Chapter 17 "Duet"

50 5 0
                                    

(Mitz Note: Para sa lahat ng kinilig ^__^ Anong team niyo ClenchElle, JavElle or KeanElle?)

Elleina Zeal's POV

"Clench?"

Paglabas ko ng gate ay siya agad ang nakita ko. Nakangiti at poging-pogi tingnan.

"Good morning!" Excited niyang bati. "Ako ang maghahatid saiyo papasok ngayon" sabi niya sa masayang-masayang tono.

"Bakit?" Kunot noo kong tanong.

"Kasi sira daw ang kotse mo at 'di ka mahahatid ng mga kuya mo"

"Ah okay, pwede naman ako--"

"Kung ayaw mo sa kaniya ay kay Kean ka sumabay" Napalingon ako sa nagsalita si Kuya Zen na nakaturo sa taas ng veranda nila Kean.

Nang lingunin ko iyon ay 'ayon na si Kean, malaki ang ngiti at kumakaway sa amin.

"Good Morning, Elle!" Napakalakas na sigaw niya. "Sabay ka na sa akin! Intayin mo ko diyan sa baba!"

Nakangiti ko siyang tiningnan parang sa unang pagkakataon ay sumigaw siya sa saya.

Nang makababa siya ay binati niya ng bongga ang dal'wang lalaking kaharap ko ngayon.

"Sira daw kotse mo" nakangiting sabi ni Kean.

"Bakit masaya ka pa?" Pagbibiro ko sa kaniya.

"Kasi sa akin ka sasabay" masaya niyang bati.

Nilingon ko si Clench na ngayon ay nakayuko na. Bestfriend ko siya at ayaw kong masaktan siya. All this time lagi siyang nasa tabi ko.

"Princess, mamili ka sa kanilang dal'wa kanino ka sasabay, Bilisan mo baka malate ka pa!" masungit na sabi ni Kuya Zen.

"Ah--ehh--"

"Gandang babae hahaha" napalingon ako sa sumingit. Si kuya Zeke nanaman as usual ang siraulong si Zeke boy.

Maya maya pa ay tumalon si kuya Zaimon at naglambitin sa balikat ni Kuya Zeke at Zen.

Wala nanamang magawa sa buhay niya.

"Ako ay may sister, napakaganda niya.. pinagaagawan.... spartan pala hahaha" natawa naman ang mga lalaking kaharap ko ngayon.

Imagine kasi kinanta ni kuya Zaimon iyon sa tono ng 'ako ay may lobo'

Napakagaling!

Ibalik mo at kantahin mo ulit kung 'di mo magets bahala ka.

"Ewan ko sainyo! Tara na Clench"

Gulat akong tiningnan ni Clench pero ngumiti rin, sinulyapan ko si Kean, wala namang emosyon.

Bahala ka Kean! Sabi mo we're friends.

"Naglampin ka ba, Princess? Mamaya maihi ka bigla sa room niyo!" Sigaw ni Kuya Zeke.

"Kahit kailan ka talaga Zeke Boy!"

"Kuya Zen, narinig mo 'yon?" Pagsusumbong niya kay kuya.

"Bilisan mo Clench! Mangaasar pa iyang Zeke na iyan" sinabi ko iyan habang kinakalabit si Clench.

Nang makarating kami sa school ay bumaba ako ng kotse ni Clench. Nagulat ako nang nandito na si Kean, nauna pa sa amin. Nakasandal siya sa kotse niya at nakangiti sa amin.

"Let's go" ani ni Kean.

"Hmm?" Iyon lang ang nasabi ko at sabay sabay na kaming tatlo pumasok.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now