Chapter 16 "Fever"

56 5 0
                                    

Elleina Zeal's POV

"Elle, nagdala ako ng breakfast for you" sabi ni Clench habang inaabot ang lunch box.

"Salamat, Clench" ngumiti ako sa kaniya at kinuha iyon.

"Kumusta naman ang araw mo, kahapon?"

Magkasabay kami ngayon papasok sa Laurente.

"Nakakapagod" matipid kong sagot at bumuntong hininga pa.

Nang makarating na kami sa tapat ng room namin ay nagpaalam na siya.

"See you later" ngumiti siya at nag-wave ng kamay sa akin.

Pagpasok ko sa room ay nakabilog ang mga babae kong kaklase pati si Carme, Ali, Arah, at Sharina ay nandon sa bilog may pinaguusapan, pinagchi-chismisan rather.

Nang 'di sinasadyang lumingon si Carme sa likod ay nakita ako. Nagmadali siyang hilahin ako para makasama sa bilog, halos magkapalit ang mga mukha namin sa sobrang lapit.

"Sabi ng Senior natin ay mag-iingat daw tayo sa The Big Three" sabi ni Arah na seryosong-seryoso.

Ano bang pinaguusapan nitong mga 'to at kailangan pa ganitong posisyon?

"The Big Three?" Tanong ni Ali ng nakakunot ang noo.

"Sila ang malulupit na teacher ng GenSci, strikto at talagang 'di makakalampas ang walang natutunan" mahinang paliwanag ni Arah.

"Ang rinig ko pa talagang nang-gigisa sila yari ka kapag tinawag ka at 'di nakasagot" mahahalata ang takot kay Sharina.

So, teacher pala ang pinaguusapan nila? Hahaha mga chismosa pero ewan ko bakit kasama pa ko sa bilog na 'to? Chismosa din ako? Hahaha ugh.

"Si Ma'am Rafon, organic chem teacher ay talagang manginginig ka sa kaniya kapag tinawag na ang pangalan mo" patuloy ni Arah.

Gusto kong matawa dahil halos magbulungan nalang sila tapos sobrang labi ng mga mukha na magkadikit na ang pisngi.

"Nakakatakot pala sila" nangilabot pang sabi ni Carme.

"Ma'am Katharina, napakagandang babae at mabait pero malupit ang exams niya. Ang hirap hirap!" kwento nanaman ni Sharina.

"Ma'am Danita, nasa kaniya lahat ng nakakatakot para sa isang teacher at sinisugurado niya na magiisip ka talaga sa subject niya" seryosong sabi ni Arah.

"Iyon naman pala, eh, edi masaya dahil matututo tayo" 'di ko na napigilan sumingit.

Nagtinginan lahat sa akin. Nag-peace sign lang ako.

Pagkatapos namin magchismisan ay nagsimula na ang klase. Botany ang subject, si Ma'am Katharina ang Professor.

"Draw the microscope, label the parts and functions" nakangiting sabi ni Ma'am Katharina.

Woah! Malupit nga.

Namamangha ko siyang tiningnan. Sigurado akong may edad na siya pero napakaganda pa rin niya. Kinuha namin ang microscope at tinitigan muna iyon.

"Start now! Mamaya ay may recitation tayo" ang pagkakangiti kay Ma'am Katharina ay naroon pa rin.

Nagmadali naman kami sa aming ginagawa. Marunong ako mag-drawing dahil kapag GenSci ka, Major in GenSci ka and Minor in Arts as well.

Nagsimula kong i-drawing ang microscope. Simula sa ocular eyepiece hanggang marating ko ang stage at base ng microscope. Maya maya pa ay tapos na ko. Nakangiti kong tinitigan ang drawing ko.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now