📷 18: Tango

71 29 19
                                    

AMALIA

Ikinros ni Marco ang mga paa at kinurot pa ako sa likod para lang gumalaw ako. Natuod na 'ata ako. Sinabayan ko na rin ang mga galaw niya at nagtuloy-tuloy na ang mga mabagal naming paghakbang, sumusunod sa ritmo ng musika na galing sa loob.

Inikot niya ako ng dalawang beses at sinalo sa bewang pagkatapos. Mabagal kong itinaas ang isang paa ko habang inalalayan niya ako, itinatagilid ang mga katawan naming dalawa.

He turned my body around after, my back facing his hard chest. Nagsimula ulit ang mga mabagal naming hakbang, nakahawak ang isang kamay niya sa tiyan ko habang ang kabila naman ay hawak ang palad ko.

We promenaded along the terrace, getting lost with the sultry music. Actually, Tango requires its dancers to snap their heads back and forth ngunit nanatili lang ang mga mata namin sa isa't isa, lango sa mahikang dala ng musika.

Bumalik na kami sa dating posisyon. His hot palm on my bare back again. Ma-ingat ang pagkakahawak niya sa akin na para bang ingat na ingat. Akma niya pa akong iikutin ulit ngunit bigla akong bumitaw. Tama na jusko. "A-ayoko n-na." parang hindi na ako makapagsalita ng maayos at na-uutal dahil parang nabuhol ang dila ko.

Umiwas ako ng tingin na siyang pinagsisihan ko dahil sinalubong ako ng mga nakangiting tao, nagpapalakpakan.

Nandoon sila Riguel, Mila, Thelma at ang pinakamatandang Sanchez, si Leondra. Pumapalakpak din ang mga ito ngunit ang pinakamalakas ay ang kay Riguel.

"Galing a? Pinagpraktisan niyo?" tinapik-tapik ni Riguel ang balikat ni Marco nang makalapit ito. Halata namang malakas dahil tumutunog ang baga ng kaibigan.

"T-that was nice." parang napipilitang sabi ni Mila habang naglalakad papalapit na sa'kin.

"Uy may sparks A ha." pabulong na sabi sakin ni Thelma at sinundot pa ang tagiliran ko. "Kinikilig ako." tumili siya sa tainga ko kaya napatalon ako papalayo sa kaniya.

Inirapan ko na lang siya at tiningnan ang dalawang lalaki na pabirong nagsasapakan. "Mas may spark sila. Sila 'ata ang itinadhana." tumawa ako ng konti para pagtakpan ang nagma-marathon kong puso. Walang kwentang lamang loob.

"That was a great dance." lumapit sa amin si Leondra na nakangiti. "Mahirap kayang pilitin si Marco na sumayaw." elegante siyang tumawa.

"A-ate, this is Amalia. Our new friend." pagpapakilala ni Mila at hinawakan ako sa braso para paharapin kay Leondra.

"Nice meeting you. I hope we get along well." ngumiti siya sa akin at nagkamayan kaming dalawa. "Leonel!" sigaw niya sa kapatid. "Ipakilala mo naman ang bago mong kaibigan kina Mama at Papa."

Nanlaki naman ang mga mata ko at aangal pa sana ngunit hinawakan na ni Leondra ang braso ko at hinigit papasok. Magkapatid nga sila ni Marco. Medyo fc. Kakakilala lang namin e, makakaladkad 'to.

Nilingon ko ang mga kaibigan ko at pinanlakihan sila ng mata. Tinaas baba ni Thelma ang kilay at ngumisi sa akin habang sumesenyas pa ng 'go'. Ngiti lang naman ang nakuha ko kay Mila.

"Meet the parents agad?" rinig ko pa ang halakhak ni Riguel at ang daing ni Marco dahil mukhang sinapak na naman siya ng kaibigan. Nasa likod lang namin sila at nakasunod.

"Ma! Pa!" tawag ni Leondra sa atensyon ng mga magulang na nakikipag-usap sa mga bisita. Lumapit naman kami sa kanila. "Ma. This is Amalia..." tiningnan ako ni Leondra, senyales na dugtungan ko ang sinabi niya.

"Amalia Corentine Alejandrino ho." wala sa sarili kong sagot. Shit! Bat Alejandrino?! Napatigil naman sa pangungulit si Riguel at gulat na napatingin sakin.

"Alejandrino? Kaano ano mo si Riguel namin dito?" ngumiti sa akin si Ginang Sanchez.

"Uhm..malayong kamag-anak ho siguro. Galing pa po kasi ako sa Maynila." mabuti na lang talaga at mabilis ang reasoning ko ngayon.

"Ma! Marco danced with her!" excited na sabi ni Leondra. Kinagat ko naman ang loob ng pisngi ko. Kailangan pa talagang i-report 'yon?

Napatingin naman si Melma Sanchez sa lalaking anak na para bang tinatanong kung totoo ang sumbong ng nakakatandang kapatid.

"Tinuruan lang namin si Leon at ang mga kaibigan niya." kaswal na paliwanag ni Marco.

Tumango-tango naman ang mga magulang niya na parang hindi kumbinsido at nagpipigil pa ng ngiti. "Nagagalak akong makilala ka hija." nilahad ng kanilang padre de pamilya ang kaniyang kamay sa akin.

"Happy Anniversary ho." tinanggap ko ito at nakipagkamay na rin sa asawa niya.

Bumati sa kanila ang mga kaibigan ko na nasa likod at nakipagbeso sa mag-asawa. "Enjoy the party." ngumiti sa amin si Dr. Alfredo Sanchez at inalalayan na si Dra. Melma paalis do'n.

*****

Sa table na rin namin naupo si Marco at 'di nagtagal ay lumapit na rin si Roberta para maki-upo. In fairness, di niya kasama ang mga alipores niya ngayon.

Agad namang kumapit si Roberta sa braso ni Marco kaya nahirapan ang huli sa pagsubo ng kanin. Pinagmasdan ko lang si Mila na pasulyap-sulyap sa kanila. Nagseselos ang lola ko.

"Baby subuan kita?" malambing na tanong ni Roberta. Palihim namang natawa si Riguel sa itsura ni Marco dahil halatang gusto na niyang makawala sa babae.

"Since highschool, gusto na talaga ni Roberta si Marco. Tibay nga e." bulong sa'kin ni Thelma na katabi ko ngayon.

Tumango-tango lang naman ako sa kaniya. Himala nga dahil hindi ako kinutya ni Roberta ngayon pero siyempre hindi mawawala ang pag-iirapan naming dalawa. Automatic na 'yon.

Rinig ko naman ang mahinang boses nila Riguel at Mila sa kabilang gilid ko, nagbubulungan sila. Napangiti ako. 'Yan, ganiyan dapat.

Pagod akong humiga sa kama pagka-uwi kahit hindi pa nakakapagpalit. Nag-usap lang naman kaming magkakaibigan buong gabi pero feeling ko dinaganan ako ng buong mundo.

Nag-isip na muna ako ng plano kung paano tuluyang ibaling ang atensiyon ni Mila kay Riguel. Roberta could be a great leverage, dahil hindi nakapag-usap ng maayos kanina sina Mila at Marco dahil epal ng epal ang babaeng rambutan every now and then kaya si Riguel na lang ang kakwentuhan niya. Saklap nga dahil second choice ang lolo ko pero atleast may progress na ngayon.

I could start with that. Gagawin ko ang lahat ng kaya ko to accomplish this task. Rewriting my grandparents' love story. And I will make sure that their story will be an exciting one to be told this time.

====================
Medyo dragging na ba? ik huhuhuhu Di ko na nga alam kung pano to igapang. HAHAHA. Chos.

mwa.

A Voyage Towards the HorizonМесто, где живут истории. Откройте их для себя