📷 22: Surprise!

70 26 21
                                    

AMALIA

Namangha ako pagkapasok ko sa mansyon ng mga Alejandrino---mansyon namin pala.  Ibang iba kasi ang atmosphere ngayon dito. Everything looks so high-class and fancy. Mahilig pala si Lola Milalyn sa mga mamahaling bagay.

Idagdag mo narin ang presensya ng mga makakapangyarihang tao na invited ngayon dahil birthday ni Mayor Alejandrino. All my life hindi ko inexpect na mapunta sa sitwasyong ito. To be able to go back. To live the life of the past. To experience the things which already happened a long time ago.

Hinanap ko mula sa dagat ng mga tao si Mila pero wala siya. Naghahanda siguro ng todo. Dumiretso nalang ako ng island counter para ipagsalin ng wine ang sarili.

I wore a dark blue thin-strapped formal gown na hapit sa katawan. Di na ako masyadong nag effort pa and I just donned my hair into a half ponytail finished with a light make up.

Pinaglaruan ko nalang ang mahabang buhok ko habang sumisimsim sa wine, pinapanood ang mga taong nagsasaya

Nakailang salin pa ako ng wine pero hindi parin mawalawala ang kaba sa sistema ko--well hindi ko naman talaga alam kung para saan ako kinakabahan. Baka sa lahat. Kinakabahan ako para sa lahat ng pwedeng mangyari.

"Hindi ko alam na lasengera ka na pala ngayon." nagulat ako nang may nagsalita malapit sa tenga ko.

Startled,I nearly jumped away from him but my fast reflexes prevented me from doing so. I stayed where I was without flinching at nakuha pang umirap.

Kinuha ni Marco ang brandy mula sa lalagyan ng mga alak at nagsalin sa shot glass niya. Umalingasaw kaagad ang matapang nitong amoy. "Enjoying?"

"Kanina." I shrugged. "Ngayon hindi na." sabi ko nang hindi tinatapunan ng tingin ang kausap.

From my peripheral view, nakita kong pinatong niya ang siko sa counter, bahagyang humarap sa akin habang pinaglaruan ang pang-ibabang labi. "Do you have a thing with Riguel?" doon na niya tuluyang nakuha ang atensyon ko.

Mabilis akong lumingon sa kaniya habang nanlalaki pa ang mga mata. "That's disgusting." nanginig ako. "Ew."

"What? He's a good man." pagpapatuloy ni Marco.

"Of course he is. But...but he's...Riguel." my grandfather. Hindi ko na alam kung paano i-eexplain ang impossibility ng sinasabi niya. "Basta wala. He's a family."

Pailing-iling kong tinungga ang natitirang wine at bumalik nalang sa panonood ng mga tao. Ilang minuto ang lumipas at napansin kong nandoon parin si Marco at nagsasalin pa ng brandy niya for the nth time. Bat nandito parin to?

"You can take that drink with you." tinuro ko ang hawak niyang baso. Sinusubukan siyang paalisin without being harsh.

"I may need another glass later." he shrugged at inistraight ang alak niya.

Napairap ako. Totally losing the urge to be nice. "Then take the entire bottle with you." umismid ako at iminuwestra ang buong bote ng brandy niya.

He lightly chuckled. Itinusok niya ang dila sa pisnge, pinipigilan ang tawa. "But I need company." he teased. His eyes glinted with playfulness.

"Pwes ako hindi." nilapag ko ang wine glass sa counter kaya lumikha ito ng tunog. "I was here first. Alis!" pagtataboy ko.

He licked his lips before biting the bottom one. "Make me." ngumisi siya na siyang nagpairap sa akin. Umusog ako ng konti at hindi na pinansin pa ang katabi.

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now