Chapter 28: Invader

12 1 4
                                    


"He's a death trap"...

Wala na akong naging choice kundi maglakad nalang mag-isa pabalik ng dorm ko. Gusto ko muna mag pahinga, sobrang sakit na ng ulo ko. Ang hirap iproseso ang mga pangyayari ngayon. Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko sa sitwasyon na 'to. May nasasaktan na akong mga tao na malapit sa'kin, at isa 'yon sa mga pinaka ayaw ko na mangyari.

Pagdating ko sa dorm ay naisipan ko munang maligo. Hindi nga pala ako nakapag ligo ganina kasi hinatak na ako ng magaling na Lucian na 'yon. Isa pa 'yon na parang may topak ang utak.

parang ang tahimik ata ng paligid ngayon? Asan ba sila Kiara? Hindi na bale, buti nga na wala sila eh kasi walang estorbo. Pumasok nalang ako sa banyo para maligo.

"hey beautiful"

Malakas akong sumigaw nang may nagsalitang lalaki sa loob mg banyo. Hindi ko siya makita kasi hindi ko pa na-on ang switch ng ilaw. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, what the hell is a man doing in our dorm!? At sa banyo pa!

Napasigaw ako ulit nang may tumulak sa'kin dahilan para mapasandal ako sa pinto. Parang nanlamig ang katawan ko nang may nadama akong hininga sa leeg ko, parang sasabog na ang puso ko dahil sa kaba. I need to get the fuck out of here!

Kinapa ko ang door knob sa likod ko at nang maramdaman na ito ng mga kamay ko, hindi ako nag dalawang isip na buksan ang pinto. Natumba ako patalikod nang buksan ko ang pinto, and to my horror may sumunod na natumba sa'kin.

On top of me was a disgustingly handsome man with the same blue eyes. He was grinning widely habang nakapatong sa itaas ko. Agad agad akong bumakod at tinulak siya palayo sa'kin. He looked at me from head to foot na para bang handa niya akong hanggabin.

"Nice curves Enderson." he said with his deep and husky voice.

Rumihistro naman sa'kin na naka tuwalya lang ako. I felt my whole face heat up at agad akong tumakbo sa kama ko at pinulupot ang kumot ko sa sarili ko.

"Ano ba ang ginagawa mo rito Lucas Kenwood!?"

"Wala ka atang manners eh, ganyan ba talaga ang bungad mo sa mga bisita mo?" sabi pa niya at hindi parin nawawala ang manyak niyang ngiti sa mukha niya.

"Bisita? First of all, walang bisita na tumatambay sa banyo ng ladies dorm! Pangalawa, hindi kita bisita kasi I don't want you here!" tumawa naman siya.

"Don't flatter yourelf too much litrke girl. I was just here to check if my brother succeeded in his plan on bringing you back. Well, you're here so I guess he did. As expected from my devilish brother. Always perfect."

"At ano naman ang pakialam mo?" tinaasan ko siya ng kilay. Napaatras naman ako nang dahan dahan siyang naglakad palapit sa'kin. Hindi parin nabubura sa mukha niya ang manyakis niyang ngiti. Hindi ko maiwasan na pagmasdan ang mukha niya, he's an older copy of Lucian. Perfection really does run it thier blood.

"Oh nothing, I was just confirming something." he answered.

"C-confirm what thing?" takte, nauutal pa ako dahil sa kaba.

"Confirming that he's about to get the hell out of here."

Napalingon kami sa nagsalita. I saw a scary man standing by the door staring at us with his devilish blue eyes. Parang kakaiba ang aura niya ngayon, at ang sama ng tingin niya sa kapatid niya. Parang nay kung anong kuryente na dumaloy sa katawan ko nang dumapo ang paningin niya sa akin.

"Nakaka estorbo pala ako sainyo." walang emosyon niyang sabi. Kakaiba talaga ang ihip ng hangin dito, kalmado si Lucian pero ang binubuga ng presensya niya ay galit. I can feel the tension and the pressure rising up, and it's making me shiver.

"For once, this is not what it looks like." depensa ni Lucas.

"Diba sinabi ko na aalis ka na? Why the fuck are you still here? O gusto mo ako ang magpalabas sa'yo?"

"Easy bro. Kinukumusta ko lang naman ang iyong damsel in distress." Lucas smiled na parang inaasar pa niya si Lucian. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay, parang pinapahiwatig niya na sumusuko siya. Naglakad na siya patungo sa pinto, pero tyaka siya lumabas ay nag salita siya.

"I've confirmed it. That's not good brother. You've just gotten yourself vulnerable. You better get rid of that shit, fast."

My Guardian Devil (On-Going)Where stories live. Discover now