Chapter 15: True Bloody Colors

29 4 10
                                    

So, I'm just standing here with a huge bandage on my face. Takte nakakahiya pero kailangan ko tumulong para sa project namin. It's a project composed of three members, kaya kasama ko ngayon sina Kiara at Anika.

"Trie? Do you mind getting these supplies from the mall? Kulang kasi materials natin eh." Anika asked tyaka nag puppy eyes. I just rolled my eyes at tyaka kinuha ang inabot n'yang papel.

-two 1whole card board.
-one roll chipboard
-stick glues
-one rim of bondpaper
-five pink cartolina

What the hell? Akala ata nila lima ang kamay ko! Akala ko naman simpleng construction paper lang o kaya stick glue. Hindi ko naman inakala na pang national book store ang ipapabili nila sa'kin.

"Thank you! Bye!" bago paman ako maka angal, tinulak na ako ni Anika palabas ng kwarto. Pambihira, she even slammed the door on my face.

Looks like wala akong choice kundi pumunta nalang. Nag abang nalang ako ng taxi papunta sa mall. Ang yaman yaman ng magagaling kong magulang ni wala man lang naka isip sa kanila na bigayn ako ng kotse. Palibhasa iniisip lang nila na gagamitin ko lang 'yon sa paglakwatsa.

Pagdating ko sa mall diretso lang ako sa school supplies. Ayaw ko magtagal masyado dito, kasi maraming tao. Hindi naman sa pagiging anti-social but nakakainis lang, kasi panay tingin sila sa mukha ko. What? Ngayon lang kayo nakakita ng tao na may bandage sa mukha? Tsk.

Nakuha ko na lahat ng pinag utos sa'kin ng magaling na group leader na 'yon. Hindi talaga ako nagpapa utos kung hindi lang talaga para sa grades, at mas okay na rin to kesa naman sa pag-gawa nong project na 'yon.

"What the?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" I exclaimed nang nalaglag lahat ng mga dala ko nang may lalaking bumangga sa'kin.

"Excuse me?! Ikaw kaya ang—"

"IKAW?!"

Sabay kaming napasigaw nang makita namin ang isa't isa. Pambihira, hanggang dito ba naman sa mall, may pinapadala parin ang tadhana para bwisitin ako? Tinignan ko siya nang masama at hindi naman siya nagpatalo. Pinulot ko nalang lahat ng nga nalaglag kong pinamili. I didn't bother to ask help kasi alam ko na hindi naman siya tutulong. Hindi uso ang word na 'gentleman's d'yan sa Lucian na 'yan eh.

"Hoy! Sa'n ka pupunta!" maka hoy nga naman. Akala mo tumatawag ng isang katulong.

"Aalis na. Bulag ka ba?"

Suddenly, he took the bags and supplies that I was carrying.

"Teka, magugunaw na ba ang mundo? Or may lagnat ka?" kinapa ko ang leeg at ang noo niya. Wala naman siyang sakit ah. Siguro nga magugunaw na nga ang mundo.

"What are you doing woman?!" inis niyang sabi at inilayo ang mukha niya sa kamay ko.

"Alam mo na pala ang salitang 'Tulong'?"

"Edi kung ayaw mo edi kunin mo!" inabot niya pabalik sa'kin ang mga bags. Eto naman hindi mabiro eh.

"Bahala ka riyan. Kinuha mo na eh." sabi ko tyaka sinimulan maglakad. I heard him frown pero hindi naman siya umangal.

Bigla kong naalala na bibili pala ako ng bagong shirt ngayon. Just a little treat for myself. Walang namang ibang pupuri sa'kin eh. Naglakad lang ako papunta sa Levi's.

"Hoy ano ba?! Saan ka pa pupunta? Nangangawit na'ko oh!"

"Ang arte mo naman, kahit konting lakad lang."

"Anong konti?! We already walked halfway around the mall! Ang bigat pa nitong mga bitbit ko!"

Ay malayo na pala 'yon? Hindi ko namalayan kasi hinahanap ko ang shop ng Levi's eh.

My Guardian Devil (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon