Chapter 22 (Baby...)

18 3 0
                                    


The Heiresses

Hazmaein's P.O.V

Matapos ang nangyari sa parking lot kahapon, at ang pagpunta namin sa isang jamming hall kasama ang apat na lalaki, ay grabeng ang pag-lit up ng balita! Daig pa ng mga students dito ang mga private detectives and reporters kung magtanong at makichismis! 'Di man lang nahiya!

Tatlong araw na ang lumipas no'ng nagtagpo ang landas naming apat na magkakaibigan sa apat na lalaking binaba galing sa kalangitan na sobra puno naman ng kapreskohan sa katawan! Mga leche!

Noong nakaraang araw pa 'ko nabwibwisit dahil sa nangyayari sa buhay ko. Una dahil dahil sa hindi ko na maisaayos ang mga plano ko, at pangalawa ay dahil salintek na group page ng school namin na gi-no-gossip kami, at pangatlo, dahil sa sobrang nakakaasar na kanta no'ng jamming daw!

"Ate, kayo na po ba ni Kuya Liam? Totoo po ba na mga kaibigan mo yo'ng girlfriend nina Kuya Alex, Lucas at Matthew? Totoo po ba ate?" Sabi ng isang babaeng nasa lower year. Ang cute-cute niya! Ang sarap tirisin! Plastik naman akong ngumiti sa kaniya, ayaw kong maging rude sa lahat 'no!

"Ah...Hehe... Oo, bakit?" Sagot ko. Inirapan naman niya ko bago humalukipkip. Ako lang kasi ang naiwan dito sa table namin dahil nag-oorder ang tatlo ng makakain namin.

"Wala naman... So, that does mean na papanuorin niyo sila pagmagpe-perform sila?" Tanong nito habang nakataas parin ang kilay. The guts of these li'l devil!

"Perform?" Patanong na sagot ko. Mas lalo namang tumaas ang kilay niya sa sagot ko.

"Boyfriend mo ta's 'di mo alam? Mas bagay pa talaga sila ni Ate Leanne 'e!" Pagpaparinig nito. Sarap irapan ng batang 'to 'e, kaso parang may nagsasabing 'wag!' Pinagtaasan ko nalang din ko nalang ito ng kilay bago sumandal sa backrest ng upuan at humalukipkip. Ke-malditang bata ere!

"Ah. Alam mo kasi nag-away kami ni Kuya Liam mo...kaya wala akong alam sa ipe-perform nila" Palusot ko kahit wala naman akong pakelam sa ipe-perform nila. Duh!

"Magpe-perform ang Night Breeze mamaya." Saad nito. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. Night Breeze?

"Night Breeze ang pangalan ng grupo nila, Ate." Sabi nito ng makita ang pagtataka sa mukha ko. Inirapan ulit ako nito bago siya padabog na umalis at naglakad patungo sa table nila.

"Ang cute niyang bata! Pag ako nagkataon, bibilhan ko siya ng candy tapos siya ang ilalagay ko sa mismong supot nito!" Mahinang bulong ko habang naka-halukipkip pa'rin. Hikab ako ng hikab habang hinihintay sina Johaizza na ang tagal um-order! Kastress! Dumukdok nalang ako sa mesa at pipikit-pikit! Puyat kasi ako dahil sa pinagawa ng bruha ng buhay ko!

"Sige, puyat pa ate!" Dinig kong boses ng lalaking kinaiinisan ko. Hindi nalang ako gumalaw at nagpanggap na tulog.

"Tsk! Mangangawit ang leeg nito mamaya, 'e" Dinig king mahinang bulong nito sa sarili. Naramdaman kong tumayo ito at umalis, at sa pagpapanggap ko tuluyan pala akong nakatulog. Take note, sa canteen ako nakatulog!

Nang magising ako ay medyo hapon na. Pagtingin ko sa wrist watch ko ay halos mapamura ako dahil sa oras!

"3:30?! Tatlong oras na'kong natutulog?!" Inis na bulong ko sa sarili ko! Hindi na 'ko nag-abala pang magmadali dahil sa sobrang late na'ko! Hihintayin o nalang matapos ang subject na'to at sa last subject nalang pumasok. Kaasar! Ba't ba 'di nila ako ginising?!

The HeiressesWhere stories live. Discover now