Chapter 13: Sovereign's Fury

25 4 10
                                    

Jeez, what a morning. Parang hindi pa nawala ang stress ko mula kahapon. Para akong zombie na naglalakad papunta sa cafeteria kasama ang dalawang maingay na babae. Wala ako sa mood para makinig sa chismis nila, gusto ko lang kumain.

Pag dating namin ro'n nando'n na si Makki. Nakatulala lang siya sa bintana at parang malalim ang iniisip. Ano na namang problema ne'to? Tinapik ko siya at parang nagulat pa siya.

"Wow? Parang nakakita ng multo. Ako lang to uy." I joked hoping na tatawa siya pero hilaw lang siyang ngumiti. Takte, alam ko namang korni 'yong joke ko pero at least naman ma appreciate niya na pinapatawa ko siya.

"Andyan na pala ka'yo." 'yon lang ang sinabi niya. Walang typical 'Hi bestfriend!' o kaya 'Watssup guys!'. Isang wala sa mood na Makki lang ang nasa harap namin ngayon.

Nagtinginan kaming tatlo nina Kiara. Mukhang nahalata rin niya ang inaasal ni Makki. I wonder what's bothering him. Matanong ko nga nalang.

"Hey, may problema ka?" tanong ko nang umupo ako sa tabi niya.

"H-ha? Wala, hehe. Bili muna ako ng food." sagot niya tyaka umalis.

"That's weird. That's very unlike the Makki Dela Fuentes I know." Kiara said. Hindi nagsalita si Anika pero halata sa mukha niya na nag-aalala siya.

Natahimik kami nang umalis si Makki. Tyaka ko lang naman napansin na parang wala atang nangbi-bwisit sa'kin ngayon at walang fake boyfriend na tumatanggol sa'kin. Sanay na naman kami kang Lucian, but that's unusual for Carlisle to go somewhere and not telling me about it. Galit parin ba siya sa'kin? Pero hindi naman eh, sabi pa nga niya kahapon na magkikita kami ngayon. Asan kaya 'yong dalawang 'yon? Impossible naman ata na magkasama sila, kasi parang aso't pusa ang dalawang 'yon eh.

Pumasok nalang kami sa klase namin nang hindi naman bumalik si Makki. Pambihira, sabi niya na bibili lang siya ng pagkain eh. English ngayon tapos Classmate kaming lima, kaso wala nga si Lucian kaya kami lang apat. Naka sandal lang si Makki sa pader at halatang wala sa isip niya. Anika tried to talk to him pero hindi niya ito pinansin. Poor Anika, halata naman na nag-aalala din siya kang Makki kaso hindi niya naman ito pinapansin. Kausapin ko nalang 'tong lalaki na 'to mamaya pagkatapos ng klase.

"Halika nga dito." hinila ko si Makki sa gilid ng hallway matapos ang klase namin. Parang nagulat siya sa ginawa ko kaya dineretso ko na ang tanong ko.

"Ano ba talagang problema mo?" he suddenly let go a huge sigh.

"Kanina ko pa gustong may kausap tungkol dito pero hindi ko masabi sabi kasi nando'n sila Anika tyaka Kiara." ang seryoso ng mukha niya. Kaya pala hindi siya nagsasalita kanina. I think this is about their hidden forlorn relationship.

"Ano ba kasi 'yon?"

"It's Shenen. She's gone cold on me for a few days now and I can't find the time to talk to her because she won't answer any of my text or calls." I can see the sadness in his eyes as he told me this.

"May problema ba kayo? Or may nagawa ka bang masama na kinagalit niya?"

"As far as I can remember, wala naman. Masaya naman kami no'ng last kaming nagsama."

"Baka busy lang. Exams are coming up remember? Alam mo naman na dapat straight A's 'yong nerd mong girlfriend na 'yon." biglang lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko.

"Right! How can I be so stupid. Maybe I'm just overreacting. Thanks bestfriend! Sobrang idol na talaga kita!" he exclaimed and gave me a high five. Kita mo na? Bipolar talaga 'tong lalaki na 'to.

Nagpaalam si Makki na umalis kaya hinayaan ko na. Sana nga tungkol lang sa studies ang pagiging cold no'ng Shenen na 'yon kasi kapag sinaktan niya si Makki hindi ako mag dadalawang isip na sirain ang malinis at nerd niyang pangalan.

My Guardian Devil (On-Going)Where stories live. Discover now