Chapter 29: Sick Devil

16 1 9
                                    


Lucas left...

And the room was filled with awkward silence. I'm alone in a room with this devil. Hindi ako makatingin sa kanya, ayaw ko makita ang pagmumukha niya.

"What are you doing here? Akala ko ba papabayaan mo na ako?" I said to him. Tinignan niya naman ako nang masama at gano'n din ako sa kanya.

"Once again, I saved your worthless life you ungrateful bitch."

"Alam mo? Hindi talaga kita maintindihan, kanina lang parang ang concerned mo sa'kin, tapos sasabihin mo na bahala na ako, and then ngayon naman concerned ka ulit sa'kin? Ano ba talaga ang trip mo ha?"

"Kung hundi mo ako main–" hindi na niya natapos ang sinasabi niya nang umubo siya. Agad ko naman hinawakan ang leeg niya at nagulat ako nang sobrang init nito.

"Lucian you're sick! Dadalhin kita sa clinic."

"Ayaw ko." matigas niyang sabi. Pambihirang lalaki na 'to. Siya na nga itong inaalagaan siya pa ang nag iinarte! Kung wala lang talaga akong utang na loob sa kanya, kanina ko pa siya pinalayas rito.

"Umupo ka nga muna riyan! Kukuha lang ako ng gamot." tatalikod na sana ako sa kanya.

"No. Take me to my dorm." parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan ko nang hawakan niya ang kamay ko.

"Ayaw ko nga! Never again will I go to that place." angal ko tyaka ko binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Listen Enderson, I'm sick because of you, and you're going to take care of me weather you like it or not." hindi na niya hinintay na makapagsalita ako at kinaladkad niya ako palabas ro'n.

For goodness sake, he's a grown man! Hindi niya ba kaya na alagaan ang sarili niya? It's just a cold for crying out loud, ginagawa niya talaga lahat ng puwede gawin upang pahirapan ako.

Pagkapasok at pagkapasok namin sa boy's dorm ay agad naman napatingin lahat sa'min. Why do boys always have to look when a girl is around? Suguro kung hindi ko kasama si Lucian ngayon, ginawa na nila akong sinabaw. Parang gutom na gutom kung makatitig eh, halos mabali na ang leeg.

"What are you all looking at? Do you want to lose your eyesballs?!" nagulat ako nang sinigawan sila ni Lucian. Nakakapangilabot ang boses niya, kaya hindi naman ako nagtaka nang ibinaling ng lahat sa ibang dereksyon ang pananaw nila.

Pumasok na kami sa kuwarto nila at akala ko makikita ko sa Carlisle pero wala palang tao ro'n. Buti naman, kasi ayaw ko makuha niya ang maling ideya kung bakit ko kasama ang lalaki na 'to. Mas ayaw ko tuloy na pumasok ro'n dahil kami lang dalawa. Who knows what kind of evil things this jerk is planning.

Pag-pasok namin ay agad naman siyang humiga sa king sized bed niya. Ako naman nakatayo lang rito parang tanga. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko noh, hindi naman ako nurse.

"Ano pa ang tinatayo tayo mo riyan? Alagaan mo na ako." tsk, ang bossy niya.

"And how am I supposed to know what to do? Hindi naman ako nurse noh! Ang OA mo kasi, sabi ko sayo dadalhin kita sa clinic pero ang arte mo!" tinignan niya naman ako ng napakasama. "Oo na! Sabi ko nga aalagaan na kita."

Nagdadabog pa akong pumunta sa mini kitchen nila. And yes, may mini kitchen sila, diba ang unfair? Mga bagay nga naman na nagagawa ng pera. Kumuha nalang ako ro'n ng maliit na planggana na may lamang mainit-init na tubig at tyaka tuwalya. Kung ibuhos ko nalang kaya sa kanya tong mainit na tubig? Tignan lang natin. Kaso 'wag nalang, mahal ko pa ang buhay ko.

Dinala ko 'yon pabalik sa kama pero naabutan ko ang isang anghel, este, si Lucian na natutulog. Hindi ko maiwasan na pagmasdan ang mukha niya. Ang taas ng mga pilik mata niya, tyaka ang tangos ng ilong. Ang sarap niya pagmasdan, para kang nakatingin sa isang anghel na natutulog. But when he wakes up, he's far from being an angel. Minsan nga naiisip ko na sana kung anong kaanghelan ng mukha niya, gano'n nalang din sana ang ugali niya. Pero pano ba 'yan? He's Lucian Kenwood.

"Matutunaw na ako niyan Trinny." bigla naman siyang nagsalita pero nakapikit parin. Pambihira, nag tutulog tulugan lang pala ang sira ulong lalaki na 'to!

"Asa ka naman! At pwede ba? Huwag mo nga ako tawaging Trinny. Mag punas ka na nga riyan!" inilapag ko sa kama niya ang planggana na may tubig at umupo ako sa couch na nakaharap sa malaking bintana. Hindi ko na siya tinignan mag punas, baka sabihin na naman niya na pinag papantasyahan ko ang katawan niya. Kadiri talaga.

"Sit here." Napalingon ako sa kanya, and he's tapping the space beside him on the bed, parang sinasabi niya na do'n ako umupo. Kakatapos niya lang mag punas at nakita ko siya na nakahiga na sa kama niya.

"Ayaw ko nga." angal ko, kaso tinignan niya na naman ako na parang, kapag hindi ako sumunod sa utos niya ay susunugin niya ako ng buhay. I just sighed and glared at him,  pero umupo nga ako ro'n sa kama.

Nakakabinging katahimikan ang naganap sa loob ng kuwarto matapos 'yon. I feel so bothered around him. Parang ang awkward ng atmosphere kapag kami lang dalawa. After that incident in the beach house, I wanted to get away from him as much as possible.

I didn't know what he meant with that kiss. I'm sure enough to say that he don't like me, and hella sure that he's not inlove with me. I know for many, it wasn't a big deal because it was just a kiss, but for me it was a pretty big deal because that was my first kiss at ang nakakuha no'n ay ang pinaka ayaw kong tao sa mundo.

I've always emagined how I would get my first kiss. A scene where we are looking at the beautiful sunset, feeling the warm waters of the sea touch my feet, and being kisses by the man I love. Not some jerk that is making my life hell, and even more so a guy that is involved with the mafia. Who knows where his lips has been. I don't know the next day maybe I've acquired herpes.

Damn that kiss.

"Why did you do that?" hindi ko naman napigilan mag tanong.

"Do what?" sagot niya sa'kin habang nakapikit ang mga mata niya. Pambihira, 'wag niyang sabihin na nakalimutan na niya 'yon?

"You know... The..." takte, nahihiya pa akong banggitin.

"Yung hinalikan mo 'ko?" agad  naman nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ang kapal ng mukha mo! Ikaw kaya ang humalik sa'kin!" depensa ko, at tumawa lang ang demonyo na 'to.
.
.

"I enjoyed that kiss Enderson."

My Guardian Devil (On-Going)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ