Chapter 11: The Gang Leader's Feelings

25 4 11
                                    

Knock..

Knock..

"Wait!" sigaw ko sa pinto. Who the hell goes knocking on doors 6 in the morning, kung saan tulog pa ang mga tao? Distorbo talaga oh.

"Yah! Bakit ang tagal mo buksan?!" ang aga-aga sermon niya agad bubungad sa'kin.

"Listen Kenwood, it's 6AM at tulog pa ang mga tao. What do you expect? At ano ba ang ginagawa mo rito?"

"Oh, activity natin sa History." sabi niya at inabot sa'kin ang papel.

"Hindi ba pwedeng mamaya na 'yan sa period ng history? Kailangan ba talaga ihatid mo pa 'yan dito sa ganitong oras?"

"Hindi ako papasok mamaya Enderson. Kaya kunin mo na or parehas tayong walang grado." sabi niya at nagbatuhan kami ng masasamang tingin. Bakit hindi na naman siya papasok? Aalis na naman ba siya? Pambihirang lalaking 'to.

"Sa'n ka na naman ba pupunta ha?" tinaasan ko naman siya ng kilay tyaka kinuha ang papel sa kamay niya. Mamaya hindi pa namin maipasa 'to.

"Wala kana do'n." walang emosyon n'yang sabi at tyaka naglakad na palayo.

Pambihira naman talaga. Kakabalik lang niya tapos aalis na naman ulit. Gano'n ba talaga ka importante ang business niya na 'yan para ipag-paliban ang pag-aaral niya? Tsk. At ano naman ang pakialam ko? Buhay niya 'yan eh.

Pero hindi ko maalis alis sa isip ko na parang may utang ako sa lalaking 'yon dahil sa pag-comfort niya sa'kin kahapon. Takte, lalabhan ko pa nga ang panyo niya. Ewan ko lang talaga sa lalaking 'yon, pwede naman pala siya maging mabait, bagit ang suplado pa niya palagi? Hays, that's Lucian Kenwood for you.

Hindi na ako naka balik matulog kaya naghanda nalang ako para sa history class ko. Nakakatamad naman, first subject pa talaga namin 'yon.

Pag simula na ng klase ay pinapasa na samin ang nga activity. Buti naman hindi tamad ang Lucian na 'yon at tinapos niya ang napag simulan ko kahapon. Madaling lumipas ang oras at natapos din ang period na 'yon, pero mag panibagong assignment na naman. Kainis naman talaga oh.

Habang naglalakad ako sa corridors, may narinig akong mga boses galing sa medyo madilim na bahagi ng building. This better not be Makki and Shenen again. Umandar naman ang curiosity ko at tyaka sumilip ako ro'n.

"Ayan na ang item boss."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang nefarious sovereign. May inaabot si Azrael na isang suitcase sa isa pang grupo na kaharap nila. Alam ko na hindi taga rito ang isang grupo na 'yon. Takte, what the hell are they doing? At ano ang laman ng suitcase na 'yon? Inabutan naman ng tao na tumanggap sa suitcase ng pera si Azrael.

Parang malamig na tubig ang binuhos sa'kin nang ma-realize ko ang nakikita ko. I'm fucking witnessing a drug transaction!

"Hoy babae! Anong ginagawa mo riyan!?"

May biglang humatak sa'kin at kinaladkad ako papunta sa grupo ng mga lalaki. May mga bantay pala sila sa paligid at nakita nila ako na sumisilip ro'n. Parang hindi maipinta ang mukha ni Azrael at ng Nefarious Sovereign nang makita nila akong kinakaladkad ng mga bantay nila. Tinignan ko lang siya ng masama, tsk. You drug dealers!

"What the?! Siguraduhin ninyo na hindi 'yan mag susumbong Azrael Trazona. Ayaw ko madumihan ang pangalan ng clan ko!" sabi nong nag-aaktong leader ng kabilang grupo tyaka sila dali daling tumakbo palabas ng building.

Agad akong hinatak ni Azael at sinandal ako sa pader hawak hawak ang magkabilang braso ko. Galit na galit ang expression niya sa mukha niya, pero hindi ko pinakita na naapektuhan ako. Tinignan ko lang siya with a blank expression on my face.

"Bakit ba palagi kang nasa daan ko?! Kapag bawiin ng kliyente na 'yon ang partnership nila sa nefarious sovereign, humanda ka talaga sa'kin Enderson." he said straight to my eyes at mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa braso ko. Nararamdaman ko na bumabaon na ang mga kuko niya ro'n. Takte ang hapdi.

"Bitawan mo siya Trazona, kundi ikaw ang malilintikan sa'kin."

A familiar voice exclaimed behind us at binitawan agad ako ni Azrael.

"What? Palalagpasin nalang natin 'to? Ikaw nga dapat ang nakaka intidi sa sitwasyon kasi ikaw ang leader. Tapos ngayon ikaw pa ang gagawa ng butas para sa lintek na babaeng 'yan?!" nagulat lahat nang hawakan ni Carlisle si Azrael sa kuwelyo niya.

"Are you questioning my leadership Trazona?" parang tumayo lahat ng balahibo ko nang marinig ko 'yon. Nakakatakot ang boses niya at natameme lang si Azrael.

"I decide who is to be punished and who is to fall under mercy. At kapag sinabi ko na walang gagalaw kang Trinity, walang gagalaw sa kanya! Don't even think to lay even a finger on her or hindi ako magdadalwang isip na kunin 'yang walang kwenta mong buhay. Naiintindihan mo?!"

Nakakatakot si Carlisle. Parang hindi siya ang Carlisle Gonzales na nakilala ko. Lumabas ang gangster side niya, sobrang nakakapangilabot ang boses ng pagbabanta niya. Nakakatakot pala siya kapag nagagalit, parang kaya niyang ibaon sa hukay lahat ng gusto niya.

Fear immediately registered on Azrael's face at tyaka tumango lang siya sa sinabi ni Carlisle. Binitawan niya ito at tumingin sa dereksyon ko. His eyes was dark and deadly causing shivers to run down my entire body. Akala ko sisigawan niya ako or papagalitan niya ako pero tahimik lang siyang lumapit sa'kin at hinila ako palabas ng building. Hinarap niya ako sa kanya at tinignan ako deretso sa mata.

"What do you think you were doing?! You could have been killed today!"

"Hindi ko naman sinasasya makita ah! At tyaka bakit ba?! Hindi naman ako ang may illegal na ginagawa ah!" bawi ko tyaka sinubukan ko tanggalin ang pagkakagawak niya sa braso ko pero mas lalong hinigpitan pa niya ito.

"Hindi mo ba naiintindihan? Dahil sa curiosity mo maaring may bumaon na, na bala sa ulo mo nong oras na nakita ka nila do'n! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!"

"Wala kang pakialam Carlisle! Hindi ko naman kasalanan na dito kayo sa loob ng campus gumagawa ng krimen!" nagulat ako nang nagbago ang expression sa mukha niya. Parang nay halong inis at kalungkutan.

"Wala akong pakialam? Ililigtas ba kita ro'n kung wala akong pakialam? Wala ba talagang halaga sa'yo ang nararamdaman ko Trinity?"

natigilan ako sa tanong niya. Hindi ako maka tingin sa kanya. Is that how I'm making him feel? He suddenly scooped my chin para maka tingin ako sa brown niyang mga mata. His dark eyes turned into adoring eyes.

"I'm not asking you to return my feelings because I know na hindi mo talaga ako gusto, pero kahit para sa sarili mo lang mag ingat ka naman."

Parang kumirot ang puso ko when I saw tears forming on the corner of his eyes.

The fearsome gang leader is shedding tears for me.

My Guardian Devil (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon