Chapter 27: Death Trap

11 1 10
                                    


Abnormal...

Hindi ko nalang siya pinigilan na umalis. Naiwan tuloy ako dito mag-isa. Naguguluhan parin ako sa mga nangyari sa'kin. Wala akong masyadong naaalala matapos ako tinurukan ng kung ano mang kemikal ng lalaki na naka mask na 'yon.

Was it poison? a virus? Or some liquid that can turn me into a Zombie? Char ang OA naman. Pero hindi ko parin maiwasan isipin kung ano mang likido ang nananalaytay sa katawan ko ngayon.

Naglakad nalang ako pabalik ng dorm.

"Trinity?"

Lumingon ako sa tumawag sa'kin. I saw Carlisle in a distance at parang hindi siya makapaniwala na nakikita niya ako.

"Ikaw nga!" he exclaimed and ran towards me. Nakatayo lang ako ro'n not knowing how to respond. Niyakap niya ako ng mahigpit na tipong hindi na ako maka hinga. Halatang nag-alala siya sa'kin.

"Thank goodness you're back! Hindi mo alam kung gaano mo ako pinag alala!" sabi pa niya habang nakayakap parin sa'kin. Hindi ako nagsasalita, hindi ko naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. "Are you okay? Are you hurt?!" kumawala siya sa yakan na 'yon at tinignan ang katawan ko.

"I almost dies Carlisle, how am I okay?"

Nagulat ako nang nawala ang pag-aalala sa mukha niya at napalitan ito ng galit. Nakikita ko ulit ang nakakatakot na side ni Carlisle. Para bang may maitim na aura na bumabalot sa kanya.

"I knew it, Lucian hurt you! He's going to pay for this! I'm going to rip his fucking head off!"

Tumalikod siya mula sa'kin at nataranta ako sa sinabi niya. Niyakap ko siya para lang mapigilan siya sa kung ano mang balak niyang gawin. At mukhan epektibo naman ito kasi kumalma siya. Ayaw ko mapahamak si Carlisle, lalo na nang dahil pa 'yon sa'kin. Being involved with Lucian is dangerous at ayaw ko na pati si Carlisle aya mapahamak pa.

"Don't Carlisle, please. Hindi niya ako sinaktan, in fact, he was the one who saved me. Do you really intend to hurt my rescuer?" hinarap ko siya sa'kin at tinignan niya lang ako. I can see his brown beautiful orbs full of concern. Maya maya lang ay napa bugtong hininga nalang siya tyaka niyakap ako muli.

"Pano mo nga ba nalaman ang nangyari sa'kin?" tanong ko sa kanya.

"I have connections."

"Connections?" nagtataka kong tanong

"I just know, and I also know what happened to that damn cottage!" bumalik ang galit sa mukha niya at ikinuyom niya ang nga kamao niya.

I was so surprised from what I just heard. Cottage? So it was real? The Victorian room and the...

The kiss was real?

"What? No way, it was a dream." I said at tumawa pa ako. I was still denying the fact that totoo ang nangyari sa araw na 'yon. That nightmare cannot be real.

"I saw everything." sabi niya na mas kinagulat ko pa.

"How?!"

"Lucian called me. He told me that he needed help with something. I didn't know what it was but I just drove to the address he sent me. It was the beach house near San Diego shore. Pumasok ako sa cottage at tinawag ko siya pero walang sumagot kaya inikot ko ang cottage. Then I stumbled upon the bedroom. I didn't opened the door but I peeked. And..."

Carlilse stopped talking, parang piniga ang puso ko nang may pinunasan siyang luha mula sa mga mata niya.

"And I saw the most horrific view of my entire life. The woman that I Love was being passionately kissed by another man."

Pinunasan niya ulit ang mga luha niya. Hahawakan ko sana ang kamay niya pero nagsalita siya ulit.

" I was about to leave when I heard a thud, then I saw you blacked out. I was hysterical when I saw you collapsed on the floor. I was going to call an ambulance but Lucian told me not to."

Bakas padin sa mukha niya ang galit at ang sakit na nararamdaman niya. Sobrang naawa na ako kang Carlisle. Bakit ba kasi sa'kin pa siya nagkagusto? At nagagalit din ako sa sarili ko kasi hindi ko maibalik sa kanya ang mga kabutihan na ginagawa niya para sa'kin.

"I'm sorry Carlisle." 'yon lang ang nagawang ibigkas ng bibig ko. Alam ko na hindi matatapatan ng kahit ilang sorry ang nararamdaman niya pero hindi na ako maka isip ng iba pang sasabihin.

"No need to apologize. Alam ko naman simula pa lang na talo na ako."

May kung anong puot sa dibdib ko matapos niya sabihin 'yon at parang ang sama ng pakiramdam ko sa sarili ko. Tinignan ko lang siya na maglakad papalayo sa'kin pero hindi pa siya nakakalayo ay huminto siya at nagsalita pero nakatalikod padin sa'kin.

"Don't get any connection or involvement with him."

"he's a death trap"

My Guardian Devil (On-Going)Where stories live. Discover now