Chapter 23 (Thank you, Darling)

15 3 0
                                    

The Heiresses

Johaizza's P.O.V

"For sure, magagalit sa'tin si Hazmaein. Iniwan natin siya sa canteen" Sabi ko habang naglalakad kami palabas ng parking para magsnack sa isang kilalang tambayan ng mga estudyante.

"Let her be. Puyat 'e. Pahiramin mo nalang ng notes mo." Sagot naman ni Reign. Pinagbuksan kami ng pintuan ni Lucas at agad tumunog ang chime ng isa cafe shop na kinalingon ng mga estudyanteng nandito.

"Totoo talaga ang balita, memsh!"

"Totoo nga! Huhuhu!"

"Grabe! Sana all!"

"Magtatagal kaya sila?"

"Ang fresh ni Lucas Oppa!"

"Si Matthew din! Mukhang inlove! Huhuhu!"

Iilan lang 'yan sa mga narinig ko pagpasok namin sa poob ng cafe shop na'to! Too many gossipers na mukhang grasshopers!

"What's yours?" Agad na tanong ni Lucas ng maupo na kami sa pag-anim na bilugang mesa.

"Kahit ano lang. Ikaw na bahala" Sagot ko. Tumango naman siya at agad naglakad paalis na 'di man lang tinanong ang order ng kaibigan niya at ng kaibigan ko.

"What? Uupo nalang kayong dalawa diyan? Hindi kayo oorder manlang?" Asar na usal ni Blaizzanne.

"Ikaw nalang ang mag-order sa'tin." Tamad na sagot ni Matthew habang nakadukdok sa mesa.

"Ohmygosh! Hindi ko alam na magiging alila pala ako nitong bwisit na'to!" Pagpaparinig na bulong ni Blaizzane at umirap bago padabog na tumayo. Kulang nalang ay itaob niya ang upuang inuupuan niya!

"Pasalamat ka at gutom ako dahil kung hindi, hinampas ko na sa'yo ang inuupuan ko!---Oh!---Anong gusto mo?!" Padabog na tanong nito. Kunwari pa 'e!

"Bukod sa'yo, Latte nalang at bread. Ikaw bahala kahit anong bread. Thank you" Dire-diretsong saad nito habang nakadukdok pa'rin. Hindi naman pinansin ni Blaizzane ang sinabi ni Matthew at umirap pa bago umalis.

Ngayon ay napabaling na naman ako kay Reign na tahimik lang na nakahalukipkip at nakasandal sa backrest ng upuan.

"Hindi ka kakain?" Tanong ko rito. Agad naman siyang umiling. Inilipat ko ang paningin ko kay Alexander na nakangalumbaba at pipikit-pikit ang mga mata, bakas rin sa mukha nito ang pagod.

"Ako, Reign. Gusto kong kumain" Mahinang saad nito. Agad namang napatingin sa kaniya si Reign at tinaasan ng kilay.

"Oh, tapos?" Pabalang na sagot niya. Ngumuso naman ito na parang batang nagpapaawa. Wow! Is that Alexander?

"Orderan mo'ko" Saad nito na nakanguso pa rin. Nagtataka namang tumingin sa kaniya si Reign dahil sa inaakto nito.

"Anyare sa'yo? May sakit kaba?" Sabi nito bago inilapat ang likod ng kaniyang palad sa noo ni Alexander, agad namang napapitlang si Reign.

"Mag lagnat ka?!" Napasigaw ito. Wow! O.A ka Ate Reign!

"Hala! Meron ba?" Sagot nito at kinapa rin ang leeg niya bago napamura.

" Damn! I need to go home. Pakisabi nalang kina Lucas na umuwi ako dahil masama ang pakiramdam ko" Sabi nito at tumayo na. Napatingin naman ako kay Reign ng tumayo rin ito.

"Come here! Ayaw kong maguilty sa nangyari sa'yo" Sabi nito at hinatak na si Alexander paalis na di man lang nagpapaalam sa'min. Ayaw niya maguilty? Hmmm!

"Oh, saan nagpunta ang mga yo'n?" Tanong ni Lucas bago umupo dala ang pagkain na inorder niya. Nagkibit balikat nalang ako. Maya-maya ay dumating rin si Blaizzane na may dalang pagkain at padabog na inilapag ito sa mesa. Nagulat naman si Matthew na nakatulog ata at agad napabalikwas.

"Grabe ka naman, Babe!" Saad nito. Inirapan lang siya ni Blaizzane at 'di na pinansin.

"Outing tayo?" Biglang sabi ni Lucas, agad naman akong napatingin sa kaniya. Napaatras naman agad ako ng muntik ko na siyang mahalikan dahil bumulong pala siya sa'kin.

"T-tayo lang?" Napapikit ako ng mariin dahil parang ang pangit pakinggan ng tanong ko. Nginisihan naman niya 'ko at pinisil ang magkabilang pisnge ko! Urgh!

"Ang cute mo!" Sabi niya habang nakangisi pa'rin. Agad naman akong nakarinig ng impit na irit at mahihinang bulungan. Duh!
Inirapan ko siya at tinanggal ang kamay niya sa magkabilang pisnge ko. Bibitawan ko sana ito nang pinagsalikop niya ang mga ito sa ilalim ng mesa. Sheyt! Rebisco! Ang sarap ng feeling...ko! Hahahaha!

Napatingin ako sa kamay naming magkasalikop bago sa mukha niya na prente-prenteng kumakain! Wow ha! Sinubukan kong agawin ang kamay ko pero hinigpitan niya lang ito ng hawak.

"Uhm. About our outing? When will it be?" Tanong ko dahil 'di ako mapakali. He seems unbothered by our intertwined hands while me? Hindi ko na maintindihan ang mabilisang pagtibok ng puso ko!

"Well. This sembreak." Sagot nito at wiling-wili pang kumakain.

"Next month pa yo'n ah?" Ang tagal pa naman no'n.

"Yeah. Sinasabi ko lang kasi medyo malayo ang pupuntahan natin."

"Saan ba?"

"Mindanao. They have this virgin white sand Island." Ang layo naman? If he's looking for beaches madami naman dito sa Luzon and if he's looking for Islands we can go for Visayas. Medyo malayo na kasi ang Mindanao.

"Sobrang layo naman" Angal ko.

"Kaya nga." Sagot niya at bumuntong hininga.

"We can't just go there. Wala tayong kakilala do'n" I added.

"Actually, I have. I have friend who lives there." He responded. Napatango naman ako.

"Ano bang gagawin mo do'n? Imposible namang mag-aya ka ng sobrang layong lugar para lang mag-outing do'n, diba?" Tanong ko.

"I need to get something there." Maikling sagot niya at nagpatuloy sa pagkain. I shrugged.

"Okay. I'll ask them kung wala ba silang lakad this sembreak" Sagot ko. Tumango naman siya at ngumiti.

"Thank you, darling"

---

Princesayannahh

The HeiressesWhere stories live. Discover now