📷 17: The Sanchez Family

86 31 22
                                    

AMALIA

Agad kong niyakap si Mila pagkakita ko sa kaniya. Dalawang araw ko rin siyang pinagtaguan, mahirap 'yon kaya pinagmasdan ko siyang mabuti. Nakasuot siya ngayon ng isang yellow gown. Filipiñana style at may sequins sa upper part. "I missed you Amalia!"

"Sorry. Naging busy kasi ako these days." a lie. Sorry kung hindi ako nagpakita sayo. And now that I have already decided, I want to say sorry again because I'm choosing Lolo. This is for your own good and happiness din naman. Para maging masaya ang buhay mag-asawa niyo.

"A! You look ravishing!" nakawala ako sa pagmumuni-muni ko nang bumeso sa akin si Thelma.

"You're drop-dead gorgeous T!" papuri ko din sa kaniya. She is indeed pretty tonight. Nakasuot siya ng heart-shaped tube gown na dark blue at hapit na hapit sa katawan. Sayang at wala dito si Ising. Di kasi siya pinayagan ni Nanang dahil may lagnat. Nasobrahan sa pagtatrabaho. TT.

Tumawa si Thelma at binalingan din si Mila. "You're stunning, lady." kumindat siya dito at nahihiyang ngumiti naman si Mila sa kaniya bilang sagot. "Do'n tayo. Magsisimula na ang party." hinatak kami bigla ni Thelma papunta sa harap ng grand staircase.

"May I get your attention please." napatingin ang lahat ng tao sa lalaking nagsalita. Nasa bukana ito ng hagdan. "Everyone, may I present the pride of the whole Iloilo province in the field of medicine, the Sanchez family!"

Agad namang napuno ng palakpakan ang buong mansyon. Unang bumaba ang isang batang lalaki na nasa kinse anyos na siguro. Pangiti-ngiti ito habang kumakaway sa mga tao. Politiko 'ata at hindi doktor.

Sumunod naman ay si Marco na kumakaway din at kumikindat pa sa mga babae kaya napatili ang mga kiti-kiti.

Umirap na lang ako sa ere. Babaero ang gago. Napatingin ako sa gawi ni Mila at kumunot ang noo ko dahil na nastar-struck 'ata siya ulit kay Marco. Sinagi ko siya gamit ang siko ko. "Ew Mila. You're drooling." pag-eexagerate ko pa.

Awkward naman siyang ngumiti sa akin dahil nahuli ko siyang tinititigan ang 'crush' niya. Umiling-iling na lang ako at napabaling ulit sa grand staircase. Bumababa rito ang isang magandang babae na sa tantya ko ay nasa late 20s na.

"That's Leondra. I really admire her beauty and her brain ngunit may balak 'atang tumandang dalaga." tumawa si Thelma at kumuha ng inumin sa dumaan na serbidor.

Binigyan niya kaming dalawa. Agad ko itong tinanggap at ini-straight ang laman habang ang dakilang dalagang Pilipina na kasama namin ay tumanggi. "I don't drink." Mila made a 'no' hand gesture.

"Come on Mila. You're eighteen! Live a life M!" pagpipilit ni Thelma na sinuportahan ko naman ng tango. Walang nagawa si Mila kun'di ang tanggapin ito dahil sa peer pressure.

Tumawa kami ni Thelma nang kumunot ang buong pagmumukha ni Mila dahil sa pait ng inumin. Brandy ba naman ang lagukin niya? Pangiti-ngiti lang sa kaniya si Thelma habang umiling-iling naman ako. Bad influence kami.

"And the couple celebrating their 25th Anniversary. Dr. Alfredo Sanchez and Dra. Melma Sanchez." nagpalakpakan ulit ang mga tao. Tumigil sa gitna ang mag-asawa at halatang-halata sa tindig nilang dalawa na may sinasabi sila sa buhay.

"Maraming salamat sa pagpunta..." nagspeech pa ng kaunti ang lalaki ngunit hindi ko na pinakinggan dahil nag-chikahan kaming tatlo. Walang araw na hindi bumubuka ang bibig ni Thelma. "Enjoy the party! Maestro!" kinumpas niya ang kamay at nagsimula na kaagad ang tugtugan.

Masayang kumain ang mga tao at umalis naman ako sandali sa table namin para kumuha ng inumin.

"Look, the bitch is wearing my signature color." bigla na lang sumulpot si Roberta sa harap ko. 'Yong totoo? Rambutan ba siya o kabute?

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now