Chapter 4: Friends?

33 5 4
                                    

"Trie? 'wag ka nalang kaya muna pumasok?" Kiara suggested while I was still lying on my bed in pain. Kung masakit ang katawan ko kahapon, mas sumakit pa nga ngayon. Feeling ko pa mga nilalagnat ako. My teeth were chattering hapang nakapulupot ako sa kumot kasi ang taas ng lagnat ko.

"Iiwan ko nalang ang gamot mo dito sa table ha? Ang taas ng lagnat mo Trie. Kapag hindi pa 'yan bumaba mamaya, dadalhin ka na namin sa Clinic ha?" Anika said tyaka sila lumabas sa room. Kanina pa kasi sila nag-insist na dalhin ako sa clinic pero wala naman silang magagawa kasi ayaw ko. I really don't like the atmospheres of hospitals or clinics.

Nakahiga lang ako sa kama ko. Tinignan ko ang katawan ko at puno nga ito ng mga pasa. Hintayin lang talaga nila na gumaling 'to, hindi ako magdadalwang isip na basagin ang mga pagmumukha nila. Tapos 'yong Kira na 'yon? Isa lang palang malaking duwag. Kaya lang pala malakas kasi maraming kasama. Typical bitches. Hindi ako magpapatalo kahit ako lang mag-isa, basta alam ko sa sarili ko na kaya ko kahit walang kasama.

Queens will always be badder than Bitches.

Matutulog na sana ako ulit nang narinig ko na bumukas ang pinto. Akala ko may klase sila? Bakit kaya sila bumalik.

"How are you doing?" nanlaki ang mga mata ko pagka kita kung sino 'yon. It's him. The guy that carried me last night.

Teka? Ano ba ang ginagawa niya rito? At pano siya nakapasok sa kuwarto ko? Diba bawal ang mga lalaki dito sa ladies dorm? Hays, sabagay. Pumasok na naman siya dito kagabi, at mukhang wala naman silang sinusunod na rules.

"Well, I'm alive." my teeth were still chattering. Parang napansin niya naman 'yon at lumapit sakin. Umupo siya sa kama ko at hinawakan ang leeg at noo ko.

"You're boiling hot Trinity!" I was surprised to see concern cross his face. Just like what I saw last night.

Kahit nanghihina ako, tinuro ko ang lamesa kung nasaan ang gamot ko. Dali dali naman niya kinuha ito at tyaka 'yong isang bottled water.

"Bumangon ka muna."

I tried to lift up my body pero at my state, damn ang sakit gumalaw. Nagulat naman ako nang hinawakan ni Carlisle ang likod ko at pinabangon ako. Grabe ang lakas niya. Inabot niya sa'kin ang gamot at ininom ko 'yon. May kinuha siya na isang maliit na planggana na may tubig at towel, tyaka siya umupo ulit sa tabi ko.

Kung nagulat ako sa ginawa niya kanina, mas nagulat ako nang pinahiga niya ako sa mga hita niya. Dala dala niya tuloy ako na parang baby na karga ng tatay niya. Nakatingala lang ako sa mukha niya habang pinupunasan niya ang mukha ko ng medyo basa na towel. Pinagmasdan ko ang guwapo niyang mukha at ang brown niyang mga mata na parang tinatawag ka.

"Why are you doing this?" hindi ko tuloy napigilan mag tanong.

"Doing what? Taking care of you?" he answered sarcastically.

"I mean yeah? Shouldn't you be out there doing your gangster shit or something?" bigla naman siyang natawa sa sinabi ko. Ano naman ang nakakatawa ro'n? Totoo naman eh.

"I may be a bad boy, pero hindi ibig sabihin no'n na hindi na ako gentleman." may pakindat kindat pa siyang nalalaman after sabihin ito.

Sabagay, tinulungan niya nga ako kagabi. Binuhat pa niya ako kahit ang bigat ko, at nag abala pa siya na pumunta rito para kumustahin ako. Wala naman sigurong salbahe na gagawa no'n.

"Besides, we're friends now aren't we?"

Natigilan ako sa tanong niya. Friends? Well, it's the least I can do to repay him. Parang napapansin ko ata na napaka-friendly ng mga tao dito. Sila Kianna gusto rin ako maging kaibigan, the same with kina Makki. Should I really add a gang leader to my friends list?

My Guardian Devil (On-Going)Where stories live. Discover now