Chapter 6 "First Day of School"

53 6 0
                                    

Elleina Zeal's POV

Pinasadahan ko ng tingin ang buong Unibersidad de Laurente, napakaganda, napakalaki at nakakamangha.

I'm ready to face my way going to my profession!

Nakangiti akong naglakad.

"Bebs!!!!!" Nakangiting bati sa akin ni Carme.

"Hmm?" Matipid kong bati sa kaniya.

Wala ako sa mood magsalita basta masaya lang ako. Napatingin ako sa likod ni Carme nakita ko si Lance na naglalaro sa cellphone.

Wow huh? First day of school pero inuuna niyang maglaro.

"Good morning, Elle!" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang malaking ngiti ni Clench.

"Morning" bati ko rin.

"Ayiiieeee!" Kinikilig-kilig na sabi ni Carme na may mapangasar na mukha habang nakatingin sa aming dal'wa.

"Alam mo kayong dal'wa ba't di pa kaya kayo magligawan 'no?" nagpalipat-lipat pa ang tingin ni Carme sa amin.

"Kung pwede nga lang e kaso ayaw ni Elle" malapad na ngumiti si Clench bago sumulyap sa akin.

"Ikaw bebs pa-choosy ka pa!" Sinabi niya 'yon na nangaasar pa din at sinusundot-sundot ang baiwang ko.

"Ano ba Carme!" Pagsaway ko sa kaniya.

"Ikaw talaga kahit kailan di ka man lang maging sweet sa akin ako palagi kitang tinatawag na be--" pinutol ko na ang pagmamaktol niya.

"Tsk"

"Kita mo na? 'Yan hirap sayo be--"

"Banyo lang ako" 

Ayaw kong makarinig ng sinasabi niya paulit-ulit niya lang sinasabi 'yon at ang ingay-ingay niya.

Pumasok ako sa banyo at tiningnan ang sarili. Walang kaayos-ayos bukod sa nag-liptint lang ako. Buti nalang hindi naman mukhang haggard. Kakain lang kasi ng oras ang mag-make up.

"Bebs, bilisan mo nandyan na professor natin!" Sigaw ni Carme sa may pinto ng banyo.

Lumabas na rin ako hinanap ko sila Lance at Clench wala na sila.

Education ang course namin ni Carme, 'yon ang gusto ko at sumama lang siya sa akin dahil di pa daw niya alam kung anong gusto niya baliw talaga. Si Lance ay Civil engineering at si Clench ay Nursing ang kinukuhang kurso kaya naman this time 'di na kami magkakaklase unlike when we're on highschool.

"Umalis na sila Lance at Clench tagal mo kasi sa banyo" bulong niya sa akin.

"Good morning everyone!" Bati ng professor.

Tumayo naman kami at bumati rin.

"Good morning, ma'am!" Sabay sabay naming bati.

Pinasadahan ko ng tingin ang babae sa harapan. May 'di katandaang mukha, payat ang pangangatawan at may pagkastrikto ang dating niya.

"You are all want to be a teacher huh? You think being a teacher is easy? It's not what you think. You have two choices--stay and die or leave?"

Nagulat ako sa sinabi niya parang may matinding kahulugan.

"Stay, because you are going to do everything to be perfect. A teacher is an influencer too, the future of your students is in your hand. Die, because before you get your profession there are so much paperworks and what do the students called that?-- everyday is a hell or you can choose leave, simple you may go, walk out from this profession but I swear this profession is enjoyable if this is really your passion" tumingin siya sa aming lahat. "Good luck future teachers! Fight fight fight!" At ngumiti na siya sa amin.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now