Chapter 22: The Boy's Lair

18 2 20
                                    

Para akong zombie na naglalakad papunta sa cafeteria. Hindi naman halata na puyat ako diba? Bwiset kasi 'yang mga information na nalalaman ko, hindi ako pinatulog kagabi. Nauna na kasi pumunta sa cafeteria sina Kiara kaya ako lang mag-isa naglalakad ngayon. Buti nalang walang maingay, walang dagdag sakit sa ulo.

Nang pumasok ako ro'n, nakita ko agad ang likod nina Anika at lumapit ako. Hindi ata nila ako namalayan kasi nga nakatalikod sila sa'kin. Napansin ko rin na sila lang dalawa, asan kaya sina Makki? Gusto ko pa naman siya makausap. Anika was holding her phone and was texting someone.

From: Sweetiepie <3
- Good morning sweetiepie! Nandito na kami sa cafeteria. Breakfast na ta'yo? :)

Sweetiepie? Since when did Anika had a fling or a boyfriend? Aba, hindi ata nagsasabi 'tong babae na 'to. And she's inviting this boy for breakfast?

Sweetiepie Replied:
- Good morning sweetiepie!! Opo, papasok na ako sa cafeteria.

Bigla namang bumukas ang pinto ng cafeteria at literal akong napanganga.  Makki came in at ang lapad ng ngiti niya. Ilang sigundo din bago rumihistro sa utak ko ang nangyayari. Aba, tama nga ang hinala ko kahapon!

"Sweetiepie pala ha?" sabi ko nang tumabi si Makki kang Anika. Agad naman itong ipinula ng mukha ni Anika.

"Anong sweetiepie?!" sumabat naman si Kiara. Mukhang wala rin siyang alam. Lagot ka Anika, magagalit talaga 'yan si Kiara kapag nalaman niya na naglilihim ang bestfriend niya. Aba, ako rin ano! Hindi naman magagalit, magtatampo lang siguro.

"A-ano kasi eh..." nahihiyang sabi ni Anika.

"We're dating now." salba ni Makki.

"WHAT?!" 

Me and Kiara exclaimed. The universe never seems to fail in surprising me. Mula pa kahapon ah, hanggang ngayon ba naman? Bawal ba magpahinga muna sa pagkaka-shock? Baka mamaya malalaman ko nalang na si Kiara na ang presidente ng Pilipinas.

"What?! Since when?! How?!"

"Calm down Kiara, sasabihin naman talaga namin sainyo eh, kaso hindi namin mahanap ang saktong oras." Anika explained.

Gulat ako sa mga nangyayari pero hindi ko naman mapigilan na maramdaman ang saya. Masaya ako para sa kanila. Masaya ako na binigyan ng chance ni Makki si Anika, pero ang hindi lang nagtutugma sa isip ko is, WHY? and HOW? alam ko naman na hiwalay na sila ni Shenen, pero ang hindi ko lang malaman is kung bakit? At pano naging sila ni Anika agad? Akala ko ba, seryoso si Makki kang Shenen, ang dali niya ata nakahanap ng iba? Ang kinakatakunan ko lang kasi baka ginagawa niya lang na panakip butas si Anika, at iiwan niya rin kapag bumalik si Shenen.

I may be a bad person to say this, but, I'm glad that Makki and Shenen is over. Lalo na no'ng nalaman ko kahapon na ikakasal na pala siya. I didn't waste any time and dragged Makki out of the cafeteria.

"You better start talking Makki." iniharap ko siya sa'kin at tyaka matalim na tinignan. Napabugtong hininga nalang siya.

"Shenen broke up with me to get back with her ex fiancé, which is Dylan  Alcolea." walang emosyon niyang sabi. Parang hindi ata siya affected sa nangyari, ah. Wala man lang kaemo-emosyon ang mukha niya habang sinasabi 'to.

"And how'd you took the news?"

"Of course I lost it at first, but then I realized that, kung gusto niya magpakatanga ulit sa lalaking minsan na nanakit sa kanya, edi, bahala siya. Kung naging tanga man ako kasi nagmahal ako ng sobra, sa palagay ko mas tanga siya, kasi minahal na nga ng sobra, nakuha paring maghanap ng iba."  hindi ko mapigilan na mapangiti sa sinabi niya.

My Guardian Devil (On-Going)Where stories live. Discover now