Chapter 26: Safety

14 1 10
                                    

Ouch. My head is killing me.

Dahan dagan kong minulat ang nga mata ko. Nagulat ako nang makita ko na nasa dorm na ako. Pero bakit parang galing ako sa ibang lugar? Panaginip lang ba talaga 'yon? The Victorian style room and. . .

The kiss.

"you owe me your soul"

I can still hear his voice echoing inside my head. Thank goodness it was just a dream, I don't know what disgust I would feel when I find out that I actually kissed that man.

Bumangon ako mula sa kama ko at sinubukan tumayo. I can still feel a sharp sting in my neck. What kind of chemical did that man in a mask injected me? Ang bilis ng pangyayari.

Nang naglakad ako papunta sa banyo, may narinig akong mga boses na nagsasalita. Nakakapagtaka lang, kasi ako lang mag-isa rito sa dorm ngayon. Nakinig akong mabuti and I figured the voices were coming from outside. I slowly opened the door and at the other side are Kiara, Anika, and.... Lucian? What's he doing here?

Nagulat ako nang tumingin si Lucian sa dereksyon ko. Nakita niya talaga ako kahit ang liit lang ng pagkaka-bukas ko ng pinto. Marahas niya itong binuksan, and I was caught right there eavesdropping.

"Trie! Thank goodness you're awake, we were worried sick!" bungad sa'kin ni Kiara nang mabuksan ang pinto. Niyakap nila ako ni Anika ng sobrang higpit na parang mahahati na ang katawan ko. Pambihira, sobrang sakit pa ng katawan ko eh.

"I'm fine! Get off me." I exclaimed at kumawala naman sila sa yakap.

"Nag-alala lang kami sa'yo Trie." sabi pa ni Anika. Bakas nga sa mukha nila na parang nabunutan sila ng tinik sa lalamunan. "Hindi namin alam kung saan ka hahanapin nang mawala ka for three days mula nung foundation day." dagdag pa niya na kinakunot ng noo ko.

"I was gone for three days?!" I exclaimed in disbelief. Tumango lang silang dalawa, I looked at Lucian and as usual walang emosyon ang mukha.

Parang sumakit muli ang ulo ko. Wow, three days? Tatlong araw na pala ang nakalipas, ni hindi ko man lang namalayan. Does that mean tatlong araw din akong walang malay? Saan ba talaga ako dinala ng lalaki na 'to? Totoo ba talaga na nag-kiss kami? I'm so fucking confused right now. Sobrang gulo ng mga nangyari.

"We need to talk."

Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Lucian.

"Ayaw ko." matigas kong sagot. Ayaw ko muna siyang makasama, kakagising ko lang at nanghinina pa ang katawan ko. Ayaw ko makipag usap sa lalaking 'yan, mas lalo lang sasakit ang ulo ko.

Tinignan niya ako ng masama. Tumalikod ako mula sa kanya, but before I could even turn 180 degrees, I was lifted from the ground. Nagulat ako nang binuhat ako ng isang maskulado at mlaking lalaki. Dala dala niya ako sa balikat niya. Bale, nasa balikat niya ang tiyan ko at nakabitay lang ang ulo ko sa likod niya. Pambihirang lalaki na 'to! Ginawa akong sako!

"Lucian Kenwood! Ibaba mo nga ako!" sigaw ko sa kanya habang hinahampas ko ang likod niya. Pero hindi man lang siya natitinag, ako lang yata ang nasasaktan sa ginagawa ko.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Pinag titinginan na kami ng mga tao sa paligid namin pero hindi siya nagpapakita ng pake sa ibang tao. Patuloy lang siay sa paglakakad niya. Bigla nalang ako nakadama ng kaba, kinakabahan ako kung ano ang gagawin niya sa'kin. Papagalitan nita ba ako? Papatayin niya ba ako dahil sa nakita ko no'ng isang araw? Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Pag dating namin sa likurang bahagi ng building ay sa wakas, ibinaba niya ako.

"Kapag sinabi kong mag-uusap tayo, mag uusap tayo." galit niyang sabi. Hinarap ko siya at tinignan straight sa mga mata niya. That's strange, there's a glimpse of concern in his eyes.

"What the hell do you want from me Lucian? You're the last person I want to be with at the moment."

"You could have been killed Enderson."

"Well I wasn't! Okay?!" I exclaimed.

"Don't you dare do that again." sabi niya pa na kina kunot ng noo ko.

"Why? Are you afraid that I would tell on you?" Pang-aasar ko, pero wala lang siyang imik. Tinignan niya lang ako kasama sa blanko na expression sa mukha niya. "Still protecting your little Mafia?" Dagdag ko pa at nakita kong medyo kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"You don't know what I'm protecting Trinity! If you don't want to lose your head, keep your curiosity to yourself."

Nagulat ako sa sinabi niya. Wala namang ibang pwede niyang protektahan kundi ang Mafia lang niya, eh ano pa ba? Alangan naman ako? Baka hindi nga ako tutulungan niyan kahit nasusunog na ako ng buhay sa harapan niya.

"And why shoul I listen to you?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Because you owe me." walang emosyon niyang sabi. Owe? What the hell is he talking about? Nahihibang na ata 'tong lalaki na 'to.

"I don't owe you anything." Nag akma akong umalis pero may malamig na kamay ang mahigpit na kumapit sa balikat ko. Damang dama ko ang galit niya sa kapit na 'yon. Hinarap niya muli ako sa kanya.

" Listen Enderson! You're in a life and death situation, where your only option is to die if you don't listen to me, you hard headed bitch!" he exclaimed gritting his teeth.

Binawi ko ang balikant ko mula sa kapit niya at sinampal ko siya. He was shocked at first, but then his eyes turned blank. Parang gusto niya akong ibaon sa hukay ngayon din. I flinched pero hindi ko pinahalata na natatakot ako.

"Hindi porket niligtas mo ako ro'n, ibig sabihin pwede mo na akong pagsabihan kung ano ang dapat kong gawin sa buhay ko. Hindi ko naman sinabi na iligtas mo ako ah? Why didn't you just let me die there?!"

Natigilan siya sa sinabi ko. He stared at me with those blank eyes for a few seconds.

"Fine, do whatever you want." tumalikod siya sa'kin at nag simulang maglakad palayo.

Hindi ko maintindihan ang lalaki na 'yon. Kanina lang parang concerned na concerned siya sa'kin. Tapos ngayon, ganyan siya. Napaka taas ng ego at pride. Ayaw na lang talaga aminin na nag-aalala siya sa'kin.

Abnormal.

My Guardian Devil (On-Going)Where stories live. Discover now