04 Welcome?

128 47 100
                                    

AMALIA

Maingay na paligid.

Nagsisigawang mga tao.

Kaliwa’t kanang mga boses.

Inimulat ko ang mga mata at nakitang nakatayo parin ako sa gitna. I didn’t die?

Napalingon ako sa likod ko at doon ko nakita ang sasakyan na tumama sa pader ng pamilihan. Dumadami na ang mga nakiki-usyosong mga tao at lumakas narin ang ulan na kanina ay ambon lamang.

I really felt the impact when the car’s body and mine collided. It really felt real. How come na buhay parin ako ngayon?----Not that I want to die, nakakapagtaka lang talaga.

“Inday gusto mo mapatay?”

“Daw alinganga man ni nga bahi ho.”

“Problema lang ina, indi ka maghikog!”

Ilan lamang iyon sa mga naririnig ko ngunit wala naman akong nai-intindihan. Hindi na rin ako makakita ng maayos dahil parang umiikot ang paningin ko.

Hindi ako sigurado kung natamaan ba ako o ano dahil namamanhid ang buong katawan ko at tanging lamig lang galing sa ulan ang nararamdaman ko.

“Dali nadi sa kilid, ineng.”

May narinig akong boses ng babae at naramdaman ko na lang na parang may humihila sa akin.

“Ano ang imo nabatyag?”

Narinig ko ulit ang kaparehong boses ngunit iyon na lang iyon dahil muling nandilim ang aking paningin. It’s turning black again.

..


Puro puti ang bumungad sa akin nang magising ulit ako. Where am I? Did I die?

I tried to sit but my body didn’t let me at nabigla rin siguro ang mga mata ko sa biglaang liwanag kaya sumakit ang mga ito. I just closed them to help ease the pain.

I'll rely on my ears for now. Minutes later, I heared the opening of the door along with the footsteps coming inside. Dad?

“Guwapa man ning bahi nga ni ho.” boses ng isang di pamilyar na lalaki. “Makinis kag maputi.”dagdag pa niya na siyang nagpa-alerto sa akin. I understood what he said, maganda daw ako, makinis at maputi. Am I in trouble?

“Mas guwapa gihapon si Thelma.” rinig kong sabat ng isa pang boses. (Mas maganda parin si Thelma.)

Agad ko namang inimulat ang mata para lang magtaas ng kilay. Iharap niyo sa akin ang Thelmang ‘yan. Napatingin ako ng bahagya sa gilid at nakita ko ang dalawang lalaki na nag-uusap. Sa tingin ko ay nakasuot sila ng mga damit pansaka at may dalawa ring salakot na nakapatong sa mesa.

“Thelma.” tumawa ang sa tingin ko ay mas nakakatandang lalaki. He looks more matured compared to the other one. “Elitista siya, Ising. Dili matabo.” (Malabo.)

Akmang magsasalita pa sana ang lalaking tinawag niyang Ising ngunit muling bumukas ang pinto at pumasok ang isang ginang. Nagtama ang mga paningin namin at nagulat pa ako nang ngumiti siya sa gawi ko. “Bugtaw na gali siya.” (Gising na pala siya.) lumapit siya sa papalapit sa akin at inilapag ang mga dala sa katabing upuan. “Ano ang nabatyag nimo?” (Kamusta na ang pakiramdam mo?)

A Voyage Towards the HorizonOù les histoires vivent. Découvrez maintenant