Chapter 89 "Grand Ball"

39 3 1
                                    

Elleina Zeal's POV

Pinasadahan ko ng tingin ang susuotin kong gown. Silver ang kulay no'n napaka-sexy, loose ang harapan dahilan para lumuwa ang dibdib ko. Manipis ang strap sa shoulder at labas ang likod. Hapit na hapit ito sa akin at talagang makikita ang curves ko katerno 'yon ng silver na 6 inch heels. Okay lang kaya kay Flair na magsuot ako ng ganito?

Nagsimula na akong mag-make up. Ako lang ang magme-make up sa sarili ko dahil mas alam ko kung ano ang bagay natuto naman na ako nito dahil sa kakanood ko sa youtube.

Naglagay ako ng moisturizer, concealer at foundation. Nilagyan ko ng maskara ang kilay ko upang magmukhang makapal, naglagay din ako ng nose line at blush on. Natuwa ako nang maamoy ang strawberry sa lipstick na red. Nakakulot na rin ang buhok ko.

Pagkatapos no'n ay isinuot ko na ang gown. Kinakabahan ako sa gabing ito magustuhan kaya nila ang suot ko? Ugh!

Lumabas na rin ako pagkatapos nakita ko ang tatlong kuya ko. Nandito rin si Diamond, Kil at Taxon. Nawiwili na nga sila dito dahil palagi daw silang mag-isa sa mansyon puro busy ang mga tao.

"Wow!" sabay-sabay nilang sabi.

Lumapit si Diamond at nilagyan ng napakagandang silver na clip ang gilid ng kaliwa kong buhok.

"You're so beautiful cos!" namamangha niyang sabi.

"Ganda ng Prinsesa namin" nakangiting sabi ni Kuya Zaimon.

"Siyempre maganda nag-iisang babaeng Suarez" ngumisi si Kuya Zeke.

"Mang-aasar ka nanaman z2" saway agad ni Kuya Zen.

"Tara na ihahatid na kita" sabi ni Taxon kaya lumabas na rin kami.

"Ingat ka, Shine" sabi ni Taxon nang marating namin ang Laurente at sumakay na rin sa kotse. Nagpaalam nalang ako.

Kinakabahan akong tinahak ang hallway. Ewan ko ba baka kasi hindi nila magustuhan ang suot ko?

"Elle" nakita ko ang papalapit na si Nel. Naka-tuxedo rin siya dahil ga-graduate na rin.

Binigyan namin ng pangal'wang pagkakataon si Nel dahil ayaw namin masira ang buhay niya. Nangako siyang hindi na niya kami guguluhin pa pero hindi ko pa rin siya mapapatawad.

"Elle, I'm sorry" sinsero niyang sabi. "I'm so sorry for what I did. Patawarin mo sana ako" lumuhod siya sa harap ko pero ngumiti lang ako sa kaniya na ikinagulat niya. Ulit-ulit siyang humingi ng tawad sa akin.

"Tumayo ka na diyan. I'm sorry too I can't forgive you just go far away from us. Congrats nalang graduate ka na rin" sabi ko sa kaniya. Tinapik ko ang balikat niya at handa ng lampasan siya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya at ang pagsisisi.

Hindi ko pa siya kayang patawarin ngayon kahit pa gaano siya kasinsero ang ginawa niya sa mga taong mahal ko ay walang kapatawaran.

"Sana dumating ang araw na handa ka ng patawarin ako. Pangakong babawi ako sa lahat ng mga kasalanan ko"

Tuluyan ko na siyang tinalikuran.

Nang marating ko ang venue ay agad tumama ang tingin ko kay Flair. He is handling a bouquet of rose. He is so handsome with his tuxedo.

My Flair..

Nakita ko ang pagkamangha sa mukha niya at ang kumikinang na mga mata.

"Don't ask if it is for you" natawa ako sa sinabi niya. Inabot niya ang rose sa akin. Laki nang ngiti ko dahil ito ang pinakapaborito kong bulaklak. Inamoy ko pa iyon.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now