Chapter 17 (Where's the way?)

14 4 0
                                    

The Heiresses

Blaizzane's P.O.V

After the greetings and introducing each other, we all took our seats. Pagdating palang ni Eduard ay ramdam ko na ang kakaibang tensyon na bumabalot sa apat na magkakaibigan.

Napatingin ako sa lahat ng tao na nasa mesa at napailing. Lumalaki na yata ang grupo na'to? Am I too reckless? That guys, Eduard, and these girls. How can I not let them touch even a strand of hair from my friends? I can't multiply. I'm not a super hero, either. This number of circle could definitely pull me down. Tsk!

"Why it's so silent? Are you intimated by me, guys?" Eduard asked that took me from my reverie. He asked yet the guys just ignore his question. Ang bastos, ha! "Nakakabore naman. Jamming nalang tayo?" Dagdag niya  Wow! Jamming? Ano, barkada lang? Naasar pa nga ako rito sa katabi kong unggoy, jamming na agad?

"Simula ng dumating ka dito dre, ya'n lang ang nagustuhan ko sayo." Sabi ni Liam na tatango-tango pa. Iiling-iling nalang si Eduard. I think he thinks maturely. Perfect to be a woman's man!

"You're so rude, Liam." Komento ni Hazmaein sabay irap. Umigting naman ang panga nito at nag-iwas ng tingin.

"Oh, so sa'n tayo?" Sabat ko. Baka magkainitan na naman 'tong si Hazmaein at Liam.

"We know a place!" Masiglang sabat ni Matthew. Napairap nalang ako sa kaniya.

"Good. Then, let's go? Cancel the orders" Reign said as she hold her bag and stood up.

Isa-isa kaming nagtayuan. Tumungo muna si Johaizza sa isang crew at sinabing i-cancel nalang ang order namin.

"So, tara na? Matthew lead the way." I commanded.

"Right away, babe!" Sabi niya at kumindat pa. Napailing nalang ako. Babe? God! Maaglalakad na sana ito patungo sa parking ng bigla itong umatras at ngumiti. What's the problem of this guy? He's mentally unhealthy.

Nasa harapan ko lang siya at nagkakamot ng batok. Naaning na ba 'to? Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"What!" I asked habang sinadyang pataasin ang boses ko. Ngumiti ulit siya. Damn! Ganda ng teeth, pwede ng model ng toothpaste kaso mukang tanga!

"We left our cars at school's parking." Saad nito. Nangunot ang noo sa sinabi niya? So what? Pwede naman yung makuha diba?

"We can just get it, you know?" Masungit na sagot ko sa kaniya. Kagat labi siya bago nagsalita. Damn! He's freaking hot biting his fucking kissable lip!

"Yun nga! At this time, 'di na nagpapapasok ang guard." Sagot niya. Umirap naman ako. It's so easy!

"Duh! We can just sneak out? It's too easy, stupid!" Pambabara ko sa kaniya.

"It's a no, Blaiz. May laser ang school gate. Gusto mong matapyasan?" Singit naman ni Reign.

"Hay! What an easy problem, maglakad kayo!" Singit din ni Hazmaein.

"Kami ang nakakaalam ng lugar, you know?" Sabat din ni Liam. Inirapan siya nito bago sumagot.

"We'll follow you" sagot nito. Natatawa naman ang apat na magkaibigan sa sagot ni Hazmaein maging si Eduard, kami ay napailing nalang sa kaibigan. Matalino naman 'tong babaeng 'to ba't gusto niyang magbobo-bobohan?

"Seriously, Haz? Mas mabuti pang maglakad ka na rin kung susundan mo lang pala sila..." Iiling-iling na saad ni Eduard habang pinipigilang ang tawa. She glared at him then pouted, a little while.

"... This problem is too easy to solve kung ibababa niyo lang ang nagtatayugan niyong pride, ariel at surf..." He trailed off again then shook his head, again.

"Matthew can be with you, Blaizzane. And Lucas can be with Johaizza. Liam can be with you, Haz. And Reign can be with Alexander. Sa sasakyan niyo sila sasakay." Sabi nito. Sabay-sabay kaming apat na umiling.

"No way!" Sabay na sagot naming apat.

"Okay then, here's another option. One of you ladies will lend your car unto them. Silang apat sa iisang sasakyan. At may isa sa inyo ang makikisakay." Sambit niya. Nagkatinginan kaming apat.

"You know me, Ed. I love my car. Hindi ko pinamamanihuan ng kung sino-sino ang sasakyan ko" Agad na dipensa ni Hazmaein.

"Gano'n din ako. My car is only for me. No one can use it, except for me." Sambit ko gano'n din ang katuwiran nina Johaizza at Reign. Napamasahe nalang ng sentido si Eduard.

"Ewan ko nalang sa inyong apat. Magkakaibigan talaga kayo. Okay! Since, ayaw niyo we'll go at the first option. Walang reklamo." He stated the last statement instead of asking. Nang-uutos ang hayup! Magrereklamo sana kaming apat kaso naunahan na kami ni Eduard. Kaasar!

Walang sabi-sabi itong pumasok sa kaniyang sports car at inistart ang kaniyang sasakyan. Nang makita niyang 'di kami gumagalaw ay binusinahan niya kami ng pagkalakas-lakas bago dumungaw sa
bintana ng sasakyan niya.

"Move!" Sigaw niya na akala mo'y sundalo ang inuutusan. Napairap nalang ako bago maglakad patungong sasakyan. Maging sina Hazmaein rin. Nasa likuran namin ang mga lalaki. We split into four and went to our cars. Nasa likod ko lang naman si Matthew. I unlocked my car bago pumasok. Agad ding pumasok si Matthew.

Nakatanaw siya ngayon sa bintana. Ang isang kamay ay nakapahinga sa bintana habang ang kaniyang mga daliri ay naglalaro sa kaniyang labi at ang isa ay pinapatama ang mga daliri sa kaniya hita.

Umiwas ako ng tingin at inistart na ang sasakyan. Pagkatapos kumambya ay binalingan ko siya na hanggang ngayon ay nasa labas ng bintana parin ang paningin. Ano bang problema ng lalaki 'to? And, wait? Ano bang pakealam ko?

"Hey!" Tinawag ko ang pansin niya. Pa'no ba naman kasi kami ang nasa unahan ng apat na sasakyan na sige kung bumusina! Asar! Dahan-dahan itong lumingon sa'kin.

"Where's the way?" He asked. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya? Diba, siya ang may alam ba't ako ang tinatanong? Are we joking here?! Nanlilisik na matang bumaling ako sa kaniya.

"Ano?! Sabi mo may alam ka?" Asar na sagot ko sa kaniya. Ngingiti naman itong umiling-iling na siyang mas lalong nagpaasar sa'kin. Pero nang magsalita siya ay mas lalong nanginig ang mga ugat ko. Gusto kong masapak ang lalaking 'to! Pick up line niya bulok!

"Where's the way to your heart, I mean."

---

princesayannahh

The HeiressesWhere stories live. Discover now