09: Meet the Grandparents?

94 40 42
                                    

AMALIA

La Maria, 1969

Mabilis akong umalis sa kina-uupuan para sundan ang babae kahit hindi pa naman tapos ang palabas. I even heard some people grunting because of annoyance. Natatakpan ko siguro ang view nila dahil bigla-bigla na lang akong tumayo.

Pero wala akong pake. I just saw my grandmother who died days ago.

Pagkalabas ko mula sa kumpol ng mga tao ay hinanap ko kaagad si Lola at nakitang bumibili ito ng mani. Mahinhin siyang tumawa nang mag-joke siguro ang tindero.

Napakahinhin naman nito! Hindi rin naman ako masiyadong magalaw dahil iyon ang nararapat para sa mga babae ngunit nasobrahan naman yata ang version na’to ni Lola.

Hindi ko akalain na ganito siya gumalaw sa panahong ‘to dahil hindi naman siya ganito noong Lola ko na siya. ‘Yong literal na lola. Maybe this isn't her?

Lumapit ako ng konti sabay sandal sa katabing stall para magmasdan siya nang malapitan. Nakikipag-usap siya sa tindero ng mani----well, hindi naman talaga nakikipag-usap, dahil tango at ngiti lang naman ang ginawa niya at ang matandang tindero lang ang dumadaldal.

Kinilatis ko siyang mabuti at nakumpirmang ito ng ang lola ko dahil sa nunal nito sa bandang ilalim ng baba.

Tumawa ng malakas ang tindero sabay hampas sa sariling mga hita habang si Lola naman ay tumawa rin. 'Yong tawang hindi man lang nagpagalaw sa katawan niya kahit kaunti.

Rebulto ba siya? She’s so stiff at parang ikinakahiya niya ang paggalaw. Konti na lang talaga pwede na siyang ipamalit sa estatwa ni Rizal dito sa gitna ng plaza.

Pasimple ko naman siyang sinundan nang maglakad na siya ulit. Maybe she’s leaving already since she’s walking towards the entrance, slash also the exit.

I’m a bit far from her, walking casually, ‘yong parang namamasyal lang din pero napatigil ako bigla nang makita kong sumalampak siya sa lupa.

Napatingin ako sa babaeng nasa harap niya. It seems like she tripped her, I didn’t see that coming. Maputi ang babae, napakaputi to be exact, na nakakasilaw na ang dating. And the fact that she wore a red halter dress and a dark red lipstick made her look more fairer. Tatanungin ko na lang siya mamaya kung ano ang skin care routine niya.

Kidding. Actually, hindi ko gusto ang dating niya. Nangangamoy bitchesa. Nagtago ako sa mga santan dito sa gilid ng plaza para mas makalapit pa sa kanila nang hindi nahahalata. “----nagpapa-awa sa anak ng Mayor! Malandi ka!” napahawak na lang ako sa bibig ko nang sampalin ng nakapulang babae si Lola. Rambutan siya! Walang hiya!

Nakayuko lang naman si Lola Milagros habang naka-upo sa lupa. Her white dress got stained from the dirt now. Wala ba siyang balak na ipaglaban ang sarili niya? Can’t she fight back?

Napatingin ako sa paligid at nakitang walang ibang tao dahil halos lahat ay abala sa kasiyahan sa loob.

“Nilalandi mo rin ba si Marco ko? Mapanlinlang ka! Mahinhin ka kunware para ipagtanggol ka nila ni Riguel! Hindi ka ba nahihiya para sa sarili mo?!” napantig naman ang tainga ko nang marinig ang pangalan ni Lolo. Magkakilala na pala sila ngayon.

Nang akmang iisa pa ng sampal ang babaeng rambutan sa makinis na pagmumukha ni Lola ay umeksena na kaagad ako. I can’t let this filthy fruit degrade my grandmother.

Tinabig ko ang kamay niya papalayo bago hinawakan ang magkabilang balikat ni Lola. Ngumiti ako ng matamis. I can’t believe it. I thought I won’t see you again, La.

“At sino ka naman?” high-pitched ang boses ng rambutan at nakita ko pang pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napataas ang kilay ko.

I’ve already said na mabait ako, but only to those who deserve it. Kapag binato mo ako ng bato, babatuhin kita ng hollow blocks pabalik. With an ‘s’ kasi tatlo.

Hinayaan ko na lang muna si Lola sa lupa dahil mukhang na-sprain ang paa niya, hindi siya makakatayo nang mag-isa. I have to deal with this bitch first. “Stay there.” Kalmado akong tumayo at pinagpag muna ang mga kamay bago ko inilagay sa likod.

“Are you familar with bullying, Miss?” pinakitaan ko siya ng mala-toothpaste commercial na ngiti. Peke ‘yon, syempre. “Alam mo bang magkakaroon ng batas laban sa pambu-bully?" maingat akong naglakad papalapit sa kaniya habang nakangiti pa rin. “Ahh... siyempre hindi mo alam, kasi sa 2013 pa aaprubahan ‘yon.” nalungkot ako kunyare sabay pout. Feeling ko panalo na kaagad ako dahil may nalalaman akong wala pang nakaka-alam dito sa panahong ‘to.

Pagkakitaan ko kaya? Pupusta ako ng malaking pera kay Gloria Diaz dahil alam kong mananalo siya ng Miss Universe sa darating na July---wait. July ba o June? Napa-iling na lang ako at naalalang may kaharap pala akong prutas na bully ngayon.

Sa school, palagi na lang akong nakaka-encounter ng mga bullies. Hindi yata maubos-ubos ang ganiyang mga estudyante kaya laging sumasakit ang ulo. Bullying is a serious offense and we strictly prohibit it inside our campus.

Pinagtaasan ko ulit ng kilay ang babae at minata rin mula ulo hanggang paa, tuluyan nang nawala ang ngiti ko kanina. Siya na yata ang pinakamatandang bully na susuwayin ko so far. “But anyway, I just want to inform you that what you’re doing is an act of bullying.” tiningnan ko siya diretso sa mata. It was a secret I use intended to intimidate people, and it seemed to be working flawlessly today.

Nauna siyang mag-iwas ng tingin, na-ilang siguro sa paninitig ko. I smirked at her then I looked back to check on my grandmother.

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now