Chapter 2: Mr. Suplado

42 4 8
                                    

"Sure ka ba na okay ka lang? Kasi kapag may masakit sa 'yo humanda talaga 'yong evil sister ko na 'yon."

Alalang-alal sila Kiara sa'kin. Para namang ikamamatay ko 'yon. Kahapon pa nangyari 'yon pero hanggang ngayon kinukulit pa nila ako.

"Okay nga lang ako. Huwag kang mag alala kaya ko ipaghiganti ang sarili ko." napabuntong hininga nalang siya.

"Tsk, she always does that whenever may transferee. Palibhasa gusto niya na lahat ng atensyon ay nasakanya lang." pagmamaktol ni Anika. Nasa classroom kami ngayon.

Psh, para namang sinaksak ako ng Kira na 'yon. Malayo sa bituka 'to, at isa pa hindi ko papalagpasin 'yong ginawa niya. Hindi lang ako lumaban kahapon kasi nakiki-ayon pa ako sa mga tao at sa paligid. Pero once masanay ako dito, say good bye to the queen bee title Kira.

Maya-maya lang ay may pumasok na dalawang lalaki sa classroom. Ang isa ro'n ay 'yong lalaki kahapon na gwapo at blue ang mata. May kasama naman siya na gwapo rin na mala-uling ang kaitiman ng buhok. Jusme, lahat ba ng lalaki sa paaralan na 'to ay gwapo?

At ano naman ang pakialam ko? Tsk. Nagulat naman ako ng tumabi sila sa amin. Nasa gilid ko 'yong lalaki na maitim ang buhok. Nakita ko sila Anika na parang kinikilig pa. Ako naman eto poker face lang.

"Psst."

Nilingon ko sila Anika. Nakatingin lang sila sa harap at nakikinig sa teacher. That's odd, akala ko may tumawag.

"Psst."

Ayon na naman.

Lumingon ako sa kabilang side at 'yong lalaki kanina ay naka ngiti sa'kin. Ano naman ang kailangan niya? Humarap ako sa pisara at hindi siya pinansin.

"Hala sungit. Uy new girl!" nilakasan na talaga niya ang pagtawag sa'kin. Irita ko naman siyang hinarap.

"Oh?!"

"Ang maldita mo naman. Tatanungin ko lang naman sana kung okay ka lang. Kalat kasi sa campus kung anong ginawa ni Kira sa'yo kahapon."

"Jeez, okay lang ako. Akala niyo naman ikakamatay ko 'yon, eh hindi nga ako nasaktan do'n." walang emosyon kong sabi. So ano? CCTV ba ang mga estudyante dito? Or bombo radio? Grabe kalat agad ang balita eh.

"Oh wow, tough girl ka pala."

"You have no idea."

"I'm Makki Dela Fuentes, by the way." sabi niya ng naka ngiti. Grabe, pamatay sa gwapo na ngiti.

"Trinity Enderson."

Ang laki naman ng ngiti ni Makki. Buti nalang hindi na siya nangulit buong period. Madali lang lumipas ang oras at lunch na agad. Pupunta na sana kami nila Kiana sa cafeteria nang lumapit na naman sa'min 'yong dalawa.

"Hey, can we join you for lunch Trinity?" nagulat ako sa tanong niya. Bakit naman siya gusto sumabay mag lunch sa'kin? Close ba kami? Ayaw ko nga siya kasama eh kasi ang kulit niya.

"I don't know. Ask them." Pinahalata ko talaga sa mukha ko na ayaw ko pero I don't want to be rude. Tinulak ko nalang ang desisyon kina Anika.

"Hey Monrael and Callanta, can we join you for lunch?" Kumindat pa niya sina Anika at Kiara. Tsk, ginagamit naman niya ang charms niya. Tumitili pa silang dalawa.

"S-sure!" ang laki ng ngiti nilang dalawa. Looks like wala akong choice. Sana 'hindi' nalang agad ang sinagot ko kanina.

So ayon, kaming lima pumunta sa cafeteria. Napapatingin sa'min ang mga estudyante na dumaraan. Ay hindi pala sa'min, dito pala sa dalawang lalaki na katabi ko. Kanina pa ako kinukulit nitong Makki na 'to. Parehas lang sila nina Kiara na ang daming tanong. May plano ata sila mag imbistigador.

My Guardian Devil (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon