Chapter 7: Party With the Monsters

34 4 5
                                    

The good thing about Saturday mornings are no alarms. Walang Kiara at Anika na nag-iingay everytime mag-aaway sila kung sino una maliligo. Walang gigising sa'kin para mag-prepare na kasi baka ma late ako. It feels like I have all the time in the world.

Well that's what I thought.

Agad ko inimulat ang mata ko nang may narinig akong malakas na tili. Akala ko kung may nangyaring masama or may kailangan ng tulong.

"OMG! Azrael is hosting a party at their bar tonight kasi anniversary namin! You guys should totally go!"

Tili lang pala 'yong ng excitement ni Kiara. I just frowned at ipinikit ulit ang mga mata ko. Estorbo naman oh, kitang may natutulog pa rito hindi niya kaya hinaan ang boses niya? At hindi ba pwede na mamaya nalang 'yan pag-usapan? Ang aga-aga party agad ang nasa isip. I was about to drift off to sleep when...

"Trinity! "

"YAH! WHAT'S WRONG WITH YOU PEOPLE!?" Ang laki laki ng mga mata ni Carlisle nang marahas akong bumangon mula sa kama ko. Tinignan ko siya ng masama para ipahiwatig na galit ako. Mga walang respeto, kitang may nagpapahinga na tao.

"Good morning din babe." ngumiti lang siya sa'kin na parang walang nangyari. May inabot siya sa'kin na paper bag.

"Ano na naman 'to?"

"Breakfast in bed for my girl." ugh, ayaw ko talaga ng mga korni na nicknames na 'yan.

"Well hindi na siya breakfast in bed because I'm literally NOT in bed dahil sa mga tao riyan na estorbo sa tulog."  makahulugan kong sabi at tinignan nang masama si Carlisle at si Kiara.

"Hehe, sorry na kasi. Excited lang ako na i-invite kayo mamaya sa party." napakamot nalang ng ulo si Kiara.

"Ay oo nga pala. Punta ka ha? Susunduin kita mamaya rito." sabi ni Carlisle.

"'Wag na kina Kiara na ako sasabay."

"Ah actually Trie, hindi ko kayo masasamahan mamaya eh. Tutulong pa kasi ako sa pag-set up ng bar. Sorry." Paliwanag ni Kiara. Lumingon ako kang Anika.

"Sina Makki din ang kasama ko mamaya. Okay lang naman na sumabay ka sa'min pero okay lang din na sumabay ka kang Carlisle." parang kinikilig naman 'tong si Anika. Sus ipag-tabuyan ba naman ako para ma-solo  niya si Makki? Mautak ka rin Anika ha. Looks like wala na akong choice kundi kang Carlisle nalang sumabay.

"I'll be here at 6." Sabi ni Carlisle at tyaka nakangiting umalis. Tuwang tuwa naman ang mokong na 'yon.

Sa totoo lang ayaw ko naman talaga sumama eh. Kung pwede lang talaga na hindi na, kaso ako lang mag-isa maiiwan rito. Hindi naman ako takot, ma bo-bore lang talaga ako. Mas okay na 'yong pagtawanan ko kung sino man ang malasing sa kanila.

Inilapag ko nalang sa lamesa ang pagkain na binigay sa'kin ni Carlisle.
So lasagna and toast for breakfast. Alam talaga ni Carlisle ang mga type ko na mga food. Syempre kakainin ko 'yon, it's free and delicious. I'm just simply taking advantage of his kindness. *Evil laugh*

"Ang sweet naman ni Carlisle." sabi ni Kiara habang nakatingin sa'kin na kumakain.

"Why? Is Azrael not?" pang-aasar ko sa kanya. Mga uto-uto rin kasi sila eh, naniwala naman sila sa mga sinasabi ni Carlisle na girlfriend niya ako.

"Hehe, he is but in his own way." depensa ni Kiara. Tsk akala niya hindi ko napapansin na minsan lang siya pinapansin ni Azrael, pero ewan ko sa babae na 'yan kung bakit patay na patay parin siya ro'n. Siguro nga napapa-party lang si Azrael mamaya dahil gusto lang niya hindi dahil anniversary nila.

"Nature na talaga sa tao ang maging tanga 'no?" sabi ko habang kumakain lang. Sumimangot naman si Kiara. Kaylangan niya lang kasi imulat ang mga mata niya sa katotohanan na hindi seryoso si Azrael sa kanya.

My Guardian Devil (On-Going)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ