Chapter 2 "Secretly In love"

148 8 0
                                    

Elleina Zeal's POV

"Good morning, beautiful self!" Bumangon ako ng kama at 'di mapigilan ang ngumiti marahil ay dahil di ko napanaginipan ang nakakatakot na pangyayaring 'di ko naman alam kung nangyari ba talaga. Nag-stretching ako at saka bumangon, nakangiti kong tinungo ang banyo pero agad din akong natigilan nang makita ko ang aking hitsura sa salamin.

"KUYA ZEKE!, ugh" Walang anu-ano at pumasok ako sa kwarto niya. Tatawa-tawa siyang humarap sa akin at ngumisi.

"Princess, how's your sle--Aray! Aray! Ano ba." Tawa siya nang tawa habang sinisipa at sinusuntok ko pa'no ba naman kasi walang espasyo sa mukha ko ang iniwang walang sulat. Napagtripan nanaman ako, sa inis ko 'di ko siya tinigilan hanggang sa mapagod ako.

"What is happening here?" Tanong ni kuya Zaimon at saka tumawa nang malakas. Ibinato ko sa kaniya ang unan at ilang saglit pa ay nagbatuhan na kami ng unan habang tawa nang tawa. Sa inis ko ay flying kick ang inabot nilang dalwa.

"ARAY! Hahaha matindi talaga ang bunsong Prinsesa!" Sigaw ni kuya Zeke habang tumatawa pa din.

"Tingnan mo 'yang mukha hahahah niya," sinabi niya habang nakaturo sa akin at malakas siyang tumawa.

"Shut up!" Inis kong pinagbabato ang unan sa kanila at lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko naman si kuya Zen habang pabalik ng kwarto ko. Natigilan siya at pigil na pigil ang tawa.

"What?" Inis kong tiningnan siya at nagmadaling pumasok sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa banyo tiningnan ko ang hitsura ko punong-puno ng sulat, lipstick, eyeshadow with cream at kung anu-ano pa. Gigil kong hinugasan ang mukha ko.

"May araw ka rin sa akin Zeke boy! Tsk," sinabi ko iyon habang nililinis ang mukha ko.

*Carmelane calling...

Dinampot ko ang cellphone ko sa sidetable at pinindot ang answer button.

"Bebs! Don't be late later aalis tayong apat nila Lance. Mag-ayos ka naman!" Napa-roll eyes ako sa sinabi niya.

"Ya!" Maikli kong tugon.

"5pm, okay?"

Napa-sigh ako. Sa totoo lang ayaw kong umalis ng bahay mas gusto kong matulog maghapon pero dahil special day niya ito kailangan kong kumilos at sumama sa kanila.

"Ya! See you later, bye!" Di ko na siya hinintay sumagot at ibinaba ko na ang phone.

She is Carmelane Niebres, my bestfriend. She's kind, willing to do anything for her friends, beautiful, and no matter what she wear---goddess of beauty. Iyon ang simpleng deskripsyon niya. Tatlo ang taong palagi kong kasama simula pa noong bata pa ko. Si Clench Gabriel Belmonte, he is always here for me kahit na umulan at bumagyo tawagin ko lang siya alam kong darating siya. Pangatlo, si Lance James Dawson, kahit sinong babae mapapalingon sa kaniya. Pogi rin naman si Clench at mala-superman pero iba yata talaga ang pakiramdam 'pag si Lance ang kaharap ko.

Mabilis akong nag-ayos ng sarili, nagsuklay at naglagay ng kaunting make up. Siguro naman okay na 'to. Namili ako ng damit nakita ko ang isang sleeveless fitted dress na kulay red, iyon ang isusuot ko. Sa totoo lang di naman ako mahilig sa ganito pero gusto kong mapasaya si Carme kung isusuot ko 'to dahil regalo niya 'to. Nakangiti kong tiningnan ang kabuuan ko. Maganda sana kung palagi nalang akong nagaayos. Tinanggal ko ang salamin ko at nagsuot ng contact lens. Sa pagsusuot ng contact lens kailangan palaging malinis dahil possible na magkaroon ka ng eye infection what you called keratitis, infection of the cornea. Minsan tinatawag na corneal ulcers. Viruses, bacteria, and parasites na maaring mag-cause ng keratitis. Minsan scarring kapag di ka maingat. Ito iyong scars na pwede mo makuha sa pagamit mo ng contact lens permanent scars na prone sa infection. At dapat 8-12 hrs mo lang siyang isuot. I searched about the pros and cons of this bago ako gumamit.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon