeal para siyang ibang tao. Sinuntok niya ito ng sobrang lakas sa mukha dahilan para tumalsik ito sa pader at malakas na bumagsak.

Ang lakas ng suntok niyang iyon!

"You want to meet the Dangerous Fighter?" ngumiti si Zeal ng sobrang totoo, malapad at..

Nakakainlove. Lalo kong naramdaman ang tibok ng puso ko na sinisigaw siya!

Ano bang ginagawa niya?

Parang may sikretong paraan sa ginagawa niya. Itinaas niya ang hawak niya. Maliit iyong speaker at pinindot niya.

"I want you all to know me!"

Nag-play ang kantang nagmumula sa speaker at inihagis niya iyon sa kung saan.

Marikit
Juan Caoile feat. Kyleswish

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now