📷 38: Awakened

71 12 3
                                    

AMALIA

Tiningala ko ulit ang mansyon sa aking harapan. Yes, I already woke up. Well matagal na naman talaga akong gising----but only on my mind, that is.

Days after Thelma's visit, naigalaw ko na ang daliri ko successfully. I was happy of course. My family was happy, especially Daddy. Nang madischarge ako sa ospital after a week, inimbitahan agad ako ni Mommy to meet her and her new family.

Pumayag ako not to be in good terms with her but to finally end our ties. I hate her now and that's legit. No more waiting-for-Mom-to-come-back episode.

I've met Diarra and Dani. They look good and healthy----and well-loved. Actually si Dani lang ang half-brother ko because Diarra is a daughter of Tito Franco during his bachelor days. Buti pa nga siya, Mom took over her missing mother. Nagawang palakihin ni Mommy ang anak ng iba tapos yung sarili niyang mga anak iniwan niya. I really really really hate her to the highest peek of the undiscovered mountain.

She wailed when I told her not to see me anymore and just like what I've told her, for me my mother was long dead. She was hurt of course but I don't care. She deserves it.

As for my questions, pinaulanan ko agad ng tanong si Lolo Riguel pagkagising ko. Nagtaka pa nga siya kung paano ko nalaman yung tungkol kina Marco. Sabi ko nalang narinig ko ang usapan nila ni Thelma because I was already conscious that time.

Sabi niya, Marco, Ising and his mother died during the ambush. Alam ko na naman yun pero gusto ko paring kumpirmahin. I got teary-eyed when he said that. Hindi ko lang pinahalata dahil baka magtaka siya.

Their mansion was burned at wala silang naisalbang kahit anong gamit. Iyon pala ang dahilan kung bakit sunog ang mansyon. I almost forgot about that. Inayos lang nilang muli dahil sa mga alaala na dala ng bahay.

And when I asked him who was the mastermind of the ambush I, also got shocked. Sabi ni Lolo Riguel, si Mayor Alejandrino daw ang may pakana. His own father. Ayokong maniwala pero he said that it was to get the sympathy of the people dahil nga balak niyang magpatakbo bilang Gobernador.

Only that, wala sa plano iyong mga pagpatay na naganap. Ang gusto niya lang ay tatakutin sila at papalabasing may mga nagtangka sa buhay nila para maging matunog ang pangalan niya sa mga tao.

And when I asked Lolo Riguel why he didn't pursue politics, he told me, "Magulo ang politika, apo."

I really thought na wala siyang interes sa politika. Maybe the incident change his perspective when it comes to politics. Maybe he wanted to live peacefully with Lola Milagros na nakasurvive din sa nangyaring ambush.

They were married. This time, happily. My mission for rewriting their story was really a success. Daddy was the result of their love. Not just plain sex.

And until now, wala paring nakaka-alam kung sino ang pangalawang boss ng mga naka-itim na lalaki. Iyong nagsabotahe sa plano ni Mayor Alejandrino. Ang nag-utos na sunugin ang mansyon namin. Ang nagpapatay kina Señora Milalyn, Ising at Marco.

Justice wasn't served.

Iyon siguro ang ibig sabihin ni Lola Milagros sa likod ng litrato.

And now that she's dead, wala parin ang hustisya na hinahanap niya. Ako ang magpapatuloy.

Justice will be served. I promise.




Sumama ako rito kay Lolo Riguel sa Lemery nang umuwi siya. Dad was hesitant at first dahil kailangan ko pa raw magpahinga but I said na sobra sobra na ang pahinga ko. I was in bed for three freaking months. Sumuko rin siya sakin when I bugged him non-stop.

Sa kwarto agad ako nila Lolo dumiretso. Naunahan ko pa siya sa pagpasok at agad iyong ini-lock. "Amalia apo! Kwarto ko iyan!" I heard him knocking from the other side of the door, natawa nalang ako. I'm sorry Lolo, later ka na.

I miss our banters when he was young. Sayang nga lang at hindi na siya ganoon ka pilyo ngayong may edad na siya. Aging really does change people.

Agad kong hinanap ang picture sa pinaka-ilalim na drawer. I saw it again but now it's a different one. Sunog ang ibabang parte nito, kinain ng apoy ang mga paa sa litrato at kalahating katawan nalang ang kita.

This is familar. Ito ang kopya ko ng litrato namin. It took over Mila's burned picture.

I need to prove them that they are wrong. Magkikita-kita pa kami ulit, magkakasama sa ikalawang pagkakataon at mamumuhay ng mahaba at masaya.

Mali kayo. I spoke to the picture.

Hindi ko kayo nakasalubong sa daan upang sa dulo ng kalsada, ako ay liliko sa kaliwa at kayo naman ay sa kanan.

Hindi tayo bumuo ng kwento upang sa pinakahuling tuldok ng pangungusap, ang karugtong ay alingawngaw ng katahimikan.

Hindi ko man hawak ang bukas, ngunit manalig sana kayo sa aking pangako na ilang ulit kong pipiliin na mabuhay at pumanaw upang patunayan sa inyong mali kayo.

Hindi ako bumati sa simula upang sa huli ay magpaalam.

Mahigpit kong niyakap ang litratong nagpapatunay na ang lahat ng iyon ay hindi panaginip.

Pamilyar ang gabing ito. Pamilyar ang mga halakhak, mga ngiti at alaala. Damang-dama ko dahil alam kong naranasan ko mismo.

Ngunit alam kong kasabay ng pagkawala ng sarili ko dito sa litrato, tinangay din nito ang mga alaala ko sa mga isipan niyo.

Pero wala akong pinagsisisihan.

Naniniwala akong magtatagpo muli ang ating mga landas sa ikalawang pagkakataon.

Kung hindi man, pipilitin ko paring mangyari iyon.

Hanggang sa muli.

===========================
ohhhhh! End is near HAHAHAHAHHAHA. Epilogue coming right up!

mwa.

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now