Chapter 74 "1st Anniversary"

38 3 5
                                    

Third Person's POV

Galit na galit na sinuntok ng master ang isa sa mga tauhan niya.

"Bakit mo pinalo?! Wala akong sinabing saktan niyo! Ang sabi ko kunin lang! Ang hirap mong umintindi!" galit na pinagsusuntok niya ito kahit duguan na ang mukha.

Natigil lang ito nang dumating ang nakatatandang kapatid na nakasakay sa wheelchair.

"Tigilan mo nga 'yan! 'Di mo ba nakita na sobrang successful ng unang plano" ngumisi ito pero inis itong tiningnan ng kapatid.

"Babae 'yon dapat 'di siya nadamay! Hindi naman siya ang pinaghihigantihan natin diba?!" galit na galit ang master.

"Nangyari na at ikinatuwa ko pa dahil nasasaktan ngayon ang hayop na 'yon" sabi nito at iwinagayway pa ang flashdrive na hawak nito.

Napahilamos nalang sa mukha ang master pero ang pag-aalala ay naroroon sa kaniya. Lingid sa kaalaman ng kapatid ay pumunta ito sa hospital upang silipin ang lagay ng babae pero nakonsensya ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito gumigising. Pumasok sa isip niya ang maganda nitong ngiti pero agad na pinalis sa isip niya dahil hindi ito magandang senyales makakasagabal ito sa paghihiganti.

Pumunta ang panganay na kapatid sa harap ng lamesa, binuksan ang laptop at inilagay ang flashdrive.

"Kuha ito no'ng gabing sinugod nila ang kuta natin"

Lumapit ang bunsong kapatid. Nag-play ang video at pinanood nila ang bawat kilos ng tatlong magkakaibigan.

"Ito" hininto niya ang video at itinuro ang isa sa tatlo. "Si Revnel Han Sin, makikita mo sa kilos niya na magaling siyang kumuha ng balanse upang walang hirap niyang maibalibag ang kalaban. Masasabi kong siya ang Overthrow Expert"

Plinay niya ulit ang video at hininto sa isa pang lalaki.

"Kean Patrick Valencia, 'yong lalaking sinasabi nilang magaling sa flying kick tulog agad ang mga tinatamaan ng paa niya. The Prince of Flying Kick"

Plinay niya ulit at inihinto sa isang lalaki. Nagdilim ang paningin ng magkapatid.

"Ayon sa mga nakalap na data sinabi ng tauhan natin na siya ay nag-aral ng martial arts kaya anumang ikilos niya ay may karampatang sakit sa katawan. Sabi ng iba niyang nakalaban siya ay King of Deadly Martial Arts kaya talagang hindi magiging madali ang lahat. Gusto kong gamitin mo ulit ang girlfriend niya para masaktan siya at manghina" sabi nito sa bunso niyang kapatid.

Itinago ng master ang kirot na gumapang sa dibdib niya kahit hindi niya lubos na maintindihan kung ano ito. Muling pumasok sa isip niya ang mukha ng babaeng iyon. Palagi niya kasi itong pinagmamasdan sa malayo hindi niya namamalayan na gumagaan ang loob niya dito noong hindi niya pa alam na nobyo nito ang lalaking iyon. Muling naalala niya ang unang araw niya itong makita humanga siya sa taglay nito tapang kaya nagawa niyang tanungin ito kung nais ba nitong maging nobya niya. Siya ay isang babaero pero hindi niya lubos maintindihan na sa isang iglap ay gusto niyang magpatali sa babaeng iyon kung nagkataon na sinagot nitong oo ang tanong niya ay seseryosohin niya ito at mamahalin. Sumikip ang dibdib niya dahil sa isiping nararapat niyang gawin ang plano.

Tumango siya sa kapatid kahit labag ito sa kaniyang kalooban.

"Pero sa ngayon gusto kong kunin mo ulit 'yong bestfriend na babae no'ng girlfriend ni Jave. Tingnan natin kung anong kayang gawin ni Lance James Dawson. Malapit na natin makilala sila"

"Ako ang bahala, kuya"

"Maasahan talaga kita mahal kong kapatid"

Javen Flair's POV

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora