Chapter 9: Where's Lucian?

24 4 9
                                    

2 months.

The miracle lasted for 2 months. Which means hindi pa ako na kick-out.

"May club registration daw ngayon sa field. Sa'n kayo sasali?" tanong ni Kiara habang naglalakad kami papunta sa field.

Honestly hindi ko alam, hindi naman talaga ako active sa mga clubs mula pa sa previous school ko. Magpapa-register lang ako for the sake of grades pero hindi naman ako papasok kapag pinatawag ang members for a meeting.

"Maybe sa Bookwoorm club ako sasali." Anika said.

"It's quite obvious Anika, mula freshmen year diyan ka na naman sumasali. How about you Trie? Napag-isipan mo na ba ang sasalihan mo?"

"I have no idea." walang  emosyon kong sagot.

"You can come with me in the dance club."

"Dancing isn't really my type. May art club ba?"

"Yeah! Art and crafts ka pala mahilig?"   Parang namamangha pa silang dalawa.

"Not really, I'm just thinking of the club na wala masyadong ginagawa."

Pag dating namin sa may entrance the field, bumungad agad sa'min ang dalawang makukulit na lalaki.

"Hi bestfriend!" bungad agad sa'kin ni Makki at tyaka inakbayan ako. Good mood ata siya ngayon, siguro nagkita sila ng nerd niyang girlfriend.

"Get off her! Hi babe!" umepal naman 'tong si Carlisle at tinanggal ang kamay ni Makki sa balikat ko. I just rolled my eyes at them. Nasanay na ako sa mga lakulitan nilang dalawa, minsan hindi ko nalang pinapansin.

"Uy tara na! Mauunahan na tayo sa linya, ang dami ng tao oh." hinila pa ako ni Kiara papunta sa nagkukumpulan na mga tao sa field. Kung hindi lang talaga para sa grades, I'd rather be sleeping in the dorm room right now.

Hinanap ko nalang ang regestration booth ng art club at agad ko naman 'yon nakita. Sino bang hindi makakapansin no'n na ang bongga ng design kahit booth palang. Pumila ako ro'n and waited for my turn. 

Habang nakatulala lang ako ro'n na naka pila hindi ko maiwasan ang pakiramdam na parang may kulang. Inisip ko ng mabuti baka may nakalimutan akong gawin or dalhin pero wala naman. I just can't shake off the feeling, that something is missing. Abnormal na rin ata ako.

After ko magpa-register pumunta ako sa cafeteria where we all agreed to meet after the registration. Pag dating ko ro'n nakita ko agad si Makki at Anika na naka upo na sa table. Ang lapad lapad naman ng ngiti ni Anika, hindi niya nga ako na pansin sa kakatitig niya kang Makki na naglalaro sa iPad niya. Huy girl, may jowa yan kung alam mo lang.

"Hoy, tulo na laway mo." tinapik ko si Anika sa likod at agad naman siyang natauhan. Dali dali naman niya pinunasan ang bibig niya. Buti nalang naka earphones si Makki at hindi niya 'yon narinig. Hindi ata ako pinapansin ni Makki, ang seryoso naman ata ng laro niya para hindi niya pansinin ang bestfriend niya, hmp!

Inagaw ko nga ang iPad niya.

"Uy Trie! Akin na!"

From: Baby boo <3
Ingat ka palagi baby boo :-* sa bookworm club nga pala ako sumali. Galingan mo sa Dance club ha? Kita nalang tayo mamaya. Iloveyou :-*

Ang lapad lapad ng ngiti ko nang makita ko ang ka chat niya. Akala ko naglalaro siya, pero hindi pala. Kausap niya pala ang baby boo niya hahah!

"Kaya pala ang seryoso mo ha? Baby boo pala ha!" pang-aasar ko sa kanya at niliksihan niya ako ng mata. Ay oo nga pala, nandito si Anika. Hindi pwedeng may makaalam.

My Guardian Devil (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon