Chapter 31: Regrets

13 1 12
                                    

MAKKI

It's a saturday night, so as usual were at the bar with the boys. Umuwi kasi sa kanila si sweetiepie kasi dadalawin niya daw nag family niya, napaka thoughtful niya talaga. Wala naman akong masyadong magawa sa dorm kaya sumama nalang ako sa kanila dito. It's just me, Lucian, and the sadboi Carlisle.

Kanina pa ata siya nag mumukmok sa gilid. He's usually the crazy one when it comes to night outs, pero ngayon parang bago lang ata siya namatayan.

"Dude? Are you okay? Depressed ka ata." pang-aasar ko kang Carlisle. Inirapan niya lang ako. Aba! Ang attitude ng lalaking 'to ah, nagtatanong lang naman ako.

"Wala 'to." sagot pa niya tyaka tumingin ulit sa malayo.

Carlisle seems off these past few days. Simula no'ng bumalik si Trinity mula sa suicide mission niya na sundan si Lucian. Ewan ko ba sa babae na 'yon, hindi natatakot mapahamak para lang ma-satisfy ang curiosity niya. She could have died back then, but, there was Lucian.

Lucian could have let here die in the hands of those men. He could have let a bullet ran through her head. But, he's in this perplex desire to protect that woman and even he doesn't know why.

Trinity is like his personal brand of heroine.

Tahimik lang kaming tatlo na umiinom. Tumingin ako kang Lucian, gano'n din siya. Parang ang lalim ng iniisip. Takte, pumunta ako rito para mag enjoy, hindi para mahawa sa ka-depressed nila.

Maya maya lang ay naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko.

From: Sweetiepie ko ♡
  - Hi sweetiepie! Sana nag eenjoy ka riyan! Huwag ka mang-chix ah, humanda ka talaga sa'kin. (~_~) ingat sa pag uwi! Iloveyosomuch!! (^o^)

Napangiti nalang ako. She never fails to exert effort even just in simple things like texting me.

I texted her back na okay lang ako rito at sana mag ingat siya ro'n. Hays, I miss her. It has just been two days but, damn, her presence is so comforting. 'Yung tipong hahanap hanapin mo talaga.

Nagscroll nalang ako sa facebook ko, to pass the time. Parang wala namang plano na mag pansinan ang dalawang ugok na narito.

Napahinto ako sa isang post. Pictures siya ng isang hotel grand hall na puno ng napakagandang dekoransyon. At picture ng isang babae na nakasuot ng kumikinang na ball gown. Ang ganda niya. Napatingin naman ako sa litrato ng stage sa grand hall.

Welcome to Legality!!
SHENEN SMITH

Cheers to Celebrate the bond called love!!
SHENEN AND DYLAN

Natawa nalang ako.  Ngayon nga pala 'yon. Her 18th birthday. The planned date that we were going to tell her parents and make our relationship Official and legal. But I guess, kahit anong saya at anong galak ng pagsasama niyo ngayon, kung hindi kayo para sa isat-isa, hahanap at hahanap parin ng paraan ang tadhana para paghiwalayin ka'yo.

Marami kaming mga plano, kaso sinayan niya lang 'yon lahat. Pero okay lang, hindi ako nagsisi na nangyari 'yon sa'min. At least nakita ko kung gaano kababaw ang pagmamahal niya sa'kin. Then if she cannot give me the amount of love that I deserve, then she is not worth keeping. Nasaktan man ako, pero okay lang.

Isa nalang siyang masakit at masaya na alaala na kaylangan nang ibaon sa limot.

Kasi kahit ano pang gawin ko, hindi na no'n mababago ang katotohanan na iba ang laman ng puso niya. Ang maari ko nalang hilingin sa tadhana ngayon ay sana ilagay niya si Shenen sa tao at lugar kung saan siya ay magiging masaya.

My Guardian Devil (On-Going)Where stories live. Discover now