Chapter 19: I'm Here

21 4 7
                                    

**ANIKA'S POV**

Gosh, ang hirap naman mag-tutor ng mga taga last section. Aside sa matagal silang nakakaintindi, sobrang hirap pang turuan kasi parang wala silang pakialam sa mga sinasabi mo. Naku, kung hindi lang talaga para sa grades, hindi ko 'to gagawin noh. Buti nalang natapos din ang kalbaryo na 'yon.

Naglakad nalang ako papunta sa cafeteria. I was hoping to grab some snacks kasi sobrang nakakapagod ang tutor session kanina. Nang nasa pathwalk ako, may nakita akong humaharurot na pulang Lamborghini mula sa parking lot.

That was Makki's car.

May dumadaan na mga teachers sa kalsada kaya napahinto siya. Nakita ko siya mula sa bintana niya kasi nakababa ito. Nagulat ako nang pinunasan niya ang mga mata niya. Umiiyak ba siya? Kung gano'n hindi siya dapat nagmamaneho! Paano kung mapahamak siya sa kalsada? Kailangan ko siyang pigilan.

Agad akong tumakbo papunta sa parking lot at kinuha ang kotse ko. Hindi ito kasing bilis ng sasakyan ni Makki pero kailangan ko siyang maabutan. I stepped on the gas at humarurot din ako palabas ng campus.

Nakita ko ang isang makintab na pulang sasakyan sa unahan pero sobrang layo na no'n. Damn this Honda, can't this go any faster? Sana sports car nalang talaga ang pinabili ko kang dad. Nakita ko na lumiko siya sa ibang highway at agad ko siyang sinundan. But to my dismay, pagliko ko ay hindi ko na nakita ang pulang sasakyan. Damn it, I lost him. Hindi ako huminto sa pagmamaneho, habang nagiisip kung saan maaring pumunta si Makki.

Ano kaya ang problema niya? Bakit kaya siya umiiyak? Makki naman, pinag-aalala mo pa ako. Ayaw ko kasing nakikita siyang malungkot lalo na ang umiiyak. Nasasaktan din kasi ako eh, nasasaktan akong makitang umiiyak ang taong mahal ko. Oo, mahal ko na si Makki pero pinipigilan ko lang ang sarili ko, lalo na nong nalaman ko na may iba siyang mahal.

Parang may kung anong tumusok sa puso ko nong maalala ko ang panahon na 'yon. 'Yong panahon na nalaman ko na may iniibig siyang iba.

"It's Shenen. She has gone cold on me these past few days."

His voice was still ringin in my ears. Bakit ba kailangan ko maging kaagaw si Shenen sa lahat? That Shenen Smith always gets in my way. Naiinis ako, naiinis ako kasi palagi siyang nananalo. Noon sa pagiging top of the class, next is sa pagiging valedictorian, at ngayon naman girlfriend pala siya ni Makki? Pambihira talaga, lahat nalang ba?

Sa ilang minuto kong pagmamaneho, natauhan ako nang may maaninag akong pulang Lamborghini. Nakita ko 'yon na naka-park sa harap ng isang bar. Nag-park nalang din ako sa bakanteng spot. I ran towards the bar entrance pero hinarangan ako ng bouncer.

"Bawal underage dito miss." sabi niya. Nakakatakot ang boses niya, ang lalim tyaka ang buo. Pero ngayon pa ba ako magpapatinag?

"Eh bakit nakapasok ang kaibigan ko riyan? Underage din naman 'yon ah!"

"At sino naman 'yon miss? Para mapalabas ko rito."

"Si Makki Dela Fuentes." sabi ko at tyaka pinakita ang picture ni Makki sa kanya para makilala niya ito.

Nagbago ang expresyon ng bouncer nang makita niya ang picture at marinig niya ang pangalan ni Makki.

"Hindi ko maaring ipalabas si sir Makki miss pasensya na, at bilin niya sa'min kanina na bawal ang may umistorbo sa kanya sa VIP room." pambihira!

"At bakit naman? Akala ko ba bawal underage? Bakit si Makki pwede?"

"Kasi kasali siya sa organisasyon na may-ari nitong bar."

Literal akong napanganga sa sinabi ng Bouncer. Paano na 'yan? Paano ko na siya makikita niyan? Should I just go? Pero mukhang kailangan ni Makki ng karamay ngayon. Tama, kailangan niya ako ngayon. Hindi kita susukuan Makki, kahit ilang beses pa akong magmukhang tanga. Gano'n kita kamahal.

My Guardian Devil (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon