Chapter 12: The Gang Leader's Feelings pt. 2

30 4 23
                                    

The fearsome gang leader is shedding tears for me...

"Carlisle... Sinabi ko na naman sa'yo diba na iba nalang ang gustuhin mo, 'wag nalang ako." humigpit pa lalo ang hawak niya sa'kin at tuluyan na talagang bumagsak ang mga luha niya. Takte, ayaw ko talagang may umiiyak dahil sa'kin eh.

"Kung gano'n lang kadali Trie matagal ko nang ginawa! But this stupid heart of mine only wants you!" nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Mahigpit na mahigpit na yakap.

"Ehem."

"Bullshit." Carlisle cursed nang marinig namin ang isang boses sa likod namin. Binitawan niya ako at pasekreto na hinawi ang mga luha niya tyaka humarap sa nagsalita.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Agad akong tumakbo papunta sa kanya at hinawakan ang mukha niya.

"What the hell happened to you?!" hinawakan ko ang mukha niya na puno ng pasa at sugat. Tinignan niya lang ako na walang emosyon ang mukha.

"Dadalhin kita sa clinic!" sabi ko pa at nag akmang umalis.

"Trie, lunch." tawag ni Carlisle sa'kin. Masama ang tingin niya kang Lucian at gano'n din si Lucian sa kanya. Tension was building up in the atmosphere.

I know na nagseselos siya kapag kasama ko si Lucian pero I can't just leave him like this!

"Pero-"

"Hindi mo ba siya narinig? Dadalhin ako ni Trinny sa clinic, kaya ikaw tsupi!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko at hinila ako ni Lucian palayo ro'n.

I looked back at Carlisle pero likod niya nalang ang nakita ko nang naglakad siya palayo. Huhu, Lucian! Look what you did! Magagalit na naman 'yon sa'kin eh. Hinila lang ako ni --Correction-- kinaladkad niya lang ako papasok ng clinic. Bakit parang ang laki ng ngisi ng mokong na 'to? Parang ang saya saya pa ata niya na puno ng galos ang mukha niya. Abnormal talaga.

"Oh, Lucian what happened?" may lumapit na nurse sa kanya at parang nagpapa-cute pa. Nakababa pa ang butones ng uniporme niya para makita ang cleavage niya, pambihirang nurse 'to, sarap painumin ng alcohol.

"Uhm, wala. I just fell." tsk liar.

"Oh no, mag ingat ka kasi." oh nooo mag ingat ka kasee nye nye nyee. Takte pati boses niya ang pabebe, nakaka inis. Panay yuko pa siya para makita talaga ni Lucian ang hinaharap niya.

"Ganyan ba talaga ang uniform ng nurses dito? 'Yong parang luluwa na ang suso?" hindi ko tuloy napigilan ang bibig ko. Parang nagulat naman ang nurse sa sinabi ko at namula ang mukha niya.

"Uhm, okay na si Lucian rito, he just needs to rest. Maari ka nang makaalis." aba ang kapal ng mukha para ipagtabuyan ako. Paalisin pa nga ako sa clinic? Pasalamat siya authorized personnel siya rito.

Ang laki pa ng ngiti ng nurse na 'yon nang makita akong aalis na sana. Tinignan ko lang siya nang masama at nag akmang lumabas pero may malamig na kamay ang humawak sa wrist ko.

"No. Dito lang siya."

Nakita ko si Lucian hawak hawak ang kamay ko at ang sama nang tingin sa nurse. Parang awkward lang na ngumiti ang nurse pero alam kong disappointed siya na hindi niya maso-solo si Lucian.

Pinagpatuloy lang ng nurse ang ginagawa niya at sa buong oras na 'yong hindi parin binibitawan ni Lucian ang kamay ko. Ano na namang trip ng lalaking 'to? Nakatayo lang ako ro'n na parang tanga, hawak hawak ng isang lalaki ang kamay ko. Sobrang awkward ng sitwasyon at parang umiinit pa ang mukha ko.

"Tara na." biglang nag salita si Lucian matapos gamutin ang mga pasa niya. Hinila niya ako agad palabas sa clinic pero paglabas namin hindi parin niya binibitawan ang kamay ko.

My Guardian Devil (On-Going)Where stories live. Discover now