Chapter 8: Jealous Fake Boyfriend

28 4 5
                                    

Halos kaming tatlo sa kwarto ang wala pang tulog dahil sa kakaiyak ni Kiara. Si Anika panay comfort sa kanya, ako naman ginagawa ang lahat para lang makatulog. Katanga tanga kasi eh, ilang beses na namin pinapamukha sa kanya na walang pakialam si Azrael sa kanya, at ang mas nakakasakit pa ro'n ay mismo si Azrael na ang nagpapamukha sa kanya no'n.

It's 3AM at wala pa kaming tulog lahat. Tumayo ako sa higaan ko at humarap sa kanya.

"Ayan! Matagal na namin sinasabi sa'yo na gago 'yang lalaking 'yan! Nakinig ga ba? Hindi! Tapos ngayon iiyak iyak ka, tapos damay kami lahat? Tangina naman." natigilan siya sa sinabi ko at tumingin siya sa'kin. Para siyang may sore eyes dahil sa pula ng mga mata niya kakaiyak.

"I don't want to say it to your face that I told you so, but... I FUCKING TOLD YOU SO."

Mukhang walang effect ang sinabi ko kasi mas humagulhol pa siya sa pag-iyak. Lumabas ako sa kuwarto. Antok na antok na ako tapos sobrang lamig dito sa labas. Pero wala akong pakialam, gusto ko maghanap ng tahimik na matutulugan. Hindi ko alam kung bakit pero I found myself walking towards the boys dorm. Never have I ever thought of myself doing this pero dito ako dinala ng mga paa ko. I stared at the door for a few seconds. Before I could even knock, bumukas ito.

"What are you doing here Enderson?" His deep rang in the empty corridors. I wast just standing there like an idiot kasi walang lumalabas sa bibig ko. Instead na sumagot, pumasok lang ako sa loob. Nakita kong natutulog si Makki at...

Carlisle?

Kasama pala silang tatlo sa dorm? At masasabi ko talaga na ang unfair ng buhay. Ang luwag ng kuwarto nila halos dadalawahin ang sa'min tapos three king size bed?! Kapag ito naging kuwarto ko hindi na ako lalabas. I saw a vacant bed at humiga ako agad ro'n. Grabe ang lambot ng kama at ng mga unan. Wala na akong pakialam kahit lalaki silang lahat dito. I need sleep.

"You barge in the boys dorm three in in the morning para lang agawan ako ng kama? Wala bang kama sa dorm niyo?" nakatayo lang si Lucian sa gilid ng king sized bed niya habang nakatingin sa'kin.

"Pano mo ba nalaman na nandoon ako sa labas ng kuwarto niyo kanina? Hindi naman ako kumatok ah." nakapikit kong tanong sa kanya. Parang ayaw ng katawan ko na tumayo mula ro'n sa higaan na 'yon.

"Huwag mo nga ibalik sa akin ang tanong Enderson."

"Argh fine, hindi ako makatulog sa dorm room ko kasi ang ingay ng pag iiyak ni Kiara. There I said it, now can you let me sleep?" hindi na siya sumagot.

Nagulat ako nang bigla niya akong binuhat papunta sa gilid ng kama tyaka humiga sa tabi ko.

"What the?! Do'n ka sa couch!" sinipa ko ang likod niya and he frowned.

"Ikaw na nga 'tong nakikitulog ikaw pa ang maarte? Kama ko 'to at kung ayaw mo ako katabi, ikaw ang matulog ro'n sa couch." ganti niya naman. Aish! This guy! Hindi ba uso ang word na gentleman sa kanya?

"Ayaw ko rin matulog sa couch eh!" tinutulak ko siya paalis sa kama pero hindi man lang siya natitinag.

"Ang kulit mo eh!" bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ko at tyaka hinila ako palapit sa kanya. Agad akong natameme kasi ang lapit ng mukha naming dalawa.

"Hrrmm pwede pakihinaan ang lambingan? Pwede parin naman pero pakihinaan lang." antok na boses ni Makki ang narinig naming dalawa. Nagising pala namin siya sa pagtatalo namin. Buti nalang si Carlisle ang himbing ng tulog sa kama niya. Tulog mantika ata siya eh.

"Shut up Makki"

Sabay pa kaming dalawa tyaka tumawa lang ng mahina si Makki. Masama ko lang  tinignan si Lucian at tumalikod mula sa kanya. Tsk, bahala siya riyan, malikot ako matulog. Naramdaman ko rin na tumalikod siya mula sa'kin. Buti nalang alam niya ang salitang 'space'. Pinulupot ko ang sarili ko sa malambot niyang kumot.

My Guardian Devil (On-Going)Where stories live. Discover now