Chapter 5: Back Stairs

31 4 7
                                    

Minsan talaga naiisip ko kung bakit pa ako nag-aaral. Palagi nalang kasi ako naki-kick out after mga ilang days lang. Pero ngayon mukhang naniniwala na ako sa milagro.

I lasted three weeks here in Phoenix High.

Sa ngayon naglalakad ako papunta sa after lunch class ko. Nakakatamad talaga ang nga klase sa hapon. Kahit bagong kain ang mga tao parang wala paring nga energy.

Maayos na naman ang lagay ko. Ang mga pasa at sugat ko no'ng binugbog ako ng mga magagaling na alipores ni Kira ay gumaling na. Kaya siguro hindi ako na kick out for the last three weeks kasi hindi ako napapasali sa mga trouble. Ang OA kasi ng mga kaibigan ko, lalo na itong si Makki. Parang lahat ata ng gagawin ko dapat may safety precaution.

Papalapit palang ako sa stairs parang ayaw ko na tumuloy. Ang daming estudyante na nagsisiksikan para maka akyat lang. Ayaw ko talaga sa mga masisikip na lugar at kapag doon ako dumaan malamang bukas pa ako makakarating sa fourth floor, kaya naisipan ko nalang na sa back stairs dumaan. Walang masyado dumadaan don kasi medyo eerie at madilim ang lugar pero I don't really mind. Ghost aren't real anyway... aren't they?

Papaakyat na ako sa stairs at parang tumayo lahat ng balahibo ko nang may narinig akong mga boses. Parang nag-uusap sila. May conversation na pala ang mga multo ngayon? Ayos ah. Habang papalapit na papalapit ako sa third floor, lumalakas naman ang mga boses.

"Hindi ko na kaya itago to Shenen"

Hindi ko itinuloy ang paghakbang papunta sa third floor. Alam ko na ang chismosa ko tignan pero nakinig lang ako. Isinilip ko ang ulo ko at napanganga ako sa nakita ko.

Naghahalikan na pala ang mga multo ngayon?

"Alam mo naman na hindi pwede diba babe? Mauna na ako, baka ma-late ako sa klase ko." sabi no'ng babae at umalis. Nakita ko ang mukha ng lalaki na mukhang nalungkot siya. So this is what he's up to kapang minsan wala siya sa grupo.

Naiwan lang siya ro'n na nakatayo at nakatulala. Tinitignan lang niya ang babae na naglalakad palayo sa kanya.

"Ehem."

Bigla naman siyang namutla pagkakita niya sa'kin. Ano bang meron?

"T-trie! K-anina ka pa riyan?" I can hear panicking in his voice. Parang kinakabahan pa siya at hindi mapakali.

"What's that about Makki?" humarap ako sa kaniya na naka-cross arms.

"Ano bang nakita mo?" hindi parin siya makatingin sa'kin. Kinakamot niya lang ang ulo niya at kungsaan saan tumitingin.

"Don't be stupid Makki, I saw the whole thing. Ano naman kung nakita ko? So what kung may Girlfriend ka? Kinakahiya ba 'yon?"

I saw sadness crossed his face after I said that. What's this? Parang hindi ata siya ang Makki Dela Fuentes na nakilala ko. Hindi ako sanay na malungkot siya, super hyper at makulit kasi siya.

"Hindi kasi pwede eh. Anak siya ng principal at hindi pwede na may makaalam sa relasyon namin. Pag-nahuli kami, surely ililipat siya ng school and I will be punished." Suddenly the sadness on his face turned into an angry expression.

"Sorry, hindi ko naman sinasadya makita. Galit ka ba sa'kin?" tanong ko at napabuntong hininga nalang siya. Mukhang naintindihan naman niya na wala talaga akong kasalanan.

"Hindi ako galit sa'yo Trie. Galit ako sa sarili ko kasi hindi ako naging maingat. Hindi ko inisip na baka may makakita sa'min. I was so careless."

"Huwag kang mag-alala Makki. Wala naman akong pagsasabihan." parang lumiwanag naman ang mukha niya. Parang natanggalan siya ng tinik sa lalamunan.

"Talaga?" Nag-puppy eyes pa siya sa'kin.

"Oo nga. At isa pa sino naman ang pagsasabihan ko?" nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Shit ang higpit! Hindi ako makahinga!

"Thankyou Trie! Kaya bestfriend kita eh!"

Teka, ano raw?

"Bestfriend?"

"Oo! Ouch naman, you don't consider me the same way? That breaks my heart." nag-pout pa siya at parang nag-iiyak iyakan. Takte para talaga siyang bata.

"Well wala naman akong sinabi na ayaw ko."

"Mula ngayon, BFF na tayo ha?" bumalik na nga ang makulit na Makki. Kanina lang ang emo-emo niya, bipolar lang eh noh?

"Oo na!" bigla naman niya akong inakbayan.

"'Yun on! May babae na akong bestfriend."

"Basta promise mo sa'kin hindi ka na mangungulit sa'kin."

"Hehe inborn na ata 'yon eh. Pero promise babawasan ko."

I just rolled my eyes at tyaka sabay na kami naglakad papunta sa klase namin. Na-late tuloy ako dahil sa drama ng Makki na 'to.

"Uy bakit kayo late?" tanong ni Anika who fortunately saves us some seats. Tumingin ako kang Makki at parang nagmamakaawa ang mga mata niya. Takot talaga siya na sabihin ko ang nakita ko kanina.

"Makki had...." tinignan ko siya ng mapang-asar. Bigna naman siyang namutla. His expression was priceless.

"Makki had diarrhea so I had to take him to the clinic."

"Ah gano'n ba? Okay ka na ba Makki?"  Anika asked Makki. Nagbu-blush pa siya at parang nahihiya pa kapag kinakausap niya sa Makki. Sige mag panggap ka pa Anika, akala mo hindi ko nahahalata na may gusto ka kang Makki.

"Y-yeah." parang nahihiya pa si Makki kasi ka reason ko kung bakit kami na late. Bwahaha! You owe me Makki. Bigla naman siyang lumapit sa tainga ko at bulong.

"What kind of lame-ass reason was that?! At elast make it cooler! Nakakahiya naman ang na LBM ako!"  pagmamaktol ni Makki. Para naman akong tanga dito na nagpipigil humalakhak ng tawa.

I'm a business woman Makki, you owe me for my services. At sa point na 'to pwede kitang asarin kasi may sekreto ka sa'kin haha! Ang bad ko pero ganti ko 'to kasi palagi niya rin ako inaasar.

Matapos ang klase namin dumeretso kami sa cafeteria. Nag-text kasi si Kiana sa'kin na hinihintay nila kami. Pag dating namin ro'n ay nasa table na nga sila. Agad nag-wave si Kiana sa'min, nasa tabi naman niya si Anika, Lucian? As always walang emosyon ang mukha at nagbabasa ng libro. Umupo ako sa bakanteng upuan matapos ko umorder ng pagkain.

"Sure ka ba na magyo-yogurt ka Makki? Diba may LBM ka?" hindi na talaga mahitsura ang mukha ni Makki. Parang nahihiya siya na nagagalit na nagmamakaawa.

"May LBM si Makki?!" ang lakas naman ng tawa ng magaling niyang kaibigan.

"Yah! You wanna die Lucian?!" asar na asar na siya sa'min at namumula pa ang mukha niya. Hindi naman namin napigilan ang pagtatawanan na mas lalong kina-inis niya.

Anong feeling na nagiging center of bullying Makki? Haha!

"Pinapabigay ni Carlisle." may lumapit sa'min na babae. Nakasimangot pa siya habang inaabot sa'kin ang isang paper bag.

"Parang hindi naman ata halata sa mukha mo na ayaw mo ibigay." sabi ni Kiara do'n sa babae. Para kasing gusto niya 'yon itapon kesa ibigay sa'kin.

"Tsk, kung hindi niya lang sinabi na papatayin niya ako kapag hindi ko 'yan binigay itatapon ko talaga 'yan noh!" sabi ko na nga ba. Nagdabog naman siya paalis sa harap namin at nilagay ang paper bag sa lamesa. Ano na naman ang kalohohan nitong si Carlisle?

Hindi ko pa nga nahahawakan ang paper bag hinatak na agad 'yon ng magaling na lalaki sa tabi ko.

"Ang sweet naman ata ng mokong na 'yon. May pina letter-letter pa na 'Huwag ka pagutom ha?' ang landi pota."

"Akin na nga 'yan Lucian!" inagaw ko agad sa kanya ang paper bag para tignan kung gaano ka totoo ang sinabi niya. Sa loob no'n ay mag isang  cranberry juice at pepperoni pizza, at isang letter.

'Kainin mo 'yan ha? Huwag kang pagutom.'

Yah! Carlisle Gonzales, anong trip mo?!

My Guardian Devil (On-Going)Where stories live. Discover now