Chapter 1: Phoenix High

47 4 9
                                    

Iniwan na ako ni dad roon. The guy that greeted us kanina showed me my dorm room. Pag pasok ko ro'n may nakita akong dalawang babae. Looks like they are my room mates.

Ipinaubaya na ako ng principal sa kanila. Pumasok ako sa kuwarto at inilapag ang mga gamit ko sa bakanteng kama.

"Hi room mate! I'm Kiara." binati ako nang isang babae kanina. Maganda siya tapos ang laki ng hinaharap niya. Nakakaliit tuloy tong sa akin. Mukhang ang cheerful pa niya.

"I'm Trinity. Trinity Enderson."

"Wow ang ganda ng name." pumapalakpak pa siya. Para siyang bata kung tawaging isang senior student. "That's Anika over there." at tyaka niya itinuro ang babae na nagbabasa ng libro. Hindi niya ata kami napansin kasi naka earphones siya.

Honestly wala ako sa mood makipag kaibigan. Alam ko naman na hindi din ako magtatagal rito. The same shit happens, I make friends, mapapamahal sila sa'kin, tapos may magagawa akong kalokohan, maki-kick out ako, maiiwan ko sila. Kaya nga ayaw ko ma-attach masyado.

"Oh hi! Are you the new girl?" mukhang napansin na rin kami ng babae na naka-earphones kanina. Maganda din siya, pero 'yong nerdy na dating. Hindi katulad kang Kiana na pang ramp model.

"Yes." tipid kong sagot. Obvious naman diba?

"So what school are you from? At bakit ka nag-transfer?"

Ang dami naman ata nilang tanong. Pulis ba sila?

"I'm from Lexington." Walang emosyon kong sagot. Sasagutin ko na nga lang sila para matapos na 'to. Baka wala pa akong isang oras dito maki-kick out na naman ako pag sasapakin ko 'to.

"Wow, you're from a prestigious school! Siguro mayaman ka. Bakit mo naman naisipan lumipat dito? Gulo lang naman ang marami dito." sabi ni Kiara. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. So totoo pala ang mga naririnig ko sa school na 'to?  Trouble? Sounds Fun.

"Trouble is my middle name. At tyaka hindi ako lumipat, na kick out lang talaga ako do'n" walang emosyon na sabi ulit. Hindi ba nila nahahalata na ayaw ko ng kausap?

"Bakit naman?" ugh! Daming tanong!

"For kicking the asses of annoying students." makahulugan ko talagang sabi at matalim lang silang tinignan. Napatawa sila ng mahina, halatang na-awkward sila sa sagot ko.

"Sama ka sa'min Trinity, sabay tayo mag lunch." aya sa'kin ni Anika. Tumango nalang ako, gutom na rin kasi ako eh. Sana masarap ang mga pagkain nila dito.

Naglakad kami papunta sa isang two floor building. Makikita mo mula sa labas ang mga tables at students na nasa loob kasi mostly glass ang walls do'n. Looks like this school have fine taste when in comes to architecture. Pumasok kami ro'n at bumungad sa'kin ang mga pagkain. Mukhang masarap nga ang pagkain dito. Nag-order ako ng lasagna tyaka chocolate cake. Hindi naman ako nabigo sa lasa, it's so damn good.

Suddenly my jaw dropped when a group of men entered the cafeteria. As in 'yong literal na nga-nga. They were intimidatingly gorgeous and so damn hot. Jusko, Trinity kailan ka pa tumingin ng ganyan sa lalaki? Pero hindi ko maiwasan na purihin ang mga mukha nila. Mukhang leader nila 'yong naklalakad sa harapan. Ang angas ng dating nila.

"Girl don't stare at them." natauhan ako sa boses ni Kiara.

"Hindi ah." Eh hindi naman talaga eh. Tumingin lang naman ako.

"Those hotties that just entered are the members of nefarious sovereign. The bloody gangster group that boss everyone around."

So may gano'n pala dito? Well, hindi naman ako masyado na-shock. This is the school of trouble after all. Expected na ang mga barumbado na mga estudyante dito, pero hindi ko naman inaakala na ganito ka mga guwapo ang mga lalaki dito.

"That guy with black hair na nalalakad sa unahan nila, that's Carlisle(KAR-LAYL) Gonzales. Siya 'yong leader nila. Obvious naman sa mga pagmumukha nila na sila ang mga crush ng bayad dito, lalo na si Carlisle." Sabi pa ni Kiara.

Maya-maya lang ay lumapit ang isa sa kanila sa table namin. Guwapo siya na may brown na buhok.

"Hi Kiara! Missed me baby?" Sabi no'ng lalaki at inakbayan niya si Kiara. Boyfriend niya kaya 'to? Or nang-aasar lang? Pero nakita ko si Kiara na namula, nag bu-blush nga siya.

"Azrael, I told you to keep quiet." nahihiya pa siya.

"Bakit baby? Kinakahiya mo ba ako?" nag pout pa 'yong Azrael na parang nagpa-pacute kang Kiara. Oh sge edi sila na may jowa.

"Yah! Of course not! Kasi naman eh, baka magalit na naman ang fangirls mo sa'kin." no'ng sinabi to ni Kiara napatingin siya sa kabilang table na may grupo ng mga babae.

From the looks of them, I think they are the school bitches. You know, the ones that acts like queen bees? Lahat pala ng school required na may ganong grupo?

"Tsk, subukan lang nila. Ako na talaga makakalaban nila." maangas na sabi no'ng Azrael. Pati pala lalaki dito pumapatol sa babae?

"Azrael!" napalingon kami sa tumawag at nakita namin na tinatawag na siya ng leader nila. Nagpaalam na siya sa girlfriend niya at umalis.

"Edi ikaw na mahaba ang hair." Inasar naman siya ni Anika. Namula na naman ulit si Kiara.

Ako naman dito tahimik lang na kumakain at nagmamasid sa paligid. I'm still new to the place kaya dapat hindi ako magpadalos-dalos sa mga kilos ko. Habang nililibot ko ang pangin ko sa lugar, may nakita akong isang lalaki na naka upo lang mag-isa at nagbabasa ng libro. He stood out from anyone I just saw earlier. Kahit ang layo niya sa'kin kitang kita ko ang mukha niya. Ang guwapo niya, blonde ang buhok and ang blue ng mga mata niya.

"Who's that over there?" nagulat ako nang kusa nagtanong ang bibig ko. Baka sabihin nila na may crush ako riyan sa lalaki na 'yan.

"He's fucking gorgeous right? He's the mysterious guy. I can't even remember the last time he spoke to anyone except his friend Makki." hindi ko mapigilan ang pagtitig sa kanya. Para kasing may kakaiba sa kanya. Yah! I don't like him, may kakaiba lang talaga sa aura niya.

"Don't even think about it. None of the girls here catches his interest." Bigla akong natauhan sa boses ni Kiara.

"Wala naman akong plano. Tyaka I don't really like boys."

"Why? May gender crisis ka ba?!" Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Anika. Hindi ba pwedeng hindi ko lang talaga trip ang lalaki? Hindi naman ibig-sabihin no'n babae na ang gusto ko!

"Ano ka ba Anika! Sa ganda ba namang 'yan ni Trinity mukha pa siyang tomboy?"

"Malay mo naman diba?"

"Lady Kira wants to speak with the new girl."

Lumingon ako agad sa nagsalita. Naka cheerleader outfit siya at parang nakita ko siya kanina sa table ng mga babae ro'n. Was she refering to me? At sino naman 'yang Kira na 'yan? Hindi ata maganda ang kutob ko rito.

"Tell my dear sister to leave her alone Spinel." sumbat ni Kiara. So the Kira girl is her sister?

"Oh, but we're not asking a favor. It was an order." Tinaasan pa niya ng kilay si Kiana. Wow mukhang hindi lang ako ang nag-iisang maldita dito. Tumayo nalang ako para wala na siyang maraming sinasabi.

"Trinity hindi mo kailangan gawin 'yan." may nakita akong pag-aalala sa mukha ni Kiara. Ano naman ang meron? Eh mag-uusap lang naman kami.

"Kaya ko na 'to." sabi ko at sumunod ro'n sa babae kanina. Habang papalapit na papalapit kami sa table nila, dinig na dinig ko ang mga tawa ng nga babae ro'n, grabe parang mga witch.

"Ito na siya Kira."

May tumayo isang babae. Hindi naman siya kagandahan pero ang ganda ng hubog ng katawan. Hawig nga sila ni Kiana pero maganda si Kiana. Takatayo lang ako ro'n na walang emosyon habang tinitignan aiya na naglalakad palapit sa'kin. Akala ko kung ano ang sasabihin niya pero nagulat ako nang...

Sinampal niya ako.

"Welcome to Phoenix High."

My Guardian Devil (On-Going)Where stories live. Discover now