Chapter 25 (You're the original)

13 3 0
                                    

The Heiresses

Third Person on View

Nakahalukipkip na nakasandal sa backrest ng upuan ang isang sopistikadang babae sa loob ng isang coffe shop. Ang kaniyang nakakapasong tingin ay diretso sa direksyon ng table nina Johaizza at Blaizzane. Her eyes were like burning flames, full of rage and hatred.

"Babawiin ko, lahat-lahat sa inyo. Kayo naman ang paluluhurin ko" Sambit nito bago naglakad at dumaan sa table pa nina Johaizza. Para lamang itong hangin na dumaan, 'di man lang pinagtuunan ng pansin ng dalawang magkaibigan. Subalit may isa sa mga lalaki ang napabaling rito. Bakas ang inis sa mukha nito nang makita niya ang babae.


Sa isip niya'y, bakit siya nagpunta rito?! Alam niya bang delikado dito?!

***

"Bakit ka nando'n?!" Inis na tanong ng lalaki habang masamang nakatingin sa babaeng nakaupo sa high chair. Tumayo ito at masama ring tinignan ang lalaki bago ngumisi at tumayo patungo sa kinatatayuan nito.

Mabilis na napawi ang inis ng lalaki dahil sa maganda at maamong mukha ng babae. Nakausot ito ng kulay dilaw na maxi dress, na siyang nagpatingkad ng ka-anghelan sa panlabas na anyo nito.

"Ayaw mo ba akong makita? Matagal na tayong hindi nagkikita, darling." Tila nagpapaawang bulong nito sa lalaki bago pinaglandas ang dulo ng dila sa tenga lalaki.

Pilitin man niyang magalit sa baabe ay 'di niya magawa dahil sa sobrang mahal niya ang babae. Mabilis siyang napangiti at agad inikot ang kaniyang matitipunong braso sa maliit na bewang ng babae. Yumuko pa siya at bumulong.

"Syempre. Na-miss kita,Chinita ko." Nanunuyong sambit nito. The girl giggled at isinabit ang kaniyang dalawang braso sa batok ng lalaki bago tumingkayad. Hinalikan ng babae ang lalaki ng masuyo at malambot na halik sa labi. Ramdam na ramdam ng babae ang pagmamahal nito dahil sa paraan ng pahalik ng lalaki. He's always gentle and in control. Hanggang halik lang sila sa labi at 'di na humahangtong sa iba pa.

Nang bumitaw sa sila sa labi ng isa't-isa ay kapwa sila hinihingal.

"Nagseselos ako. Siya na parati ang kasama mo." Nakangusong sambit ng babae na nakatingin sa lalaki, animo'y batang nagrereklamo. Tumawa naman ang lalaki bago yumuko at magaang hinalikan ang babae.

"Don't be. You know, I'm just doing our plan. Ayaw kong masira ang planong matagal na binuo namin ni Luke" Sagot nito na pinapalagay ang loob ng babae.

"Talaga?" Paninigurado nito.

"Of course, darling. You're the original. Saranghe" The man sweetly added with his voice laced with calmness and love. He woman's eyes twinkled, as she was so sure that the man wan so inlove with her.

"Nado Saranghe" sagot nito at yumakap sa bewang ng lalaki.

"Oh! PDA ka na masyado, kapatid. Tigil-tigilan niyo nga 'yan!" Sambit ng bagong dating ng lalaki.

"Shut-up Luke!" Sagot ng lalaki sa kapatid.

"Kumusta?" Tanong nito. Binalingan siya ng kapatid at nginitian.

"Malapit na, Luke. Malapit na malapit na" Sagot nito at ngumisi ang tatlo ng nakakakilabot na ngisi.


***

Palabas na ng hide-out ang lalaki. Nasa loob siya ng sasakyan niya at lumabas sa napakalaking gate. Medyo nakalayo na siya sa kaniyang pinagmulan nang may napansin siyang isang motorsiklong nakaharang sa daan. He beeped his car's horn para patabihin ito ngunit prente lang itong nakasandal sa motor niya habang hinihintay siyang makalapit.

Pinahinto niya ang sasakyan niya at kinuha ang baril na nasa compartment ng kotse niya at inilagay ito sa bewang bago lumabas. Dahan-dahang umayos ng tayo ang babae at walang takot na naglakad palapit sa lalaki.

Hindi niya makita ang mukha ng babae dahil sa suot nitong mask. Naka black cropped leather jacket ang babae habang nakabukas ang zipper at ang panloob nito'y black sando na naka-tuck-in sa black skinny pants na pinaresan ng black knee boots. Nakalugay lang ang mahaba at makintab nitong buhok habang ang mga mata nito'y purong itim. Sa unang tingin ay kakatakutan mo na ang matang animo'y bagyo kung humagupit, ang kaniyang tindig ay mapapaatras ka, at sa kaniyang presenya'y kikilabutan ka.

Nang maglakad ang babae palapit sa lalaki ay agad itong tinutukan nang baril ng lalaki para sana takutin, pero parang wala lang ito sa babae. Nang ikinasa niya ang baril at handa ng kalabitin ang gatilyo ay patakbo nang sinugod ng babae ang lalaki.


She twisted the man's arm, and punched his stomach. She lift her left leg and kicked the man's face. Napahiga ito sa sahig. Namangha ang lalaki sa bilis at lakas ng babae. Nakatingin lang ito sa babae habang naglalakad ito palapit sa kaniya. Umupo ito at tinignan siya sa mata bago magsalita.


"'Wag kang magkakamaling kantiin siya dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko para pabagsakin ka at ang kasama mo." Matalas na sabi nito bago tumayo. May dinukot pa ito mula sa kaniyang bulsa at pabatong ibinigay sa lalaki. Nagkalat ang tatlong litrato sa kalsada habang dahan-dahang ibinaling ang kaniyang tingin mula sa babae patungo sa mga litrato'ng ibinato nito.

"Play your game but be ready to loss. Be aware of your the superior." Malamig na sambit nito at naglakad na patungo sa motorsiklo niya. She straddled at her motorcycle and drove it away like a flash. Sinundan niya ng tingin ang babae hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Napabaling siya sa mga litratong itinapon nito sa kaniya at gano'n nalang ang gulat niya nang makitang siya iyon at ang babaeng kahalikan niya. Sa likod ng isang litrato'y may nakasulat na...

"She's the most important piece of the Royal game. Try to shoot her, Ill rain with my precious bullets"

Chained

"You can't scare me." Galit na saad nito habang nag-aalab ang mga mata'ng nakatingin sa daang tinahak ng misteryosang babae. Matalas niyang tinignan ang mga litrato. Iniisip niya kung bakit hindi niya naramdaman ang presenya ng misteryosang babae na nakasunod sa kaniya.

Ang unang litrato ay kuha no'ng nasa coffee shop ang dalawa, kinaumagahan. Tyempong, nagtaas ng tingin ang lalaki sa babae'ng dumaan sa harapan ng mesa nilang apat.

Ang pangalawa nama'y ang pagtingkayad ng babae para halikan ang lalaki, at ang pangatlo'y ang pagdating ng kapatid nito. Sa isip niya'y tinatanong niya ang sarili na bakit hindi ko siya naramdaman? Bakit siya nakapasok sa loob ng hide-out ng wala man lang daplis o miski sugat sa katawan?

At higit sa lahat at ang katanungang...

"

Sino siya?"


---

princesayannahh

The HeiressesWhere stories live. Discover now