📷 28: Stay

53 16 7
                                    

AMALIA

"You're such a cool driver Amalia!" sigaw ni Leon na nasa shotgun seat ng Chevy ko. "Even Kuya didn't reach this speed!" tumawa pa ito dahil mukhang ngayon pa lang siya nakasakay sa humaharurot na sasakyan. Weak naman ni Marco.

"Woohoooo!" sigaw din ng dalawang binatilyo sa likod habang nakalabas ang mga ulo sa bintana. Sina Lemuel at Emmanuel, magkapatid na Gomez---eletista at barkada nitong si Leon.

Susundan namin ngayon sina Riguel at Marco na nasa Barangay Omio na para tumulong sa pag-ani. Nagulat pa nga ako nung dumating si Mila sa bahay kanina para ayain akong sumunod sa dalawang lalaki.

At mas lalong ikinagulat ko nang malaman na marunong palang magsaka ang dalawa. Taon taon na daw nila itong ginagawa dahil isang byudang matanda na ang may ari ng sakahan at napapabayaan na niya ito dahil sa pangungulila sa asawa at wala din siyang alam sa pagsasaka.

Kaya nung malaman ito nila Riguel at Marco ay sila narin mismo ang nanguna sa pagsaka at sila narin ang nagbayad sa mga manggagawa bilang tulong. How cute of them.

Two weeks have past simula nung 'date' namin sa Carles at puro landian at pagpapanggap lang ang ginawa naming dalawa ni Marco kapag nandyan sina Mila.

Tinangay narin namin si Thelma ngayon at ang iba pang barkada ni Leon dahil nagpumilit sila. Ito rin ang mga binatilyo at dalagita na tinuruan ko noon ng tango.

Dala ni Mila ang sasakyan niya at doon nakisakay si Bhona, Ebony at Jeric. Habang sakay naman ni Thelma si Third, Kimay at Ysabelle.

Binagalan ko na ang pagda-drive dahil hindi ko na makita ang mga kasama namin sa likod at hindi ko rin naman alam ang daan papunta kina Marco.

"Let's wait for them." ngumiti ako sa mga kasama. "Alam ba ng mga magulang niyo na nandito kayo?" tanong ko sa magkapatid na nasa likod.

"Ang importante, maka-uwi kami ng ligtas mamaya." tumawa si Lemuel na siyang nakakatanda sa dalawa. "Diba tol?" sinapak pa nito ang braso ng kapatid.

Napailing nalang ako. "Basta hindi ako ang pasimuno dito ha. Biktima lang rin ako." tumawa ako ng marahan.

"Hindi yan. Kasama si Ate Mila e. Malakas kaya yun kay Papa." sabi naman ni Emmanuel na di mababakasan ng takot sa mukha.

Di nagtagal ay nakita ko na ring paparating na sina Thelma at Mila kaya dumungaw ako sa bintana ko. "Lead the way ladies!" sigaw ko sabay taas ng isang kamay.

"Ano ba yan? Tayo ang huli?" reklamo ni Lemuel nang magstart ulit ako ng sasakyan at bumuntot sa dalawang sasakyang nasa harap.

"Di ko kasi alam ang daan." kumindat ako sa dalawa. "Ang tagal nga nilang makahabol kanina e." pampalubag loob ko nalang.

Mas mabagal na ngayon ang pagpapatakbo ko kumpara kanina. "Sil, nagtataka talaga ako kung paano ka napasagot ni kuya." napalingon ako kay Leon na nakahalukipkip sa upuan niya. Kung alam mo lang na wala talagang ligawan na naganap. Hays.

"Di ko nga rin alam. Ginayuma ata ako." tumawa pa ako dahil sa naisip. This is my first boyfriend at hindi ko alam kung counted na ba to since parte lang naman ito ng misyon ko rito.

Tumigil kami sa harap ng isang maliit ngunit kongkretong bahay. Sa gilid nito ay isang palayan na hindi naman kalakihan ngunit sapat nang pangkabuhayan. Puno ito ng mga tao na nagtutulungan sa pag-ani at kasama na roon sina Riguel at Marco.

"Sana sinama natin si Isay at Nicole!" rinig kong usapan nina Ysa at Kimay pagkalabas ko ng sasakyan. "Alam mo namang puro aral ang dalawang yun." magkasinglaki lang ang dalawa ngunit sa pagkaka-alam ko ay mas bata si Ysa.

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now