Chapter 18: Past Over Present

24 4 7
                                    

Dedicated to shencerity
----------------------------------------------

Muntik na akong mapatalon sa tuwa nang makita ko ang name niya sa screen ko. Finally nag reply na ang baby boo ko.

From: Baby Boo <3
- Hey can we meet later after lunch? May sasabihin lang ako.

See? Ang cold. Wala man lang Inissyou or Iloveyou. Di bale, masaya na ako na gusto niya makipagkita sa'kin. Sabi ko na nga ba eh hindi niya ako matitiis. I can't wait to hug her and kiss her beautiful face.

Agad akong naligo tyaka nag-ayos. Dapat guwapo ako mamaya, hehe. Grabe sobrang excited ko, hindi na nga ako kumain at pumunta nalang ako agad sa usual spot namin. I expected na mauunahan ko siya pero nando'n na siya pagdating ko.

She looks pale and stressed out. At napansin ko rin na medyo pumayat siya. Ano kaya ang pinag gagagawa niya? She's making me worry. Walang emosyon ang mukha niya na nakatingin sa'kin na naglalakad papunta sa kanya. Bakit gano'n? Parang hindi siya masaya na makita ako.

"Hi baby boo! Kumusta ka na?" niyakap ko siya pero kumawala siya agad.

"Makki... May sasabihin ako."

"Baby naman, 'wag mo akong tawagin sa pangalan ko. Tayo lang naman dalawa oh."

"Makki, pwede ba? Stop being childish." ouch. Parang kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya.

"Why are you acting like this?"

"It's over Makki."

Parang huminto ang oras matapos niya sabihin 'yon. Ang bigat sa pakiramdam, parang pasan ko ang mundo.

"Tell me this is a joke?" tumatawa ako pero unti unting pumapatak ang mga luha ko. Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan ko ang mga mata niya.

"No Makki. Ayaw ko na, hindi na kita mahal."

Parang sinuntok ako sa sikmura ng napakalakas. Parang dinudurog ang puso ko na marinig 'yon mula mismo sa bibig niya.

"I get it. This is a dream, haha! This is just a fucking nightmare!"

Naramdaman ko ang kirot at sakit sa kamao ko nang sinuntok ko ang pader. Namaga at dumugo agad ito pero nando'n parin ako. Hindi ako gumising.

Hindi ito panaginip.

"Stop Makki, please." hinawakan ni Shenen ang kamay ko.

Wala akong nagawa kundi lumuhod sa harapan niya. I cried in front of her, wala akong pakialam kung ano pa ang sabihin niya. Ayaw ko siyang mawala sa'kin. Hindi ko kakayanin.

"Bakit Shenen? May problema ba? May nagawa ba ako? Sabihin mo lang at itatama ko 'yon. 'Wag mo lang akong iwan please." ang hirap naman ng ganito. 'Yon tipong hindi mo alam kung anong nagawa mong mali at iiwan ka nalang ng walang warning.

"Wala Makki."

"Then why?!" wala na akong pakialam kung tumataas na ang boses ko dito.

"Makki, kami na ulit ni Dylan." natigilan. Tumayo ako mula sa sahig at hinarap siya.

"'Yong walang kwenta mong ex fiancé, na sinaktan ka at iniwan kang mag-isa dito sa Pilipinas?" hindi talaga ako makapaniwala sa dahilan niya.

"Makki, umuwi siya rito sa Pinas para balikan ako. Tyaka boto sa kanya si dad." hindi ko mapigilan na magalit sa mga sinabi niya.

"Dahil lang ba do'n, ipagpapalit moko sa ugok na 'yon? Bakit? pinakilala mo na ba ako sa dad mo? Diba hindi? Naniwala ako sa sinabi mo na hihintayin lang natin na mag 18 ka tyaka natin sasabihin sa kanya. Tangina, dalawang buwan nalang 'yon Shen!"

"Sorry Makki. Mahal ko pa si Dylan eh." umiiyak niyang sabi at inabot sa'kin ang isang card.

Hindi ko mapigilan na matawa sa nakikita ko.

"Engagement party?"

"Yes Makki. And feel free to come if you want." pinunit ko sa harap niya ang card at tyaka tinapakan 'yon.

"May gana ka pa talagang imbitahin ako sa engagement party ninyo?! Binabastos mo ba talaga ang pagmamahal ko sa'yo Shenen?!"

Mas lalo naman siyang umiyak.

"Oh bakit kaa umiiyak?! Diba ginusto mo 'yan? Si Dylan ang mahal mo diba? 'yong taong minsan ka nang sinaktan ng sobra! Nong panahon na kailangan mo ng taong masasandalan, sino ang nandon? Diba ako? 'yong panahon na iniwan ka niya dito na luhaan, sino ang nando'n? Diba ako? 'Yong panahon na wala nang umiintindi sa'yo, sino ang nando'n? Diba ako? Tapos ngayon babalik ka sa kanya? Ibang klase ka!"

"I'm so sorry Makki." sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero agad ko 'yon na binawi. Tinignan ko siya na parang nandidiri ako sa kanya.

"Sana maging masaya ka kapag ikakasal na ka'yo. At 'wag mo na akong kausapin pa, nandidilim ang paningin ko." I said and stormed out of there.

"Makki!" sumisigaw siya para tawagin ako pero hindi ko siya nilingon. Kumukulo ang dugo ko habang tumatagal na tinitignan ko siya.

Puot at galit ang nangingibabaw sa lahat ng emosyon ko. Hindi ko alam kung ano dapat ang marandaman ko. Sobrang sakit palang lokohin. All those times na inakala ko na mahal namin ang isa't isa, ginawa niya lang pala akong panakip butas.

Ang sakit, sobrang sakit.

Sa sobrang layo ng iniisip ko hindi ko namalayan na dinala na ako ng mga paa ko sa sasakyan ko. Sabi nila, masama daw ang magmaneho kapag masama ang loob mo, pero wala akong pakialam. Gusto kong uminom. Gusto kong magpakalasing, 'yong tipong malilimutan mo na pati pangalan mo.

Nagmaneho lang ako na parang wala ng bukas. Pano pag mababangga ako? Edi mas maganda na 'yon! Mas gugustuhin ko pa atang mamatay sa panahon na 'to, kesa maramdaman ko ang ganitong sakit.

Kinuha ko ang VIP room ng bar at sinabihan ko ang bouncer na walang ipapapasok. Ayaw kong ma-estorbo.

Gusto ko iinom lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

My Guardian Devil (On-Going)Where stories live. Discover now