📷 21: Broke

71 29 19
                                    

AMALIA

Ipinikit ko ng mabuti ang mga mata at ini-untog untog ang ulo sa mesa. Bakit ba kasi ganon ang sinabi ni Ising? Gosh! What have I done?!

Hindi siya pwedeng maligaw ng landas at magkagusto sa ibang babae. Lalong lalo na sa akin! Paano nalang si Thelma? Kasal silang dalawa sa hinaharap kaya hindi ito maari. Pakiramdam ko tuloy isa akong kerida na nang-agaw ng asawa. Ew!

"Ow!" napahawak ako sa noo ko dahil napalakas yata ang pagkakaumpog ko dahilan ng pagka-alala ko sa nangyari kanina.

"Palangga taka. Mahal kita. I love you."

W-hat did he just say? Napakurap ako ng ilang beses bago humalakhak."Nice joke Ising. Woohhh!"  pumalakpak pa ako para mas masaya.

"But I'm serious. Mahal kita Amalia."  seryoso niyang sabi kaya napatingin ako ulit sa kaniya. Ni hindi man lang siya kumurap.

Narealize ko na baka hindi talaga siya nagjojoke. Napahawak ako sa bibig ko. "Pero bakit--"

"Kelangan bang may rason?" He cut me off.

"Pano si Thelma? Akala ko..."  naguguluhan kong tanong at nagsimula nang manginig ang mga kamay. Gusto ko nalang tumakbo papalayo at hindi na babalik kailanman.

"Simpleng paghanga lamang ang nararamdaman ko para kay Thelma. But this one for you? It's different Amalia." I can see sincerity in his eyes. Gosh this can't be.

"Mahal mo ako? Agad-agad? Ambilis naman ata?" kinagat kagat ko ang mga kuko.

"Don't question my love for you young lady." kumunot ang noo niya. Para siyang isang strict professor na sabik na sabik mambagsak ng estudyante.

Agad naman nanlaki ang mga mata ko. Dahil ba ito sa pagtuturo ko sa kaniya? Sa pangenge-alam ko? Alam ko namang magkakatuluyan sina Thelma at Ising sa hinaharap pero umeksena parin ako! Nagulo ang mga pangyayari!

Very wrong Amalia!

Bigla akong lumundag pababa kaya nagulat si Ising at napahakbang papalayo. "This is TMI! I can not! Gosh!" pinaypayan ko ang sarili habang naglalakad paalis.

"Amalia!" rinig ko ang tawag ni Ising at ang mga yabag niyang humahabol kaya kumaripas na ako ng takbo papunta sa sasakyan.

I stopped thinking when I heard a knock coming from my front door. Tinitigan ko lang ito, walang balak na buksan dahil baka si Ising ang nasa labas.

Lumipas ang limang minuto at nandon parin ang kumakatok kaya sumilip na ako sa bintana pero hindi ko makita. Sinipat ko nalang ang tao sa labas sa ilalim ng pinto pero itim na sapatos lang ang nakita ko.

"Amalia?" napatalon ako mula sa pagkakadapa dahil sa boses ni Riguel. Siya lang pala.

I opened the door, revealing my young grandfather. "Ang tagal mo naman." reklamo niya at pumasok na sa loob. Prente siyang umupo sa sofa na parang siya ang may-ari. "Upo ka." he gestured towards the empty seats. Baliktad ata?

Inirapan ko muna siya bago sinara ang pinto. "What's up?" tanong ko at dumiretso sa kusina para kumuha ng juice.

"Wow. Nakalimutan mo na? E ikaw tong nagsabi na magtapat ako." pabirong umirap si Riguel ngunit may halong sarkasmo ang tono.

A Voyage Towards the HorizonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora