07 Alejandrino (Filler Chap Only)

104 45 55
                                    

AMALIA

La Maria, 1969

Pagkalabas ko mula sa gubat ay hindi ko mapigilan ang sarili na tingalain ang mataas na gate ng mansyon namin, gaya ng ginagawa ko sa tuwing dumadating ako mula sa Maynila.

‘Hacienda Alejandrino’

Napatingin ako ulit sa gubat na pinanggalingan ko. Isa ito sa mga kabuhayan ng mga Alejandrino. Maraming bumibili ng mga puno namin para gawing furnitures. Sina Lolo Riguel din ang pangunahing supplier ng kape sa buong Iloilo sa kasalukuyang panahon. Hindi pa nga lang masiyadong malago ang kape ng mga Alejandrino sa ngayon.

Napabaling naman ang tingin ko sa mansyon. Hindi ko alam na may mas ikakaganda pa pala ito. Mukhang bagong pintura ang mga dingding at wala pang mga vines na tumutubo. Kahit ang fountain sa gitna ay gumagana pa.

Mula sa kinatatayuan ko ay ramdam ko parin ang karangyaan at kapangyarihan na isinisigaw ng galanteng bahay. Nakakalungkot lang isipin na hanggang sa pagtingala lang ako ngayon dahil hindi naman ako pwedeng pumasok.

Nanatili lang akong nakatayo sa labas ng gate habang patuloy na pinupuri ang mansyon sa aking isipan nang may biglang bumusina sa likod ko.

Isang pulang mustang ang bumungad sa akin. “Sin-o ka?” tanong ng driver gamit ang wikang bisaya na nakasungaw ang ulo sa bintana ng sasakyan.

Natameme naman ako nang makita kung sino pa ang nasa loob ng sasakyan. Familiar sa akin ang mukha nito dahil ilang beses ko na siyang nakita sa hall of fame namin.

Si Mayor Dominador Alejandrino!

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan. Sa pictures ko lang siya nakikita noon ngunit nakikita ko na ngayon nang harap-harapan. Ang wierd makakita ng isang taong matagal nang patay. Siya pala ang mayor ngayon dito.

“Wala po. Pasensya na.” sabi ko at tumabi na sa gilid para makadaan sila.

Nagsimula na ulit umandar ang sasakyan at mula sa bintana ay nakita ko pang napatingin sa gawi ko si Don Dominador. Namumuti na ang mga buhok nito at mukhang nasa 50’s na.

Ibig sabihin naipanganak na si Lolo Riguel! Bakit hindi ko naisip ‘yon?! Naiwan nga talaga siguro ang utak ko sa 2020.

Si Dominador Alejandrino ang ama ni Lolo Riguel. Ang pinakahuling umupong mayor ng Lemery sa angkan naming mga Alejandrino.

At kung nandito nga si Lolo Riguel, malaki rin ang posibilidad na nandito rin si Lola Milagros! Buhay siya dito!

.avtth.

hello! so this chap is super ikli only hshshs. conyo e. filler lang po ito at dahil konti nga lang, magti-trivia na lang ako para madagdagan naman ang word count, jusq.

so ito na hshshsh, Lemery does exist in real life. and it is also true na former name nito ang La Maria. actually, 'El Pueblo de La Maria' nga e, since during the spanish times, ang mga lugar ay pinapangalanan hango sa mga santo.

tapos may isa ring haka-haka na former name rin daw nito ang 'Lamenaria', isang spanish word na ang meaning ay luminescent lamp. may kahoy kasi na Palo Maria o 'Labogkahoy' kung tawagin ng mga tagaroon, na pinapalibutan ng libo-libong mga alitaptap kada gabi, kaya nagmumukha siyang malaking ilaw sa malayo.

ito na rin daw ang naging landmark ng lugar pero pinalitan lang ng mga amerikano ng pangalang 'Lamery' na kalaunan ay naging 'Lemery' na.

Idk pero nahihiwagaan talaga ako dun sa Lamenaria na part hshs, nung nabasa ko to sa isang brochure nanayo talaga yung mga balahibo ko hshs. no exaggeration yan pero mas bet ko lang ang pangalang La Maria, ewan, kaya yan na lang yung kinuha kong pangalan hshshs, so that was it ; )) vyyeeee

mwa.

-jarr

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now