Chapter 36 "Flair's Birthday"

44 5 0
                                    

Javen Flair's POV

"Lagyan mo dito hahaha" - Rev

"Kapalan mo ng kilay hahaha" - Zeal

"Oo, wait. 'Eto na" - Ali

"Hihi. Bahala kayo dyan 'di ako kasali dyan" - Arah

"Pre! dagdagan mo ng harina" - Kean

"Hahaha dami na" - Clench

"Bilisan niyo baka magising na" - Carme

"Tsk" - Lance

Naririnig ko iyon habang nakapikit ako.

"Ang ingay naman" sabi ko habang humihikab-hikab pa ako. At muling mahimbing na natulog.

Napamulat ako ng mata nang maramdamang ang lagkit ng katawan ko.

O__O - ako

Nanlaki ng sobrang perfect circle ang mga mata ko nang makita ko ang mga kaibigan kong nakapalibot sa kama ko at bumu-bungisngis.

^__^ -silang lahat.

Napabangon ako sa gulat.

"Ang pangit mo matulog, lalo na ang hitsura mo ngayon" nakangising sabi ni Zeal.

Lumaki nang pagkalaki-laki ang bunganga ko nang bigla nila akong batuhin ng itlog. Umilag ako pero bigo ako dahil natatamaan pa rin ako at saka ko nakita ang reflection ko sa salamin. Puno ng sulat ang mukha ko at ang buo kong katawan ay may white powder na 'di ko alam kung ano.

"Wala ka ng takas" sigaw ni Kean at binato pa ko ng itlog.

"HAHAHA takbo pareng Jave" hinabol naman ako ni Rev.

Para kaming sira na naghahabulan sa loob ng kwarto ko. Hinabol nila ako habang binabato ng itlog.

"Ugh! Get out of my room!" Inis ns inis akong tumingin sa kanilang lahat.

Imbes na tumigil ay lumaki pa ang ngisi sa mga mukha nila.

"Hulihin ang bihag!" sigaw ni Kean habang itinaas pa ang kanang kamay sa ere.

The fuck?

"Hulihin!" parang mga baliw na tinaas din ng lahat ang kanang kamay nila at sabay-sabay na sumigaw at saka nagtawanan.

Napalunok naman ako nang akmang hahabulin na nila ako at huhulihin. Si Arah lang ang 'di nakikisali pero nakabungisngis siya sa isang gilid.

Tumakbo silang lahat parang may isang salot na sinusugpo. Takbo ako nang takbo kahit nadudulas ako sa lagkit ng katawan ko dahil sa kung ano ang nilagay nila. Punong-puno na rin ng itlog ang katawan ko dahil sa ginawa nilang pambabato.

"Ano bang problema niyo?!" inis na inis kong sigaw habang nagtatakbo para 'di nila mahuli.

"HAHAHAHA" tawa lang sila nang tawa habang hinahabol ako at pinagkakaisahan.

Sa kakatakbo ko ay may nabangga akong tao. Nang tingan ko ay si Zeal pala, natumba kami at nasa ibabaw niya ko. Nailang ako bigla pero 'di siya nagpatinag, ngumisi si Zeal at saka mahigpit na yumakap sa akin.

Dug.dug.dug.

"Gotcha! HAHAHA" tatawa-tawa niya akong yakap para 'di makawala.

Nayari na! Nanghina ang katawan ko sa yakap niya kaya hindi na ko nakagalaw pa dahilan para tuluyan na nila akong mapuksa. Hahaha

Kahit wala akong ideya sa nangyayari ay natatawa na rin ako. Ewan ko ba kung anong trip ng mga ito. Bigla nalang akong nagising na nandito silang lahat at ginugulo ang tahimik naming bahay.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now