Prologue

55 6 2
                                    

Nakakasawa naman 'tong ganitong sitwasyon.

Palagi nalang akong napapa-transfer nito. Why do schools punish students just for being true about them selves? What do they expect? Lahat ng estudyante dapat mabait? Edi sana nag-tayo sila ng paaralan sa langit.

"Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa 'yo Trinity." Sabi ni dad habang nagda-drive siya papunta sa bago kong school. Halata naman sa mukha niya na galit siya. Sino bang hindi? Pangatlong school na ata tong lilipatan ko.

I just rolled my eyes at hindi na siya sinagot. Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan habang pinagmamasdan ang paligid. Ilang minuto lang ang lumipas at huminto kami sa tapat ng isang malaking gate.

I heard many rumors about this place, and most of them are not good. It's a boarding school kaya masasabi ko na nagsasawa na talaga si dad sa mga kagaguhan ko kaya ayaw na niya makita ang pagmumukha ko.

Pag-pasok namin sa gate ay may nag-aabang roon na lalaki. Matangkad siya at medyo may edad na. I think he's the principal.

"You must be Mr. Enderson's daughter?" aniya no'ng nasa tapat na niya ako. Tumango lang ako sa kanya.

"Trinity Enderson welcome to Phoenix High."

My Guardian Devil (On-Going)Where stories live. Discover now