📷 11: Thelma and Isidro

91 38 20
                                    

AMALIA

Mabilis na lumipas ang oras at abala na kami ngayon sa pag-aasikaso ng mga bisita. I can say na medyo challenging para sa akin na makisama sa mga tao rito kasi I can't speak bisaya that well kaya nagtatagalog ako kahit bisaya ang gamit ng lahat.

Alang naman na ang mga bisita pa ang mag-aadjust para sa akin? Karamihan kasi sa mga bisita ay mga magsasaka na kaibigan nila Tatang Dante kaya ang iba ay hindi na talaga marunong magtagalog.

"Masinadyahon nga Kasaugan sa inyo Vima."  rinig kong bati ng isang Ale na kararating lang.

"Kain lang po kayo." nakangiting sabi ko sa mga matatandang naka-upo sa mesa at isinerve na ang bagong set ng ulam.

"Abaw kagwapa kanimo nga bahi. Bag-o talang ikaw nakita. Diin ikaw halin?" hinawakan ng isang matandang babae ang aking kamay. Namumuti na ang buhok nito ngunit masigla at malakas parin. (Aba napakaganda mong babae. Bago lang kita nakita rito. Saan ka nanggaling?)

"Kaibigan po ako nina Nanang Vima. Galing pa po ako sa Maynila." banayad akong ngumiti at iniwan na sila para pumunta sa kusina dahil kailangan ko pang iserve ang ibang mga natira.

Hinawi ko ang kurtina ng kusina nila Nanang at muntik ko nang mabitawan ang hawak kong mangkok dahil nabunggo ko si kuya na nakatayo pala sa likod ng manipis na tela. Hinihingal ito at mukhang nagmarathon ng three days, straight, walang pahinga.

"Anong nangyari sa'yo kuya?" lumapit ako sa kaniya at hinimas-himas ang likod niya para tulungan siyang makahinga. Hindi niya ako sinagot kaya ipinagkuha ko na lang siya ng tubig.

Pagkatapos niyang uminom ay sinundan ko siya ng tingin nang sumilip ito sa labas mula sa kurtina. Ipinagsiksikan nito ang sarili sa pader at isinungaw ng konti ang ulo.

Nagtaka ako kung bakit nagkakaganiyan si kuya kaya dala ng kuryosidad, nakisilip na rin ako. Sumilay naman ang ngiti sa mga labi ko nang makita si Thelma na naka-upo sa kawayang upuan. Ina-asikaso ito ni Nanang Vima.

"Ahh si Thelma." mapanukso akong humagikgik at sinundot-sundot ang tagiliran ni kuya kaya binalingan niya ako habang nakabusangot. "Nariyan si Thelma kuya." I said, stating the obvious para mema lang. I don't know how to act with these kind of situations.

Hindi ko naman kasi kinukunsinte ang mga kalandian ng mga 'friends' ko noon. I don't care kung mahimatay man sila diyan sa kilig everytime na nandyan ang mga crush nila. Pero this is different. Gusto kong makita ang developments ng relationship nila kuya at Thelma. Maybe that's because na-attach na ako sa kaniya and I already treat him as family.

"Hindi ako sinabihan ni Nanang na inimbita niya si Thelma." nagdugtong ang mga kilay niya na para bang pinaglihiman siya ng buong mundo.

"Alam ni Nanang?" pang-uusisa ko at iling lang naman ang isinagot niya. Napasinghap ako sa revelation niya dahil kami lang pala ni Tatang ang nakaka-alam. "Ano bang nagustuhan mo sa kaniya kuya?" humalukipkip ako at sumandal sa pader habang nakangisi sa kaniya. Curious ako sa crush life niya.

Pinaningkitan ako ng mata ni kuya at kinurot sa tagiliran. "Tinutukso mo ako." kunwaring pagalit niyang sabi pero ngumiti din naman bago lumipat sa kabilang side ng pintuan (o doorframe. may pintuan, pero walang pinto, kurtina lang ang nagseserve as harang ;>) at doon sumandal.

Sumilip siya muli sa labas at matamis na ngumiti na parang may ina-alala. "Sa totoo lang, hindi ko pa siya nakikita sa malapitan."

Kumunot naman ang noo ko. "Bakit?"

"Tinatanaw ko lang siya palagi mula sa malayo. Kapag nasa bahay nila ako at nagsisibak ng kahoy, lagi siyang naroon sa kanilang balkonahe. Ngunit nitong mga nakaraang buwan, nasa siyudad siya dahil may klase. Umuwi lang ngayon dahil bakasyon. Ilang buwan ko din siyang hindi nakita."

A Voyage Towards the HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon