02 Lola Milagros

160 51 125
                                    

Lemery, Iloilo, 2012

Tiningala ng batang si Amalia ang lumang mansyon sa harap. She always does that everytime na papasok siya sa kanilang ancestral house.

Gawa sa marmol na puti ang malaking bahay ngunit may bahid na ng itim ang ibang parte dahil nasunog ito noon at ipinaayos lang muli ng pamilya Alejandrino dahil sa sentimental value.

Puno ng mga nag gagandahang bulaklak ang paligid kaya nagiging masigla tingnan ang mansyon. Ang lumang fountain sa gitna, bagaman hindi na gumagana ay nakakadagdag pa rin sa ganda ng paligid. May malaking veranda sa ikalawang palapag na siguradong tanaw ang buong paligid kapag nandoon ka sa taas.

Kagagaling lang nila ngayon sa mansyon ng mga Santocildes dahil isinama siya ng kaniyang Lola Milagros para bisitahin ang kaibigan nito. “Isama natin si Amilo next time, Lola.” nakangiting saad ni Amalia habang papasok sila sa mansyon.

“Yes apo. Thelma will surely love him.” pi-nat nito ang ulo ng bata.

“Ano ba Maya?!” sabay silang napatingin sa ikalawang palapag ng bahay nang marinig nila ang sigaw ng daddy ni Amalia.

“Gusto mo magkaon apo?” tanong ni Milagros sa apo gamit ang wikang bisaya at pasimpleng tinakpan ang tainga ng bata. (Gusto mong kumain apo?)

Tumango naman si Amalia at iginiya na siya ng lola sa kusina para hindi na nito marinig ang away ng daddy at mommy niya. Nakasalubong naman nila ang kaniyang Lolo Riguel sa daan kaya sinenyasan ito ni Milagros na patahimikin ang mag-asawa sa taas.

Kumuha agad si Milagros ng mangkok na may lamang arroz caldo para sa kaniyang apo. Ngumiti naman sa kaniya si Amalia. “Lola, can you now continue your story?” Kumunot naman ang noo ni Milagros, naguguluhan. “That princess story you told me last summer, Lola. You didn’t finish it.” sabi ni Amalia habang sunod-sunod na sumubo.

Every summer lang kasi nagbabakasyon ang apo nila sa Lemery dahil sa Maynila na ito nakatira kasama ang mga magulang.

Napangiti naman ang matanda ngunit mababakas ang lungkot dito. “Oh, that story.”

Tumango ang bata. “I really liked it and I wondered why you stopped.”

Tumawa ng mapait si Milagros. “That is different from your other princess stories, Amalia.”

“Why?”

“It’s not a fairytale.”

Kumunot naman ang noo ng apo. “Why?”

“Because if it is, it should be a happy ending.”

Tumagilid ang ulo ng bata, nagpapahiwatig na hindi nito naintindihan.

“The princess and the prince didn’t end up together. There was no ‘happily ever after’ in the end of their story.”

“Why?”

“Just because.” ngumiti ulit si Milagros at ginulo ang buhok ng bata.

Ngumuso na lang si Amalia at inubos na ang kinakain bago nito hinugasan ang pinagkainan. “I know that you are the princess in your story, Lola.” nilingon nito ang matanda bago ibinalik ang mangkok sa lalagyan. “And I think Lolo Riguel isn’t the prince.”

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now