06 Trespassing My Own Property

111 46 82
                                    

AMALIA

La Maria, 1969

Pinagamit na muna sa akin ni Aling Vima ang kwarto ni Isidro habang nandito ako sa kanila, at sa papag na lang daw muna sa salas matutulog ang anak nilang si Ising. Nakakahiya.

“Pagpasensyahan mo na ang bahay namin, ineng. Alam mo namang kapos kami sa pera.” sabi sa akin ni Aling Vima habang nilalatag ang banig dito sa loob.

Parang kinurot naman ang puso ko. True nga na hindi ako sanay sa ganitong buhay pero hindi naman ako mapili lalo na sa nag-iisang pamilya na nag-alok sa akin ng tulong. Tama nga sila na kung sino pa ang mga nangangailangan sila pa ang mga bukas palad na tumulong sa iba.

“Marami na po akong utang sa inyo, Aling Vima.” pabiro kong sabi pero totoo naman iyon. Tumawa naman siya ng bahagya at binalot ako sa yakap. Naaalala ko tuloy si Lola.

“Magaan ang loob ko sa’yo, ineng. Matagal ko nang pangarap na magkaroon ng anak na babae.” sabi niya habang inaayos-ayos ang buhok ko kahit hindi naman ito magulo. “Pero sapat na rin naman si Ising. Napakabait na bata.”

“Pinalaki niyo po kasi ng maayos.” ngumiti ako sa kaniya. Alam kong mababait na tao ang mag-asawang Badong.

“Alam mo na ba kung bakit ka napunta rito? Dinukot ka ba?” nawala naman kaagad ang ngiti ko sa sinabi ni Aling Vima, at tanging pagbukas-sara lang ng bibig ang nagawa dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin. “Hindi kita pipilitin kung ayaw mong sabihin.” matamis siyang ngumiti habang naglalakad papalapit sa pinto. “Manatili ka rito hanggang kelan mo gusto. Nakahibalo man ako nga indi ikaw malain nga tawo.”

(Alam ko naman na hindi ka masamang tao.)

Pabagsak akong naupo sa kama nang maiwan akong mag-isa. Wala akong ideya kung bakit narito ako sa panahong ‘to. Wala akong ideya kung paano bumalik o kung makakabalik pa ba ako.

I will just find that out. I always do.

I concluded earlier na baka lumang pangalan lang ng Lemery ang La Maria. I noticed kasi na parang nakita ko na ang ibang mga mansyon at bahay nang umuwi kami kanina galing sa centro. Mukhang na-renovate lang at nahaluan ng modern design ang mga bahay na nakita ko sa Lemery, but overall? Magkakapareho ang mga locations at ang mga main designs.

At hindi man namin nadaanan ang ancestral house ng mga Alejandrino, malakas parin ang kutob ko na nandito lang ‘yon.

Ilang minuto pa muna akong nagmuni-muni bago nagpasyang ayusin na ang sarili para makapaghapunan na kami.

Hindi kalakihan ang bahay nila Aling Vima. Naka-angat sa lupa ang sahig na gawa sa kawayan, habang gawa naman sa pawid at nipa ang haligi at bubong. The typical bahay-kubo style pero malinis at maaliwalas naman ang loob. Presko pa ang hangin na pumapasok, ibang-iba sa de-aircon naming bahay sa Katipunan.

“Dito ka umupo, ineng.” masayang sabi ni Aling Vima habang naglalagay ng plato sa mesang gawa rin sa kawayan. Si Mang Dante naman ay kasalukuyang kinakabit ang ilaw nilang petro-max dahil wala silang kuryente rito.

Si Aling Vima na ang nanguna sa dasal bago kami nagsimulang kumain. “Ineng, gakaon ikaw sang pinamalhan?” alok niya sa akin ng isda na nasa loob ng palayok. Kulay itim na yata ang kulay nito dahil sa patis.

Ngumiti naman ako sabay tango kahit ang totoo ay hindi. Pikit-mata kong nilunok ang isda at gano’n na lang ang gulat ko nang malasahang masarap pala ito. Nag-aagaw ang asim ng suka at ang alat. Tamang-tama lang sa panlasa ko.

“Kumportable ka ba sa kwarto?” bahagya naman akong natigilan sa pagsubo dahil sa tanong ni Ising. Nananadya ba siya?

Pasimple ko naman siyang tinapunan ng tingin at mukhang malinis naman ang kaniyang intensyon. Baka kasi labag sa loob niya ang pagpapatulog sa akin sa kwarto. “Maayos naman, salamat nga pala.”

A Voyage Towards the HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon