📷 12: Getting Aggressive

88 36 25
                                    

AMALIA

Kinabukasan dumiretso na ako sa pamilihan para bumili ng lulutuin para sa agahan. Maaga akong umalis kanina kila Nanang dahil doon na ako natulog kagabi.

Inunahan ko na sila sa paggising dahil alam kong mamimilit lang si Nanang na doon ako mag-agahan. Pero dahil dinuguang baboy na lang ang tira sa mga handa namin, tumakas na ako.

Hindi kasi ako kumakain ng dinuguan kahit pa sinasabi ng karamihan na masarap ito. But me? Naaahhh I will never. Even just looking at it makes me want to puke. Sorry for the dinuguan lovers, I'm just being honest.

"Ayos na siguro 'to." sabi ko habang nakatingin sa binili kong bangus. Magpiprito lang naman ako ngayong umaga.

Napangiti ako sa mga nakakasalubong kong tao kahit hindi ko naman sila kilala. Nasanay na siguro akong palaging nakangiti sa school.

'Poor People Dye First.'

Nawala ang ngiti ko nang makita ang isang karatula na mukhang dugo pa ng hayop ang ginamit. Ew. Super gross. Ang dinuguan na naman ang pumasok sa utak ko. Ew. Super gross again.

Umiwas na lang ako ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Well, well, well, what do we have here?" medyo nagulat ako nang sumulpot sa harap ko si Roberta kaya muntik ko nang mabitawan ang bayong kong hawak. At gaya noong isang araw, nakasuot na naman ito ng pula.

Ano bang meron sa pula? Naka-backless maxi dress ito at may malaking headband sa ulo. Take note, pula ang mga iyon.

May dalawa din siyang alipores sa likod na mukhang mga nadapa dahil sa pamumula ng mga mukha. "Anong masasabi mo doon?" maarteng tinuro ni Roberta ang karatula sa likod ko.

Umikot na lang ang mga mata ko dahil para pala sa akin ang death threat. Mali-mali naman. Ngumisi ako sa kaniya. "Well, I appreciate your effort but you spelled 'die' wrong." I crinkled my nose. "Genius." pang-aasar ko at binangga ang balikat niya bago siya nilampasan.

Hinawakan ko ng mabuti ang bayong kong dala dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maihampas ko to sa kanilang tatlo. Na-ikalma ko naman agad ang sarili dahil I already mastered the art of self control and composure a long time ago.

"Huwag mo akong tatalikuran dahil kinakausap pa kita!" narinig ko ang mga yapak sa likod ko, alam kong sumunod sila."Ang lakas ng loob mo na manghimasok, isa ka rin lang namang dukha!" sigaw ni Roberta kaya naka-agaw sila ng atensyon mula sa ibang tao.

Mas binilisan ko na lang ang mga hakbang ko dahil ayaw kong makipag-away sa mga walang kwentang tao. I am the one with the sane mind kaya ako na lang ang mag-aadjust.

Bigla naman akong napatigil at napasigaw sa sakit dahil may humila sa buhok ko. Ang pinakamamahal kong buhok.

Ginagalit ng babaeng 'to ang isang future bar exam topnotcher! Ano pa bang batas ng Pilipinas ang gusto niyang isermon ko sa kaniya?

"Ano ba?!" sigaw ko na rin habang hinahawakan ang anit ko dahil hindi pa rin binibitawan ni Roberta ang buhok ko at mas lalo pa itong hinila.

Kapag talaga may nalagas sa magagandang buhok ko, milyon-milyong hibla ng buhok ng babaeng 'to ang kapalit!

"Bitiwan mo ako! Ano bang problema mo ha?!" na-iirita ako dahil napaka-immature niya. Never pa akong nakipagsabunutan noon kaya bago ito sa akin. At in public pa talaga. Iba nga talaga ang babaeng 'to. Uhaw sa atensyon jusko!

"Akala mo kung sino! Isa ka rin namang dukha! Know your place!"

Dukha? Isa akong Alejandrino bitch. At hindi ako magpapatalo. Tini-trigger mo ako!

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now