Chapter [...] [A Vengeful Fury]

530 9 0
                                    

The Heiresses

Karen's P.O.V

Isang malaking pagsabog ang naganap sa pagtitipon ng mga may dugong-bughaw. Isang malakas na pagsabog na gumimbal sa mga taong nasa loob. Nagsisigawan, nagtatakbuhan, nagtutulakan, at nagkagitgitan ang mga tao para lamang makalabas.

Ngayon niyo sabihin at ipamukha sa'kin ang inyong mga salapi. Ngayon niyo ipagmayabang ang inyong mga ginto. Ngayon niyo ipangalandakan ang inyong dugong maharlika. Ngayon niyo gawin ang mga bagay na lagi niyong ginagawa sa mga kapus palad at dukha, ngayong nasa bingit lahat kayo ng kamatayan. Kaya bang pigilan ng inyong salapi ang unti-unting pagguho ng kisame at mga pader? Kaya bang saluhin nito ang mga naglalaglagan mula sa kisame? Kaya ba kayong balutin at proteksyonan ng ginto sinasabi niyo? Kaya bang pigilan ang pagguho ng inyong mga nagkikinangang diyamante? Hah!

Kailanman ay hindi kayo maililigtas ng mga materyal na bagay na inyong hawak! Ang mga pader na may haplos ng ginto, mga ilaw na nakasabit sa kisame na may haplos rin ng diyamante at ang inyong mga kasuotan na may mamahaling tela, mga singsing, kwintas, at hikaw na may mamahaling bato at ginto ay kasabay niyong maililibig dahil sa pagguho! Isang paghihiganteng 'di nagawa ng aking magulang! Isang paghihiganteng nais kong ipalasap sa lahat ng ginawa ng inyong kaantas.

“What the hell happened?!” Isang babaeng nakasuot ng kulay pulang gown na may malalim na hati sa dibdib, nakalantad ang kaniyang isang hita dahil sa haba ng slit at exposed na likuran dahil sa disenyo ng kaniyang suot. Tumaas ang kilay ko. Salubong ang kilay nito habang tumatakbo sa isang direksyon.

“I'm on my way, Reign!” May isang boses na naman ang nagsalita.

“Damn! Who the f*cking hell did this! Tang*na! May sumabotahe sa'tin, at tayo ang babalikan nila! Tayo!” Halatang galit ng isang pang boses ng babae.

“Si Johaizza?! Nasaan?!” Tanong ng babaeng tinatawag nilang Reign.

“I'm here! Stop worrying about me! I can handle myself! Stop thinking me as your little sister!” Iritado ang isa pang boses na nagsalita.

“Anong gagawin na'tin Reign?” Tanong ng ikalawang boses. Maigi akong nakinig sa usapan ng apat na babaeng maharlika.

“Tayo ang sisihin ng mga taga-council, Reign! Tayo!” Saad ng ikatlong boses na nagsalita kanina.

“Shut-up! Madali! Lumabas na tayo!” Sigaw ng babaeng nagngangalang Reign. Madaling nagtakbuhan ang apat na babaeng may hawak na baril sa isa nilang kamay. Naka-dilaw, berde, asul at pulang kasuotan sila. Eleganteng mga tindig sa kabila ng kanilang pagmamadali.

Malapit nang gumuho ang imprastrakturang tinayo ng mga maharlikang walang puso, ang kanilang mga walang-kwentang laro para sa trono, at ang kanilang simbolismo ay unti-unti ng ginugupok ng apoy at pagguho.

Bumakat ang ngiting tagumpay sa aking labi maging sa aking mukha. Ang galak sa aking dibdib at ningning sa aking mga mata ay siyang nagpapatunay. Unti-unti kong uubusin ang inyong antas. Paluluhurin ko kayo kasabay ng inyong bawat palasyo't mansyong gumuguho. Ipapakita ko sa inyo ang sakit maging walang kwenta at walang kakayahan. Ako, ako ang inyong bangungot na galing sa putik. Putik na hahawak sa inyo sa leeg!

Naglakad na ako palabas sa isang building kalapit ng imprastrakturang gumuho, prente akong naglalakad na animo'y walang kaalam-alam sa insidenteng nangyari. Nasa parking lot na ako ng building nang makarinig ako ng mga pamilyar na boses sa 'di kalayuan mula sa'king sasakyan.

The HeiressesWhere stories live. Discover now