📷 10: Baboy

99 40 26
                                    

AMALIA

Agad-agad kong hinanap si kuya Ising pagdating ko sa pamilihan. Kinailangan ko pa ngang pumasok sa isang mapanghing eskinita para lang mailigaw si Marco.

I just hate the guy. He is the reason why my grandparents' story didn't became a happy one.

Sa pagkakaalam ko ay bunga ng arranged marriage sina Lolo at Lola para mas mapalawak ang kapangyarihan ng kanilang mga pamilya. But even when Lola Mila is already married, her heart still belongs to another man. What a lucky jerk.

Namataan ko si kuya Ising na nagmamadali sa paglalakad at palinga-linga pa sa paligid. "Kuya!" sigaw ko kaya napalingon siya sa akin dito sa bukana ng eskinita na pinagtataguan ko kanina.

Dali-dali naman siyang tumakbo papalapit. "O Amalia! Bakit ka nadyan? Kanina pa kita hinahanap."

Nawiwirduhan na siguro siya sakin dahil para akong kriminal dito na nagtatago sa mga pulis. "Nagandahan lang ho ako sa eskinitang 'to Kuya." napangiwi na lang ako sa naging rason ko dahil kitang-kita naman na vandalised ang mga dingding at umaalingasaw pa ang mapanghing amoy galing sa mga sulok.

Tumaas ang isang kilay ni kuya at binigyan pa ako ng isang what-are-you-talking-about look. "What?" inosenteng tanong ko. Sinulyapan ko ulit ang mga pader ng eskinita. Actually, walang mga sense ang mga nakadrawing sa pader. "I find beauty in everything kuya." pag-defend ko na lang sa sarili at nilibot ulit ang tingin sa paligid sakaling nasa gilid-gilid lang si Marco.

Hindi ko alam kung bakit niya ako sinusundan papunta rito sa palengke at hindi ko rin alam kung bakit nagtatago ako.

"'Lika na kuya. Alis na tayo." hindi ako mapakali kaya tinulak-tulak ko na ang likod ni kuya para maglakad na siya.

Palinga-linga pa rin naman ako sa paligid. Madami kasing tao rito sa gitna ng palengke kaya nakakabunggo ako ng mga tao minsan. "Hoy. May pinagtataguan ka ba?" hinawakan ako ni kuya sa braso para patigilin sa paglalakad at pinaningkitan ng mga mata.

"Sinusundan kasi ako ng isang baboy kanina." sagot ko ng wala sa sarili.

"Baboy? Bat may baboy?" nagtatakang tanong ni kuya kaya na-realize ko na walang sense ang sinabi ko. Papaano nga ba magkakaroon ng buhay na baboy sa loob ng palengke?

Itinagilid ko ang aking ulo, senyales na nau-ubusan na ako ng idadahilan.

Isa akong future successful lawyer at hindi maaring wala akong masabi sa mga sitwasyong ganito. "Ahh basta may baboy na humabol sa akin kanina." sabi ko na lang sabay shrug at nanguna na sa paglalakad.

Malapit na kami sa labasan ng palengke nang may nakabangga na naman ako ulit. "Sorry." paumanhin ko for the nth time simula kanina.

Pinulot ko ang rosas sa aking paanan, nahulog siguro ito ng nabangga ko.
"Kuya sandali lang." pagpipigil ko kay kuya na nasa harap ko para hindi kami ulit magkahiwalay sa gitna ng dagat ng mga tao.

Ibabalik ko na sana ulit ang pulang rosas sa may-ari ngunit napatigil ang kamay ko sa ere dahil nakita ko ang isang pamilyar na mukha.

"Oppss sorry."mapang-asar na sabi ng babaeng rambutan kanina. Sa pagkakadinig ko ay Roberta ang pangalan niya.

Inilahad nito ang kamay para kunin ang rosas sa kamay ko ngunit hindi niya tinuloy. "Thank you. Pero 'di ko na lang pala kukunin." ngumiti siya sa akin.

Pinagpag niya ang kamay sa harap ko tapos ay nanunuyang binalingan si kuya na tumigil din sa paglalakad. Ngumiti ulit sa akin si Roberta, iyong ngiting panalo. "Kuya mo?" she jerked her thumb towards Ising then she giggled. "Well, sayo na lang yan." nginuso niya ang rosas sa kamay ko. "Madumi na e."

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now