Chapter 3: Bloody Welcome Party

40 4 6
                                    

"So bakit ka nga ba nag-transfer?" Lucian asked. Naglalakad kami ngayon sa locker hall. Kakatapos lang kasi ng klase namin.

"Well, sabihin nalang natin na ayaw madumihan ng school ang reputasyon nila."

"Ahh, I see. You're a kick-out?"

Impressive. He seems to understand and analyze things fast. I just shrugged my shoulders. Hindi ko naman kinakahiya na isa akong kick-out. Kaya ko naman sa high standard schools kaso parang inborn na ata sa'kin ang pagiging pasaway.

"Trinity!"

Napalingon kami sa tumawag. Sila Kiara at kasama nila si... Makki? What's he doing with them? Akala ko ba umalis na sila kanina.

"Bakit kayo magkasama?"

Sabay pa talaga kaming dalawa ni Makki. Tinignan ko lang siya nang masama.

"Eh classmates kami sa previous class. Kayo? Bakit kayo magkasama?"

"Classmates din kami." Ang stupid naman ng conversation na 'to.

"Oh Trie. Akala ko ba ayaw mo sa kanila?" Tanong ni Kiana. May pa nickname na pala siya sa'kin ngayon. Ayos ah?

"Hmp! So, si Lucian lang pala gusto mo maging kaibigan." nag-pout pa si Makki. Para siyang bata na nagmamaktol.

"Hindi kasi makulit si Lucian." walang emosyon kong sabi.

"So kapag hindi ako mangungulit, kakaibiganin mo ba ako?" para talaga siyang bata eh. 'yong mukha niya parang todler na nagpapabili ng pagkain. Why is he trying so hard to be my friend anyway? From what I've heard, habulin nga naman siya ng mga babae. He can make as much friend as he wants.

"We'll see" walang emosyon kong sagot.

"Ha? Please? Promise hindi ako mangungulit kapag nag-yes ka." kumakapit pa siya sa braso ko tyaka nag-puppy eyes. Hindi raw siya mangungulit pero hindi pa nga ako pumapayag nangungulit na siya ulit.

"Aish! Fine, get off me." irita kong sabi at tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. Tuwang tuwa naman ang mokong na 'to.

Naglakad kaming lima papunta sa cafeteria for snacks. Malapit narin pala dinner kaya naisipan ko na mag fried chicken nalang. Damn parang nag crave ako bigla. Dinapal dapal ko ang pagkain ko nang ma-serve ito. Hindi ko namalayan na nakatingin pala silang apat sa'kin.

"Dahan-dahan lang friend, baka mabulunan ka niyan. Oh, soda ka muna." sabi ni Makki at inabutan ako ng isang lata ng soda. Jusme, nagmukhang baboy siguro ako. What can I do? Gutom ako eh.

"Restroom lang ako." paalam ko at tyaka tumayo ro'n.

Habang naglalakad ako papunta sa restroom napansin ko na ang sama ng tingin sa'kin ng grupo nina Kira. Ano na naman ang kasalanan ko sa kanila? Subukan lang talaga nilang saktan ako ngayon, hindi na talaga ako magpapa-agrabyado.

Hindi naman nagkamali ang kutob ko. Paglabas ko ng restroom, nasa tapat sila agad ng pinto. Nakakalokang nakangiti sa'kin si Kira.

"Hey new girl."

"What do you want?"

"I just want you to know who's the boss of this place." mataray niyang sabi. Uminit naman agad ang ulo ko pero hindi ko pinahalata. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Ang pagiging queen bee ay may binabagayan na mukha 'yan eh. And in your case, mukha kang alipores."

Her face immediately turned bright red matapos ko sabihin 'yon. Mas lalo naman itong kinalapad ng ngiti ko. Gusto kong pagtawanan ang reaksyon ng mukha niya. I winked at her ang walked away.

I expected the next thing to happen. Hinila niya ang buhok ko, but at that time I was ready. I turned around and twisted her hand na nakahawak sa buhok ko. She screamed in pain at napaluhod siya sa sahig. Sinipa ko naman ang sikmura niya para tuluyan siya mapahiga sa sahig. Pero at the end lugi parin ako kasi marami siyang kasama. May dalawang humawak sa'kin at pinag tutulungan na ako ng iba pa niyang mga alipores. Tsk!

This is damn unfair.

Nanghihina na ako. Pero hindi ko pinapakita na nahihirapan ako. I'm not gonna let them take the pleasure of feeling powerful.

"Ano? Hindi ka sisigaw? Hindi ka tatawag ng tulong?" tanong no'ng isang alipores ni Kira. I just smirked at her face.

"Was that all you bitches got? Pathetic." she was pissed from what I said at tyaka sinuntok ako ulit. Kung hindi lang talaga ako hinahawakan ng dalawang babae na 'to, kayang kaya ko ang mga bruha na 'to.

Mendyo madilim na din kasi ang paligid kaya wala masyadong estudyante na dumaraan. Walang makaka kita sa kaduwagan na ginagawa nila.

Matapos nila magpakasaya ay iniwan lang nila ako ro'n na nakabulagta sa simento. Gumapang ako sa pinaka malapit na puno at sumandal sa ilalim ro'n. Hawak hawak ko pa ang sikmura ko na pinagsusuntok nila kanina. Mukhang wala akong mapapala kapag tumambay lang ako rito, kailangan ko bumalik sa dorm.

Sinubukan kong itayo ang sarili ko. Every muscles in my body was hurting, I felt an immense pain in my legs and in my stomach. Hindi ko na talaga 'to papalagpasin. Maghintay lang sila na gumaling ako. Para akong zombie na naglalakad pabalik sa dorm. Pilay pilay pa ang lakad ko at hawak hawak ko pa ang tiyan ko.

"Hey! What the fuck?! Are you okay?!" may biglang sumalo sa'kin. Hindi ko namalayan na bumigay na ang mga paa ko, buti nalang nasalo ako agad. Puno na siguro ng pasa ang katawan ko.

Inangat ko ang ulo ko para tignan kung sino 'yon. I found myself staring back into brown eyes. Kahit medyo madilim naaninag ko parin ang mukha niya.

"Car.. Carlisle." nanghihina kong sabi at napakapit ako sa braso niya.

"Anong room number mo sa dorm?"

"Four... Teen."

Nagulat ako sa pag-aalala niya sa'kin pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Binuhat niya ako, bridal style. I felt his muscled chest and ang bango ng perfume niya.

Halos mabali ang mga leeg ng mga babae sa loob ng dorm kakatingin sa'min. Ikaw ba naman dala-dala ng isang Carlisle Gonzales sa mga kamay niya at binubuhat pa niya ako papasok sa ladies dorm kung saan bawal dapat pumasok ang mga lalaki. Tinignan ko ang mukha ni Carlisle at parang wala naman siyang pakialam. Maya-maya lang ay nasa tapat na kami ng pinto ng room ko.

"where the hell could she be?! "

"I don't know Anika! Sabi niya kanina mag-restroom lang siya! "

Sa labas palang ng pinto dinig na dinig ko na ang pagtatalo nina Kiara at Anika. They sounded worried, dahil kaya 'yon sa'kin? Marahas na binuksan ni Carlisle ang pinto at napatingin agad ang dalawa sa'min. Para silang nakakita ng multo nang makita nila na buhat-buhat ako ni Carlisle at maslalo nanlaki ang mga mata nila nang makita nila ang hitsura ko.

"Oh my god! Trinity!" agad nila akong kinuha mula kang Carlisle at inupo ako sa kama ko. Dali dali pang kumuha ng first aid kit si Anika.

"Anong nangyari sa kanya Carlisle!?"

"I don't know Monrael, nakita ko lang siya sa path walk kanina at ganyan na ang hitsura niya."

"Trie! Saan ka ba nanggaling at ano ba ang nangyari sayo?!" alalng alala si Kiara.

Kung alam mo lang na ang mga alipores ng magaling mong kapatid ang gumawa nito. Hindi nalang ako sumagot at humiga nalang sa kama ko. Maiiwasan ko ang mga pangungulit nila kapag natulog nalang ako.

"Just let her rest."

Carlisle's voice was the last thing a heard before I drifted off to sleep.

What a great bloody welcome party Phoenix High.

My Guardian Devil (On-Going)Where stories live. Discover now