Chapter 6: Fake Boyfriend

34 4 6
                                    

"Kinain mo ba ang bigay ko kahapon?" lumapit si Carlisle sa'kin hapang nagbe-breakfast kami.

"Yeah, thanks pala." walang emosyon kong sagot. Wala ako sa mood kasi masakit ang ulo ko kanina pa pag gising ko.

"Good, ayaw ko nagugutom ka eh." ang laki naman ng ngiti niya at ginulo pa ang buhok ko. Ugh! Masakit nga ang ulo ko eh tapos ginugulo pa ako!

"Korni mo!" bigla namang nagsalita 'tong si Lucian. Parang ang sama ng tingin niya kang Carlisle. Umaandar na naman ang pagkasuplado niya.

"Eh ano naman? Bawal ba maging sweet sa girlfriend ko?"

"Yah! Lucian! Kadiri ka!" Napasigaw si Makki nang mabugahan siya ng kape ni Lucian matapos 'yon sabihin ni Carlisle.

"GIRLFRIEND?!"

Parang yumanig ang mga boses namin sa buong cafeteria. Napalingon pa tuloy ang ibang kumakain sa'min. Parang sumakit pa lalo ang ulo ko! Kung ano ano kasi ang sinasabi ng lalaki na 'to!

"Angal? Ang OA niyo!"

Walang lumalabas sa bibig ko. Natameme ako bigla. Ano na namang kalokohan ang ginagawa ng lalaking 'to?!

"Girlfriend your face! Maka alis na nga." mula sa pagkagulat, bumalik na ang normal na expression ni Lucian. He's wearing that emotionless face again and he walked away from us.

"Problema no'n?"

"Malay ko. Weirdo rin minsan eh." sagot ni Makki. Pareho lang kami nakatingin kang Lucian na naglalakad palayo. Minsan talaga iniisip ko na may sakit siya sa utak. Kanina lang good mood, tapos isang segundo lang ang lumipas masungit na ulit siya, abnormal talaga.

"Halika, may ibibigay ako sa'yo." hinila naman ako ni Carlisle.

"Saan mo naman dadalhin ang bestfriend ko?" pinigilan siya ni Makki na ang sama agad ng tingin sa kanya.

"I'm kidnapping my girlfriend for breakfast." nakangisi pa niyang sagot kang Makki. Parang kinikilabutan ako everytime simasabi niya ang word na 'girlfriend'. Parang tanga naman silang Kiana at Anika na kinikilig do'n sa kinauupuan nila. Mas ginaganahan pa ata sila kesa sa'kin eh.

Agad akong hinila ni Carlisle palayo ro'n sa kanila at patungo sa table ng mga lalake. OMG no! Ano sa tingin niya ang ginagawa niya?!

"Anong ginagawa niyan rito Lisle?" tanong no'ng isang lalaki. Takte, kinakabahan ako pero hindi ko maiwasan pagmasdan ang mga mukha nila. Ang gu-guwapo kasi nila tapos ang hot pa. But that doesn't change the fact that they are still gangsters and complete assholes.

"Girlfriend ko siya bakit?"

"HA?!"

Parang luluwa ang mga mata nilang lahat. Oh please, gano'n na ba talaga ka imposible na magka boyfriend ako ng guwapo? At teka, bakit ko naman inaangkin na boyfriend ko talaga siya? Baliw na ata ang utak ko.

Kinaladkad ko si Carlisle patungo sa isang sulok ng cafeteria. Nakapamewang pa akong humarap sa kanya.

"Ano sa tingin mo ang pinagkakalat mo Carlisle Gonzales?" mataray kong tanong at nakataas pa ang kilay ko.

"Alin? 'Yong girlfriend kita?"

"Uhm Yeah?! What the hell? Kailan pa kita naging boyfriend?"

"Crush kasi kita" Kumindat pa siya sa'kin. Masama ko lang s'yang tinignan. Nagawa pa talaga niyang magbiro.

"Alam mo, wala ka talagang alam kundi kalokohan at biro. I'm not up to relationships Carlisle, and if I am hindi ako papayag na basta basta mo lang ako angkinin." seryoso kong sabi. After that, his face turned from cheerful to downcast. Wait? Bakit siya malungkot? Akala ko biro lang 'yon.

My Guardian Devil (On-Going)Where stories live. Discover now